Ang Kuwentong TOTGA Ko

Image by Someecards

Nauuso na naman ang usapang TOTGA. After reading Aga’s letter to Lea, after reading a blog about TOTGA, ito naman ang TOTGA story ko.

My TOTGA is from my HS days pa.

Si TOTGA, hindi ko naging unang crush noong high school. May iba akong gusto noon na consider ko as my first puppy love.

Hindi ko alam na tong si TOTGA ko matagal na palang may crush sa akin.

I remember binibiro niya ako doon sa gustong-gusto ko na guy noong 3rd year pa kami.

Lagi niya ako pinapatawa. He became my best friend. Until one day, sa may bintana noong 4th year HS kami he confessed na problema daw niya ako. I asked him why, sabi niya “I think I’m falling in love with you”.

Na-shock ako beshy. Nginig tuhod kasi first time may nag-confess sa akin. Then pinaalala niya ‘yung mga “da moves” niya na ‘di ko nahalata.

Noong sinundo niya ako sa may kanto sa school kasi late ako dumating. Nakita ko siya, ‘di ko alam na inaantay niya ako. Ang siste sumakay ako patungo sa school at naiwan ko siya. Hahaha ang daming attempts pa noon.

Naging sweet kami for a while kasi peer pressure. Tapos naisip ko, ‘di ko talaga siya gusto kaya binasted ko.

Nung Christmas party, gift niya sa akin “flower candle “and love letter na nakasulat sa intermediate paper. Graduation came, naiyak ako kasi ‘di pumunta ang Papa ko(promise ko kasi noon mag-Valedictorian kaso ‘di ko nagawa).

First time niya akong nakitang umiyak. He was there for me. Sabi niya okay lang basta may award naman ako. College, ‘di kami same school. Sepanx yata ako kasi sa tatlo kong kaibigan, ako ang nahiwalay. Sobrang pressure kasi scholar ako kaya ‘di dapat bumagsak.

Nursing ang kinuha ko, siya naman Marine Engineering.

Lagi pa rin siyang pumupunta sa bahay kahit after school. To be honest, ‘di ko binibigyan ng malisya kasi magkaibigan kami. Then nahuli ko siya na ang password niya sa email add niya ay name naming dalawa. Kinilig ako, mga one half. Hahaha.

Bawal ako mag-boyfriend noon kasi naman pag-aaral ang dapat atupagin. Constant communication pa rin. Hanggang sa one time, uso pa ang Friendster nag-message siya, wala sa isip ko na makakaapekto ‘yun sa amin. Itong friend kong bakla(sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa), nag-reply kami sa message niya pretending na boyfriend ko nag-reply. Wala lang talaga ‘yun sa akin.

Nagreply din si TOTGA asking for forgiveness and sinabi na friend ko siya. Hanggang sa nabalitaan ko na nagka-gf na siya. Hinayaan ko siya kasi kasalanan ko naman.

Marami akong narinig from my friends na ang sweet nila doon sa school nila. Midwifery ang course ni girl. Wala lang sa akin kasi studies nga muna. Communicate pa rin paminsan-minsan. Kahit sila na noon, nag-uupdate pa rin siya. ewan ko ba bakit.

Nagtagal sila noong girl nang mga 2 years yata. ‘Yung first apprentice niya international agad. Ako una niyang sinabihan na nakapasa siya sa international. Masaya ako for him. 9 months siya mawawala. ‘Di pa uso Facebook noon kaya email ang communication namin. Pag email niya “how are you?” lang sagot ko. At nagreply pa siya ng pagkahaba-haba, sabi nag-antay siya ng 1 day para lang mabasa ang “how are you” . Hahaha

Wala kasing signal sa dagat, beshy. Bale pag mag-email ako ngayon, sa sunod na araw pa niya mabasa then pag mag-reply siya, another day ulit para mabasa ko. Ganoon nangyari sa amin. We talked about anything and everything under the sun.

Naalala kong pinakanakakatawang kuwento ko sa kanya ay about sa Katrina-Hayden scandal. Yes, ganoon kami kabaliw. Nang umuwi siya dito, nag-break sila ng gf niya kasi niloko siya noon. Pero kami? Walang improvement, same pa rin.

We hang out, go to church, nagbe-breakfast sa mall or brunch, pumunta siya sa school ko pero wala kaming label. ‘Di namin pinag-uusapan. I don’t know. Siguro kasi kontento kami sa ganoon. Ewan ko ba sa lalaking ‘yun. After siguro na nabasted ko siya, takot na siyang sumubok.

Nagka-gf ulit siya. I was devastated. Nagbarko ulit siya. Stop ko ‘yung communication naming dalawa. I got into a relationship pero short lived lang. Dated some guys, pero wala akong sineryoso.

At the back of my mind alam kong ‘yung lalaking ‘yun ang gusto ko.

Cycle ang nangyari sa amin kahit may gf siya, nagkikita pa rin kami, lumalabas pero ‘di naman to the point na nag-two time siya. Hanggang sa na gf niya ang kapitbahay niya at parang best friend rin niya. Sumuko na ako kasi anong laban ko doon sa best friend din niya at kapatid ng sister-in-law niya?

Makailang beses ko siyang ignore. Matagl na sila mag-4 years na yata.

Kami? Kaibigan pa rin. Ewan kong kaibigan ba talaga ‘to. Siguro kaibigan lang talaga turing niya sa akin. Nag-abroad na ako at lahat lahat. Siya naman nakailang ulit na sakay sa barko. Ako yata ang favorite pm mate niya. hahaha. We talked, we argue, we laugh at silly jokes, we even pointed each other’s flaws.

Naging sandalan ko siya noong sobrang dapang-dapa ako sa buhay. Siya naging strength ko dito sa malayo. Napapatawa niya ako pero alam kong hindi siya akin, beshy. Alam ko pagmamay-ari siya ng iba.

Ngayon sinubukan kong makipagrelasyon sa iba. I’m getting married actually. At lagi niya idinidiin sa akin every time na mag-uusap kami na ikakasal na ako. Siguro feeling niya nag jo-joke ako. Hahaha. Pero buo na ang desisyon ko. Siguro soulmate ko siya pero hindi yata lahat ng soulmate nagkakatuluyan.

‘Di ko alam if alam niya na TOTGA ko siya. Para sa ‘yo, kung sakali mang mabasa mo to, ikaw ang TOTGA ko 🙂 Di man tayo nabigyan ng chance na umabot sa magandang relasyon sana kahit dito na lang, masabi ko Mahal kita, minahal kita at mamahalin kita. ‘Di man puwede sa panahong ito baka sakali sa after life, ako na pipiliin mo. ‘Di kita iistorbohin na at ibibigay ko na ang buo kong pagmamahal sa taong makakasama ko habangbuhay.

Love can be learned naman, ‘di ba? Itong lalaking pakakasalan ko alam kong aalagaan ako.

TOTGA, I’ll be contented to be your friend. Ako pa rin ‘yung friend mo na puwede mong masabihan sa lahat. Mahalin mo rin nang todo ‘yang girlfriend mo ngayon. At sa kasal n’yo rin, pupunta ako, hindi para pigilan ka kundi susuportahan kita sa pinili mo. Ngingiti ako nang sincere at ibubulong ko sa hangin, “Paalam my almost, paalam my maybe, paalam my something, paalam my no label, Goodbye, my TOTGA.”

About WandererGirl

Just a girl who's trying to make a difference