Ang Coloring Book

(Photo Credit: unmotivating.com)

COLORING BOOKPag ako’y binilhan ng ganito, o kaya ay naregaluhan
Bawat pahina nito ay agad ko nang sisimulan na kulayan
Magandang pampalipas-oras, lalo na kung panahon ng tag-ulan
Isang libro na nung pagkabata’y akin nang nakahiligan…

Sobrang tuwa at galak ang aking nararamdaman
Kahit pa ang uso noon ay mga simpleng disenyo lamang
Sa pag-usad ng panahon ay mas magaganda na ang nilalaman
At may “Adult Coloring Book” pa, na ubra ko na ulit paglibangan…

Sa pagkukulay raw ay maraming benepisyo, ngunit ‘di natin namamalayan
Nababawasan pala ang pagkapagod ng ating katawan
Binibigyan nito ng kapahingahan ang ating kaisipan
Makatutulong para tayo ay maging malikhain kaya’t akin uling susubukan…

Nakagagamot din kung sa buhay, ikaw ay may pinagdadaanan
Maaari ring kumonekta at ang panahon ng iyong kabataan ay balikan
Idagdag pa na makaiiwas magkaroon ng Dementia, ang sakit ng katandaan
Kaya ah basta, ang pagko-kolor para sa akin ay isang malaking katuwaan 🙂

About tulanibebang

a wife and a mother. a businesswoman and a financial adviser. a natural poetess...