Ang Hiwaga ng Kanta ni Jose Mari Chan

music-notes-wallpaper-5
photo credit: www.spyderonlines.com

JULY 22, 2016.

Ika 4:16 ng madaling araw ng Biyernes.

Binulabog na naman ako ng isang pamilyar na tunog na patuloy na umaalingawngaw sa aking lasing na diwa mula sa mahimbing na pagkakatulog.  Ito na ang ikatlong beses na naranasan kong gisingin ng isang kanta sa loob ng taong kasalukuyan. Basta naririnig ko lang na tumutugtog sa isip mo kahit sa gitna ng pagkalango sa antok na akala ko ay nanggaling sa tunog ng radyo , mula sa tv na naiwang nakabukas o ingay sa ringtone ng teleponong nakapataong sa lamesang katabi ng aking kama. Pero nang silipin ko sa malasingkit ko pang mga mata , ay hindi naman pala.

“We’re all just merely passing through, doing what we can do in our lifetime
We have more than one adventure to take , more than one dream to make in our lifetime
As for me there’s only one dream and that’s to love you my love
With a love to last a lifetime.”

Ano ba naman to? Tanong ko sa sarili sa kabila pagkaantok sabay biling-baliktad sa pagkakahiga.

Alam mo yung feeling na alam mong nanaginip ka pero hindi mo rin alam kung ikaw ay nananaginip nga dahil wala namang mga eksenang nagaganap tulad ng iba kong pangkaraniwang panaginip. Yung tipong kaya mo pang ikuwento dahil nga parang totoong-totoong nangyari. Pero hindi ito ganun. Walang mga eksena nagaganap.

May mga panaginip kasing tinatawag  sa English na lucid dreaming o yung mga panaginip na ikaw ang pangunahing bida sa eksena at aware o conscious ka sa panaginip mo kaya naman kayang-kaya mong paikutin ang kuwento ng istorya na parang isang direktor sa pelikula. Iba ito sa pangkaraniwang panaginip na hindi mo alam na nanaginip ka pala at malalaman mo lang kung ikaw ay gising na pero minsan wala ka nang natatandaan sa mga nangyari. Hindi ko lang alam kung ang ganitong klase ng panaginip ay makakategorya na lucid dreaming dahil aware naman akong naririnig ko sa isip ang kanta.

Pero bakit nangyari  ito sa panaginip ko ng tatlong beses. Sabi nila, “things come in threes”. Sa usapang numerology , mahiwaga din ang numerong tres dahil ito ay merong spirituwal na kahulugan tulad ng  – joy, creativity, energy at inspiration.  Dito rin base sa tatlo ang mga paniniwala  ng iba’t ibang relihiyon.

Ayon sa article na Significance of Three ni Janet Bristow,  tinatalakay doon ang kahalagahan ng numbero tres. Kung sa Christianity daw merong Holy Trinity, sa Kaballah merong male/female/uniting intelligence, sa Hindu merong creation/destruction/preservation, ang Taoist merong tinatawag na Great Triad o Heaven/Human/Earth at sa Buddhist tradition ay meron naman daw na Three Gems o Three Jewels. Ito ay ang Buddha (the enlightened one) Dhamma (the teachings) and the Sangha (community/followers).

At bigla sumagi sa isip kong muli ang mga linya ng kanta.

” . . we’re fools, we sometimes do crazy things
and our hearts will take wings like a sparrow
but that’s life we take each day as it comes
never leaving the crumbs for tomorrow. “

“As for me, all of my days
I will spend them all with you
Loving you with love to last a lifetime.”

Pero ang kantang narinig ko nang tatlong beses sa panaginip ay ‘di naman isang religious song. Oo, ikatlong beses na nagpaparamdam ang parehong kanta. Una, noong February 10. Pangalawa, noong April 7 at ang pinakahuli ay noong July 22 ng 4:16 ng madaling araw. Nagising ka na, nakapaghilamos at nag-almusal pero ang parehong linya ng kanta ay pilit na sumasagi sa iyong isipan na parang isang mabigat na problema na hindi mo malutas-lutas. Yung na-LSS ka na sa maghapong iyon dahil kinukulit ka ng refrain ng kanta na paulit ulit na umaalingawngaw sa likod ng isip mong nalilito pa sa antok.

Naisip kong bigla pamilyar pala ang kanta at ang boses na nasa likod nito. Isang himig mula sa malamyos na tinig ni Jose Mari Chan. Kung ikaw ay batang dekada 70s hanggang 80s kilala mo siya dahil sumikat siya sa maraming love songs na pumatok sa mga radyo at telebisyon noon.

Na na  na. . . na na na na na nahhh . . .

Pero dahil nakalimutan ko na ang lyrics ng kantang to,  ineembento ko na lang ang mga linya basta sounds like lang kung baga. At dahil busy-busihan pa sa trabaho nung araw na yun bandang hapon ko lang naisip na hanapin ang lyrics ng kanta.

Inistorbo ko si Mr Google para sa kumpletong lyrics at hinanap ko ang  You Tube video kung ano ang dala ng mahiwagang kanta.

“If we all could leave something lasting behind to be remembered by
Just a song for me and then a least I would have tried
I agree, its not so much what we have but how we use what we have in our lifetime
Thirty years is worth a hundred and two
It’s really what we can do in our lifetime.”

Ah, magandang love song pala na nagbibigay inspirasyon sa puso. Isang kantang magpapabalik ng sari-saring emosyon. May lungkot. May saya at kung ano-ano pa. Pero pwedeng ding i-relate itong kanta sa pangkasalukuyang sitwasyon ng ating mga relasyon sa ngayon.  Coupled or single ,  LGBT o isang  certified member ng Team Sawi o Team Wagi man yan maihahambing mo pa rin sa lahat ng sitwasyon ng iyong buhay. Ang mga love songs at puso naman ay walang pinipiling status o level. Basta tumibok , Pokemon Go lang ng Go!

Hindi ito ang unang kanta na naririnig ko sa panaginip.  Pero minsan ko lang narinig ang mga yon at di na naulit pa. Meron akong dream journal para maisulat lahat ng mga panaginip na maaalala ko pagkagising pa lang dahil kung hindi makakalimutan ko na ito. May mga artikulo  tungkol sa mga dream interpretation na makikita rin online.

Nabasa ko kasi na maari mong i-relate ang mga panaginip sa mga present o future na pangyayari, sitwasyon, emosyon ng isang tao dahil ito ay dala ng ating subconscious. Nagkakaroon lang daw ng laya ang mga pangarap natin sa buhay na makapaglakbay sa ating kaisipan kung tayo ay tulog na ng mahimbing dahil ang isip at utak natin ay nasa state of relaxation o alpha wave mode. Ito ay bagay na di natin magawa kung tayo ay sobrang busy sa ating mga problema at pangaraw-araw na buhay, Pwede rin nating gawin alternative ang mas popular ng daydreaming o meditation dahil pareho din naman ang epekto nito, ang maging kalmado ang isip at katawan.

At yun nga, ninamnam ko pa ang mga huling linya ng kanta. . .

“All my love, I would give, for as long as I may live . . .
With a love, true love to last a lifetime. “

Napangiti ako sa ganda ng kanta. Malalim din pala ang nilalaman nito. Nakaka-in love kung baga. Di lang pang-forever ang tema, may aral pa. May ibig sabihin siguro. Kung isang sign man ito salamat sa mensaheng dala.

Alam na.

Tara, pakinggan natin muli.  ^_^

Video credit: eyeonyou27

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.