Ang iba’t-ibang uri ng Extra Judicial Feelings

Paunawa: Ang blog na inyong matutunghayan ay base sa tunay na mga pangyayari. Lahat ng pangalan at lugar ay sadyang iniba para maprotektahan ang author dahil siya ay menor de edad pa.  ^_^

Nanlaban, lumaban, nagpaputok, bumunot, naghanap ng pokemon — lahat ng ‘yan ang pinakahuling galawan ng mga adik bago sila nakipag-meet and greet kay kamatayan.

Ayon sa PNP, tinatayang  higit isang libo na ang bilang ng mga natotodas  nang dahil sa shabu.

Kung tutuusin, puwede na ngang magdaos ng bazaar ‘yung mga taga-punerarya o  lamayan festival dahil sa dami ng mga namamatay araw-araw. Pero nakakapanghinayang din sa isang banda. Maaaring hindi ganun ang naging kapalaran nila kung naintindihan lang sana nila ang kanta noon ni ka-Willy Garte. ‘Yung kantang bakit papa?

Hindi ko lang sure ang title nun pero tungkol ‘yun sa masamang epekto ng paggamit ng drugs. Ayon sa kanta, ang droga daw ang siyang sisira ng iyong mga pangarap sa buhay at pagsisisihan mo ang paggamit nito sa huli.

Isang matinding life lesson.

Pero hindi sinabi sa kanta na huwag kang manlaban o huwag kang bumunot ng baril.

Naiisip ko lang din. Paano kung nalagay na lang din sana ‘yun sa lyrics, posibleng nabago ang history natin? Hindi sana ganun ka-bloody at wala sigurong mga extra judicial killings na gaya ng mga napapanood natin sa TV ngayon. Hindi rin sana ganun ka maoy ang mga taga human rights at hindi rin siguro nauso ‘yung mga pang-adik na comment sa Facebook gaya ng “how to be u po” or “Ni-like ko na, tumawag ka pa talaga” at kung anu-ano pang kabulastugan sa sosha media.

Speaking of social media, alam n’yo ba na ayon sa pag-aaral, ang shabu at babae daw ay may mga pagkakaparehas at directly proportional sa isa’t-isa.

Parehas silang nagmamahal. Pareho silang nakaka-adik.

‘Yung shabu, laging pinaghihinalaan na shabu. Ganun din ang mga babae, mahilig maghinala sa kapwa nila babae. ‘Yung shabu, pag tinira mo, titirik ang iyong mga mata. ‘Yung babae pag …… oo tama ‘yang naiisip mo! (how to be u po).

Sa shabu pag nanlaban ka, mapapaaga ang padasal sa bahay n’yo. Ang babae pag nilabanan mo, magdasal ka na. Ang shabu, pag minahal mo nang husto, mauubos ang pera mo at mawawala ka sa iyong katinuan. Ang babae, pag minahal mo nang husto, magiging taong grasa ka. Coincidence? I don’t think so. Isa lang ang salarin.

Feelings. Isang salita na mahirap labanan. In fact, hindi mo puwedeng labanan at all. Dahil bilang tao, nagmamahal tayo instinctively. Hindi tayo makaka-survive kung hindi natin ma-feel ‘yung adrenaline rush pag umiibig tayo. Parang chemical composition ng ecstasy, shabu, marijuana, cocaine. Nakaka-high at hahanap-hanapin mo hanggang sa maging biktima ka ng tinatawag nilang extra judicial feelings.

Ano ang extrajudicial feelings?

‘Yung feelings na hindi dumaan sa due process. ‘Yung feeling na biglaan at hindi ka handa. At since pinag-uusapan na lang din natin ang shabu, narito ang iba’t-ibang uri ng extra judicial feelings na niluto pa galing sa loob ng bilibid:

1. Buy lust operation – bilang isang mammal na may dalawang mapulang utong, dapat tandaan mo ang golden rule sa buhay: pag ang lalake nagipit, sa bakla kumakapit. Pag ang babae ang nagipit, sa walk kumakapit.

2. Loving in Tandem – mahirap daw mamangka sa dalawang ilog. Pero hindi ba mas mahirap sabihin yung “pak ganern!” habang umiinom ng tubig? Just saying.

3. Oplan tok-hang – ‘Yung pinadama sa iyong espesyal ka, then bigla ka na lang iiwanan sa ere at kailangan mong mag-pretend na hindi ka apektado. Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit mas lalong dumarami ang troll sa social media.

