Ang KATAMARAN ay hindi verb

(Photo Credit: www.supergulaman.com)
(Photo Credit: www.supergulaman.com)
(Photo Credit: www.supergulaman.com)

Likas sa ating mga tao na kumatha ng salita, sa iba’t ibang pananaw. Mga mura, mga kabalbalan at kung anu-ano pa. Oo alam natin na ang salita ang gamit natin sa pakikipag-usap, hindi malayong matalikuran ito, ngunit sa pabago-bago ng panahon ang mga salita ay hindi na lang basta salita, kundi kaartehan na rin, sinong magaakala na ang salita na may letrang G-O-R-A-B-E-L-S ay nangangahulugang “tara”, apat na letra naging naging walo? ano daw yun??!!

Ba’t ba, bakit ba kailangan pang mag-imbento ng salitang komplikado? kulang ba ang salita? kung iisipin kung sanang walang mga salitang negatibo masasama at kabalbalan, maganda sana ang takbo ng ating buhay.

Isa na rito ang salitang KATAMARAN, minsan ba’y naiisip niyong para saan ang salitang ito? o bakit pa nagkaroon ng ganung salita sapagkat negatibo naman ang kahulugan, ito ay nangangahulugang ang hindi pagkilos ng isang tao kung kinakailangang kumilos o naghihintay ng swerte, upang mas maintindihan pa, kumbagaang taong hinihintay matapakan ang buhok bago ipatapyas, taong titingin na lang sa katabi nakapasa na, taong kukunan na lang ng litrato ang leksyon sa pisara, ngayon alam na natin kung ano tayo.

Kung tamad ka ikaw ay masaya, bakit?? dahil gustong-gusto mo na lumalapit ang swerte sa’yo, dahil gustong-gusto mo pinakamaganda parati ang resulta ng gawain, dahil gusto mo ng panandaliang pawis.

Bakit may mga namamalimos?? dahil baka nakalimutan na nila na nakakagalaw pala sila, dahil baka nakalimutan na nila kung ano ang pipindutin sa utak upang gumana. Hindi kahirapan ang dahilan kung bakit nakabukas ang kanilang mga palad, eh bakit may taong natutulog katabi ang ginto, bakit may mga taong tumutulo ang pawis, dahil wala sa kanilang bokabularyo ang salitang KATAMARAN, balik tayo sa umpisa kung walang salitang “tamad” hay mapupuno ng pawis ang mundo, walang magkakasakitdahil lahat gagalaw, ganyan kadaling intindihin ang mga negatibong salita.

Pagsisikap salitang wala sa mga taong tamad, oo tao tayo binaba sa mundo upang magsikap at hindi upang maging tamad.

Suntok, bugbog, pasa sa mukha, sakit ng katawan at mga maga, kung uulitin ang mga kataga tila may nagsuntukan o kaya nagrambulan, nagkakamali kayo….

Yan lang naman ang naranasan ni Manny Pacquiao bago umasenso, HIRAP ganyan ipagisa ang mga salitang nasa itaas, balikan natin ang mga kataga, isipin kung naging tamad si Pacquiao nung mga oras na sinusuntok at binubugbog siya, ano sa tingin niyo ang mangyayari sa kanya, malamang nakatulog siya o tinakbo na sa Ospital, pero dahil sa pagsisikap na lumaban, aba’y nakahiga pa rin siya ngunit katabi ang mga gintong bunga ng pagsisikap. Sa pagsisikap alam natin mahirap yan dahil ang pagbabanat ng buto saka lang magkakaroon ng katumbas pag nahintay ito, sabihin na nating matagal ang maghintay ng resulta ng pagsisikap, ngunit kung umaapaw ang pawis tiyak aapaw rin ang swerte. Kung ang pagsisikap ay galing sa puso, ang katamaran hindi dapat galing sa puso dapat ituring nating delubyo para limot agad.

