Ang Hiwaga sa Dormitoryo

Naniniwala ka ba sa Multo? Nakakita ka na ba? Nagparamdam na ba sila sayo?

Magtatatlong taon na ako sa dormitoryong tinutuluyan ko dito sa Manila, malapit sa Quiapo. Marami silang sinasabi na nakakikita daw sila ng multo, pero hindi naman ako naniniwala. Sa tagal ko dito, wala naman akong naramdamang kakaiba, or sadyang wala lang akong pakialam.

Lampas 20 years na ang building, pero mukhang matibay pa rin. May isang malaking sala kung saan lagi ako tumatambay at nanonood ng television. Nasa 28 lahat ang bilang ng mga rooms.Tig-dalawang tao lang sa bawat isa. Meron itong ordinary at airconditioned rooms. At syempre doon ako sa may aircon, mas masarap pagmalamig. Pangbabaeng dorm lang ito at bawal ang lalaki. Kaya mas safe for girls.

Minsan nagkaroon ako ng dormate na may third eye, ang sabi niya marami daw multo doon, sa may kusina, sa banyo, sa sala at sa study area. Meron daw matanda at bata. Minsan daw nakita niya sa may kusina, nakaupo. At sa sala naman babaeng nakatayo sa likod ng sofa. Meron din sa study area, matandang lalaki na nakaupo.

Noong una ayaw niyang magkuwento dahil baka daw matakot kami, pero kami ang mapilit, tanong nang tanong. Ayun, takutan na, kung ano ano ang nai-imagine, minsan kailangan pa magpasama pag pupunta ng cr. Yung iba naman hindi nagbabanyo pag madaling araw dahil takot.

At nang nakaraang araw lang, ‘yung bago kong roommate naman. Naghihilamos siya noon sa may lababo malapit sa may pinto, nang makarinig siya ng nag-flush ng toilet. Nagtaka siya dahil wala naman siyang naramdaman na dumaan sa likod niya. Tiningan niya lahat ng pinto ng banyo, pero nakabukas lahat iyon at walang tao. Sa pagmamadali niya dahil natakot nagtatakbo siya pabalik ng kwarto namin.

Tinanong ko siya kung bakit siya nagmamadali at ‘yun nga ang sinabi niya. Naikuwento niya rin ‘yun sa caretaker ng bahay at nasabi din nito na meron din raw siyang naririnig na nagpa-flush kahit walang tao. At minsan daw pag umihi siya sa madaling araw eh may sumisitsit daw galing sa kusina.

Ang creepy!

Pero balewala pa rin sa akin. ‘Di naman kasi ako lumalabas ng madaling araw. Ayoko!

At isa pang naikuwento ng caretaker namin, nong dalaga pa raw siya, kinuha siya ng mga engkanto. Nawala daw siya ng ilang araw. At pagbalik niya ay nilalagnat na siyang nakahiga sa kwarto.

Marami pang kababalaghan at hiwaga ang nababalot sa Dormitoryong yun. Pero ayoko isipin dahil ayokong takutin ang sarili ko. Hinahayaan ko lang, hindi naman sila nananakit. Basta huwag lang talaga sila magpaparamdam sa ‘kin, dahil baka lumayas ako bigla. Joke!

Basta lagi kang magdasal, mawawala din yung mga takot na mararamdaman mo. Minsan kasi nasa isip lang natin yan. Masyado kasing malikot ang imahinasyon at mahilig manood ng Horror Movies. Kaya minsan nasa isip lang talaga kahit wala naman. Dasal lang ang katapat nyan.Huwag papadaig sa takot. Nandiyan lang talaga sila sa paligid, nagpaparamdam.

Baka nandyan lang sila sa likod mo. Huwag kang lilingon!

multo

About cute21

writing is just my hobby.