4. Seendikato – magpasalamat tayo sa pagkakaimbento ng “seen” sa Facebook, dahil ito na mismo ang nagsasabi sa iyong balewala ka sa isang tao. Aray ko, bhe!

5. Umassacre – ang dahilan kung bakit nag-e-exist ang salitang “tanga” ay dahil sa mga taong mahilig umasa. Kung mahirap pa rin para sa iyo ang lahat, tandaan mo lang ‘yung kanta ni Elsa…Let it go.

6. Summary EXecution – ‘yung kakilala mong gangsta sa pag-ibig. Nakatatlong move on na si Taylot Swift, siya, hindi pa rin maka-move on sa ex niya. Ano ‘yan, may pa contest ba sa barangay?

7. Pat session- short for patangahan session. ‘Yung broken hearted ka tapos hihingi ka ng payo sa mga kaibigan mong broken hearted din. Ayos, parang kumakain ka ng ampalayang sinawsaw sa asin.

8. Vigilandism – the act of making landi moves with someone without legal authority because the justice system in so called pag-ibig doesn’t exist.

9.User –  ‘yung parang mga friends mo. Pero madalas parang ikaw.

10. Pusher – gamit ng mga baklang manikurista para tanggalin ‘yung mga dead cells mo sa kuko. Joke! Gamit talaga ‘yan ng mga babaing maliit ang dede.

11.Republic Act 9165 – ito ‘yung nararamdaman ng crush mo para sa ‘yo.Hindi mo alam.

12.Ninja cop – ‘yung bespren mong hokage na protektor ng ex niya at mahilig mag-recycle ng feelings. Mambabasura lang ang punyeta.

13. Deadma on the spot – ‘yung kaharap mo na pero para ka lang naglalakad na paso sa paningin niya. Deadma. At ang matindi pa nun eh hindi man lang niya napansin ‘yung bangis ng pagkaka-kilay mo, bes.

14.Dead on karrival – karibal mong mapera, may kotse, edukado, may sense of humor, pero panget. Tapos ikaw panget lang talaga eh.

15. Human rights violation – pag nilamon ka ng iyong sistema, lahat ng bagay kahit hindi makatao ay gagawin mo. Katulad ng karumal-dumal na pagpatay…ng feelings at alaala.

16. Shabu love-boratory – sa shabu, pag nanlaban ka, isang araw mamamatay ka. Pero subukan mong lumaban sa pag-ibig, araw-araw kang mamamatay. Tengene thug-life eh noh?

17. State of Lablessness – idinedeklara pag sobrang tagal ka nang walang lablayp. Yung tipong wala nang friction ang daluyan ng ihi mo at tinutubuan na ng luya ‘yung singit mo.

18. Search warrant – ‘yung feeling na mas nag-e-effort pa ‘yung mga tao ngayon sa paghahanap ng pokemon kesa sa karelasyon. Tapos one time nag tuck-in ka, napagkamalan ka pang si snorlax. Ang sad, ‘di ba?

19. Extrajudicial Kilig – pag ‘yung kinekerengkeng mo eh kumarengkeng back sa iyo kahit may dyowa na siya. Hindi ko na kailangang i-explain pa, talent mo to.

20. Shoot to feel – minsan kailangan mo lang talagang malaman kung papaano masaktan nang husto ngayon para malaman mo kung papaano ka mas masasaktan bukas. Ansaveh!

21. Change is coming – ‘yung malayo pa ang December, pero ramdam mo na ang panlalamig sa iyo ng karelasyon mo. Mas malamig pa sa split aircon unit ng opisina n’yo!

22. Nandedelima – barkada n’yong mahilig mag-Tita moves. Galante sa boypren. Namimigay ng pangkabuhayan package at pang-down ng motor.

Ano ang moral lesson?

‘Wag kang manlaban. Wag mong damdamin ‘yung damdamin. Easyhan mo lang, tohl. We only live once. Walang undo na command ang buhay kaya ‘wag mong sasayangin sa mga kapu*****nahan na bagay. At huwag kang maniniwala sa mga kumakalat na balita na papatayin din ni Duterte lahat ng mga nag-aadik sa pag-ibig. Dahil kung totoo nga ‘yan, eh ‘di sana pumunta na siya dito sa kinauupuan ko ngayon at nginudngod niya na ang mukha ko sa [email protected]!sagdsadhsakhuyhsjadty%$hjsgduqw&^%hjqdggdhsagdhsag#@!

[Ngiti lang, enjoy life, ‘wag masyadong seryoso!]

#BloggerMachopapadinkita

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/