Ang Dorai na Lumalablayp sa daang hindi pa napapasyalan

Tulad ng nakararami sa atin, si Dorai ay nasaktan,nabigo, nagloko, niloko, nagpaloko , tumanggap,nagbigay, nagparaya at nakihati, ngunit wala ang mga iyan, dahil kasabay ng mga iyan ang pagmamahal.

Hayyyy, pagmamahal parang ang korni pag ittype, pero malaman para sa mga nakakaramdam. Napakabigat at napakalaki ng salitang iyan na kapag ikaw ang natabunan, sasabihin niya sa iyo, “in your face!!! nararamdaman mo ako!!! Kahit ideny mo man sa iba, hindi mo madedeny sa sarili mo na nagmamahal ka na” sabi ni pagmamahal. “ ano ang balak mong gawin sa akin? Isasantabi dahil sa kung anong dahilan? O huhubugin mo ako, hindi mo na kailangan ng dahilan pa, dagdag pang sabat nito.

Noong si Dorai ang tinamaan, wala ng tanong-tanong pa!!! sige lang ng sige. “Basta naka move on na, hataw lang ulit!”, iyan ang motto ni Dorai.

Nagkataon lamang na si Dorai ay nasa Barangay ng mga ebolusyonaryo o rebolusyonista ng natagpuan siya ng pag-ibig. Nagkataon lamang na umibig siya sa kapwa niya Dorai.

Sa bawat paglalakbay na kanyang tinatahak, may mga lesson, enlightenment at realization siyang natatamo, ilan sa mga ito ang sumusunod:

1. Sex vs Gender – Pag tinanong ka kung ano ang sex mo, dalawa lang iyan, male o female; he o she lang hindi puwedeng It. Kapag tinanong ka ng gender, diyan na pumapasok ang role,character o identity na meron ang isang tao kumbaga buffet na iyan halo-halo at kung ano- ano na depende na lang sa kung ano ang ginagampanan mong role sa social scene. Puwede mong sabihing strict vegetarian ka, o kaya carnivore lang. Hindi ka lang itim o puti, ikaw ay puwedeng maging rainbow. Puwede kang mag-stick sa isang role, o puwede ka ding magpapalit-palit, kumporme. Your heart, your choice.

2. Pag nilagay mo ang love sa equation, everything else is dropped/cancelled. Age? distance? Social status? Gender? Sex? Incapabilites? Educational attainment? Blood type? Religion? Past medical history ng syphilis? Cross-out lahat ng iyan. Bakit? Kasi Love is Blind, cliché pero napakalawak ng sakop. Para mo na ding sinabing, “ I’m in love with your soul, bonus na lang ang katawang – lupa mo”.

3. Kapag nakahanap ka ng taong mahal mo, at mahal ka hindi ba’t ang galing? Pareho kayo ng nararamdaman sa oras na iyon. (fireworks sound effects)

4. Looks can really be Les-ceiving. Akala mo straight, akala mo kikay, akala mo macho, iyon pala HINDI.

5. Walang ibang ginagawa ang puso kung hindi tibok lang ng tibok, hindi iyan nag-iisip, hindi din iyan nagrarason. Ang utak naman hindi lang nagrarason ng nagrarason, nagbabalance iyan sa kung ano ang makabubuti sa iyo, diyan ka Masaya? Sige! Wala ka bang na aagrabyado? Sige!Magmahal ka lang, bihira na ngayon iyong mahal mo, tapos mahal ka din. Bakit mo pa palalampasin ang ganyan, grab it.

Hindi man matapos-tapos ang pagpapalitan ng kuro-kuro ukol sa rainbow, andiyan na iyan, nangyayari sa harap ng ating mga mata. Ni hindi nga natin sigurado kung sino ang hinirang na pinaka unang lumihis ng daan. Sino nga ba? Sa animal kingdom ba may rainbow community din sila? Ano na nga ba ulit ang nangyari sa lovelayp ni Dorai?

Now Playing: Lifehouse – Blind
after all this time
I never thought we’d be here
never thought we’d be here
when my love for you was blind