Makabagong teknolohiya, Modern technology sa English, diba’y ang alam natin na kahulugan nito ay upang mapadali ang ating buhay. Tama, ang noo’y pahirapan sa pagnood ng itim at puting telebisyon ngayo’y animong nasa loob ka na rin, noo’y cellphone na pagkahirap-hirap pindutin ngayo’y dinidiktahan na lang, noo’y sulat na umaabot ng 5 araw bago makuha ngayon ay isang pindot lang sa gadyet ayan na agad, lahat ng yan ay resulta ng pinagsama-samang galing ng tao upang lumikha na ikagagaan ng buhay. Pero bakit parang nakalimutan na ni Juan  magsulat sa kwaderno? bakit nakalimutan na niyang matutulog pa pala siya? pero ang Social media hindi niya makalimutan?

Isa lang yan……………..K-A-T-A-M-A-R-A-N.

Bigyan pa natin ng halimbawa ang KATAMARAN ng tao, sa pag-aaral, alam natin na may kwaderno si Juan kasama na rito ang kanyang mga panulat, syempre alam nating lahat may cellphone siya, 90 leaves ang kwaderno ang mga panulat bagong bago, ngunit ang cellphone “storage memory full”, isipin mong bitbit niya sa likod maghapon ay wala palang pakinabang????

Diba parang hindi kumpleto ang araw natin kapag hindi hawak ang gadyet, pagkagising bukas agad sa FB para tingnan kung may likes na ang photo mo o kaya titignan ang messages, friend requests o notifications kung may laman, o pag kakain nasa tabi ng pinggan habang naghihintay sa text ni Crush, o ng boy o girlfriend, pero hindi mo naman masabing naligo at nagaral ka na??? diba

Bakit ba sa bawat update ng Merriam Dictionary ay meron pa ring “lazy”o “laziness”??

Para saan pa sina, Pacquiao, Elvis, Bugoy? para saan pang isinasapubliko ang kanilang paghihirap kung wala namang bumabangon sa kani-kanilang mga kama. Hindi na bago sa atin ang nakakakita ng mga taong nagaaral pa lang kumilos, mga taong iniikot ang buong Maynila ng may dala-dalang lata upang humingi ng barya, mga taong pinapaalis sa dikit-dikit na bahay ngunit tila wala silang tenga, kung gusto may paraan hindi kung gusto sige lang. TSK TSK

“Mamaya na”, “bukas na lang”, “meron pa namang mamaya”, “maaga pa”, mga salitang nagpapabago ng oras, mga salitang kayang iurong ang oras, pero kapag “tara labas tayo”, “tara gimik”, aba’y isa lang sagot diyan, “TARA”  din, mga salitang yan ay hindi na kayang iurong pa ang oras kasi 2 minuto lang hihintayin ready to go na.

Bawat araw ay importante ang oras, mapa segundo man, maisisingit natin sa KATAMARAN ang “pagsisisi”, bakit?? dahil tiyak sasabihin niyo sa huli na “dapat pala ginawa ko agad”, “dapat pala kumilos na ako”, maraming pang “dapat”, normal lang na ang pagsisisi ay nasa huli, meron bang pagsisi sa una??

TAGA marami niyan, tagaluto, tagahugas , taga-ayos, at marami pang taga, baka pati tagacomment, tagapost, meron na rin?  at baka mamaya tanongin ka kung taga saan ka, ay hindi mo na alam ang isasagot  mo, baka yung “taga” madagdagan pa ng “N”…… Tanga,

Ang pagiging tamad ay hindi aksyon o verb, ngunit nasa sa iyo yan kung isasakatuparan mo o pananatilihin na lang panlarawan..

AY TAMAD.

6 Comments

  1. Can I just say what a relief to find someone who actually knows what theyre talking about on the internet. You definitely know how to bring an issue to light and make it important. More people need to read this and understand this side of the story. I cant believe youre not more popular because you definitely have the gift.

Leave a Reply

Your email address will not be published.