Ang Ilong ni Kaday

ilongrangerBakit ba lagi na lang pinupuna ang ilong?

Kahit na maputi ka, maganda ngipin, maganda mata, sasabihin parin ng tao “Maganda siya  kaya lang pangit ng ilong niya”.

Kahit na matalino ka, mayaman ka lahat ay nasa iyo na, pupunahin pa rin ang ilong mo kapag pango ka.

Ano ba meron sa ilong ni Kaday?

Dahil siguro nasa gitna ito kaya pansinin. Inilagay kasi sa pagitan ng dalawang mata ang ilong kaya mabilis itong punahin.

Kapag matangos daw ang ilong, maganda?

Hindi rin, may mga matatangos din ang ilong na pangit.

Pangit ang ugali, bawi-bawi na lang sa ugali.

Kaya ang iba nagpapa-noselift, huwag lang malait.
Gumagastos para lang magparetoke.

Pinoy naman tayo, ‘di ba? Huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango, sabi nga sa kanta.

Sa totoo lang gusto kong sabihin na “Ilong lang yan, hindi ‘yan big deal. cccc”

Kaya lang hindi ko na kaya ang panlalait ng iba.

“Ang ilong ni Kaday! Pango! ”

Lagi na lang ako umiiyak noong bata ako kasi pango ang ilong ko. Sabi nila ang pangit ko daw.
Kahit na nag-aaral ako nang mabuti, marami akong mga honor, naririnig ko pa rin ang bulong-bulongan nila.

“Si Kaday, parating na, kahit pango ‘yan, matalino yan”

Ang sakit sa dibdib, dinudurog ang puso ko sa mga panlalait nila. Nasasaktan ako.

“Kaday, huwag kang masaktan kapag sinasabihan ka na pango, totoo naman,” sabi ng Nanay ko sa akin. Napapabuntong-hininga na lang ako sa tuwing sinasabihan ako ng nanay ko.

Lahat na ay ginawa ko tumangos lang ang ilong ko. Nilalagyan ko naman ng sipit, pero pango pa rin. Pango talaga!
Naisipan ko na ngang magpakamatay, tumalon sa tulay. Pero sabi ng ilong ko. “Kaday, ilong mo ako, bakit mo ako ikinahihiya? Ipagmalaki mo na may ilong ka .”

Grabeng ilong nagsasalita? Hindi… imagination ko lang yan. (hahaha! )

Buong buhay ko, inakala kong ang malas ko dahil sa ilong ko. Buong buhay akong malungkot dahil sa ilong ko. Pero hindi ko alam na dahil pala sa ilong kong ito ay susuwertihen ako. Gusto n’yong malaman kung paano nangyari ang lahat?

(Photo Credit: all-free-download.com)
(Photo Credit: all-free-download.com)

Ganito ‘yan, isang araw ay naglalakad ako sa Makati, tapos napadaan ako sa isang building dun. Tapos, may nakakita sa akin; tinawag ako “Miss! “

Lumingon ako; sabi ko “Ako? “

Sabi ng lalake, “Oo ikaw”.

Lumapit siya sa akin, tinanong ko kung bakit. Ang sabi niya naghahanap daw siya ng modelo, isa raw siyang surgeon. Kukunin daw niya akong modelo. Sabi ko, ayoko, natatakot akong magpaopera.

“Huwag kang matakot, pagagandahin ko ang ilong mo.”

Binigyan niya ako ng calling card. Nag-isip ako nang nag-isip hanggang sa nahanap ko na ang sagot. Sabi ko sige na nga, papayag na ako. Tatangos na ang ilong ko, yayaman pa ako dahil sa pera na ibibigay sa akin. Gagawin daw akong model. Ilalagay ako billboard lalagyan ng Before and After.

Hindi na ako malalait ng mga tao.

“Yeheeey!!! Matangos na ang ilong ko!

Tumangos na nga ang ilong ko. Umuwi ako ng bahay at ang sabi ng Nanay ko “OH MY GOD! ”

Hindi nila ako nakilala dahil matangos na ang ilong ko.

“Nay, ako ito, si Kaday.”

Grabe, kahit matangos na ang ilong ko, nilalait pa rin ako ng mga tao.

Sabi nila, “Ilong mo lang ang tumangos, ikaw pa rin ang dating Kaday, ‘yun nga lang, retokada kana ngayon.”

Hindi na “Ilong ni Kaday” ang tawag sa akin “Retokadang Kaday na.”

Sabi ko sa sarili ko, kahit pala magbago ako ng ilong, lalaitin pa rin ako ng mga tao. Naisip ko, wala naman pala sa itsura ‘yan. Wala ‘yan sa ilong. Hindi sukatan ng pagkatao ang itsura. Wala sa ilong ‘yan, nasa pagkatao.

Ako, binago ko ang ilong ko. Nagpatangos ako, pero ang mga tao sa paligid ko, mapanglait pa rin. Wala pala sa akin ang problema, nasa kanila.

Napagtanto ko na hindi ko na dapat binago ang ilong ko. Dapat nagpasalamat ako sa Diyos sa kung ano mang ilong mayroon ako. Ang mahalaga, hindi ako kagaya ng iba na nanlalait ng kapwa. Kasi buhay ko naman to eh, ilong ko ‘to, so anong paki ninyo!?

Ako si Kaday, dating pango. Ikaw, pango ka rin ba?

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.