Ang HALIMAW Sa Bata Kong Nakaraan! (Ang Madumi Kong Pagkatao)

Bahagi ng nakaraan ang minsa'y magpapabago sa iiyong pagkatao.
Bahagi ng nakaraan ang minsa'y magpapabago sa iiyong pagkatao.
Bahagi ng nakaraan ang minsa’y magpapabago sa iiyong pagkatao.

Hanggang ngayon bumabalik pa rin sa aking isipan ang mga mapapait na karanasan bilang AKO.  

Limang taong gulang ako noon, isang tahimik at mabait na bata. Mahilig akong makipaglaro sa mga pinsan ko kapag walang pasok. Naglalaro kami ng tagu-taguan, tumbang preso, barilan, luksong tinik at lahat ng klaseng laro na alam niyo.

Minsan isang araw, naghahanap ako ng matataguan nang walang pasabing pumasok ako sa bahay ng isa naming kamag-anak. Nasa loob pala nun si Kuya Miguel, limang taon ang tanda sakin.

Sabi niya “naghahanap ka ng matataguan?, dito ka sa ’kin magtago maglalaro tayo”. Sa aking pagkabigla kumaripas ako ng takbo at doon dumiretso sa likuran ng aming bahay. Sa mura kong isipan, hindi ko alam na hindi na pala tama ang mga ganoong bagay.

Tulad na lang ng isang beses na maghahatid ako ng ulam sa aking tiyahin, pabiro akong hinipuan ng matanda kong pinsan na lalaki sa maselan na bahagi ng aking katawan. Ngunit  balewala lang sa akin iyon dahil nagbibiro lang siya.

Minsan, bumili ako sa tindahan ng kendi, batang lalaki ang tindero. “Pabili ng sengkwentang Karamel”, sabi ko.

Ay, wala ng sengkwenta, piso na lang ‘to. Kung gusto mo mag-aano tayo para libre na lang sa ’yo” sagot sa ’kin ng batang nagtitinda. Dahil kakaibang kaba ang naramdaman ko ‘nun, bigla akong umalis at hindi na hinarap ang batang ‘yun.

Madalas mangyari sa akin iyon, hindi ko alam kung anong meron ako at malapit ako sa tukso. Pinaniwalaan kong sadya yatang bastos ang lahat ng lalaki. Nakakadiri ang mga lumalabas sa bibig nila, nakakasuka ang nakikita nila, at nakakapangilabot ang binabalak nila sa inosente kong edad.

Habang lumalaki, unti-unti akong namumulat sa kung anong tama at mali. At  mali na hindi ako agad nagkuwento; bagkus ay nanahimik na lamang sa mga naranasan ko tulad ‘nun. Kung bakit ba kasi napakatahimik ko nung bata at wala akong ginawa kundi umiyak kapag alam kong hindi ko na makontrol ang nag-uumapaw na takot sa aking dibdib.

Naipon ang lahat ng pangit na pangyayaring ‘yun sa isip ko hanggang sa mas nadagdagan pa dahil madalas aksidente kong nasasaksihan ang panunuod ng malalaswang palabas sa telebisyon, sa internet, sa video games, sa music video, sa personal.

Nagagalit ako ‘nun sa mga nanonood, pero hindi ko maiwasang ganun na rin pala ako. Ang labas, nabuhay at umusbong  ang makamundong kuryosidad. Araw-gabi ko itong iniisip, sa paglalakad, basta kahit saan.

Kung kaya’t hindi ko maiwasang maglaro ito sa aking imahinasyon. Pakiramdam ko ako mismo ang karakter sa lahat ng aking nasaksihan.

Hanggang sa isang gabi, tahimik ang paligid.  Hindi ko namalayan na ang malaswang bagay ay ginagawa ko na pala sa aking—-KAPATID.

Nagmistula akong halimaw sa aking sarili at animo matinding bangungot ang ginawa kong ‘yun sa sarili kong kadugo.

Masakit, mapait, kasuklam-suklam, at nakakapangsisisi na  halos walang kapatawaran. Na sana hindi ako naging ALIPIN NG ISANG HALIMAW SA AKING NAKARAAN. Ngunit ngayon ko napagtanto, AKO. AKO PALA ANG HALIMAW na ‘yun at walang makahusga kung gaano ako kasama dahil huli na ang lahat. WASAK na ang buo kong PAGKATAO.

Sa lahat ng nakabasa ng aking kuwento, lalo na lahat ng magulang—BANTAYAN NINYO ANG INYONG MGA ANAK. Nararapat na sila’y GABAYAN at kausapin araw-araw nang sa ganoon ay alam ninyo kung anong nangyayayari sa kanila araw-araw. Hindi natin masasabi kung anong bahagi ng nakaraan nila sa kanilang pagkabata ang magkakaroon ng malaking epekto sa kanilang paglaki.”

 

About emeritus

Isang pinagpalang nilalang na magkaroon ng buhay araw-araw. Humihinga, tumatawa at nalulungkot dahilan para ipamalas ang bawat saloobin sa lahat ng oras na inilalabi sa mundong ibabaw. email add: [email protected]; twitter: emeritus21