Ang Buhay Ngayon?

ampalayaAhhhhhhhhh!

Kahit isa akong clown ay ‘di ko mapapasinungalingang nakalulungkot. ;(

Anak ng ampalaya.

Magpapaksiw ako kaya bumili ako ng isang luya, isang katamtamang laki ng sibuyas at bawang, eh siningil ako ng 35 pesos!

Ang sabi ko sa tindera ay “Teka! Magkano ba itong luya na ito?”

Ang sagot ay “19 po. 10 pesos po ang sibuyas. Para naman kayong bago nang bago po.”

Hindi na ako umimik sapagkat talagang parang bago ako, nagbakasyon lang kasi ako sa ating bayan at galing akong Qatar.”

Nagpunta ako sa gulayan at pumili ako ng ‘isang katamtamang ampalaya.’

Tinimbang ng tindera at nahilo ako sa sinabing “42 Pesos po.

Anak ng sibuyas!

Wala pang isda ay 77 pesos na agad!

Meron pang suka, paminta, asin at vetsin na bibilhin at siyempre, para masarap ang paksiw ay dapat na may talong din.

Anak ng bawang!

Ibig sabihin, sa kaunting Paksiw ay mahigit isang daang piso na agad para lamang sa rekado.

Nagpunta ako sa isdaan; alam kong mahal ang bangus kaya ‘yun na lang paborito ni Tita Cory na galunggong ang tinignan ko.

Sabi niya kasi noong nangangampanya siya ay:

“NOONG ARAWWWWW, MAGKANO ANG GALUNGGONG?”

Hala, mura lang po at nakakayanang bumili ng mga mahihirap na Pilipino.

Ngayon…

Anak ng galunggong!

Kalahating kilo na katamtaman ang laki o isang dangkal ay anim na piraso sa halagang 70 pesos.

Noong araw ay 50 Pesos lang ang kilo at sa 70 pesos na iyan ay puno na ang kawali kapag magluluto ang nanay ko ng Sinaing na Galunggong sa Kamias.

Pero nang mamuno kayo, hindi lang galunggong ang puwedeng isigaw ngayon na:

“NOONG ARAW MAGKANO ANG MGA BILIHIN PARA MAGKAROON NG ISANG ULAM SA MAGHAPON ANG ISANG SIMPLENG PAMILYA?”

Hehehehe!

Mura lang po.

Mamulot ka lang ng mga bote sa likuran ng bahay mo at mga pakong bulok, ipakilo mo sa junk shop at makabibili ka na ng ulam sa pinagbentahan.

Ngayon ni kalahating repolyo ay hindi mo mabibili kahit pa ipakilo mo o tansuin mo ang sira mong bentilador.

Hahahahahahahahaha!

Kaya para sa akin ay kailangan mong kumilos at magmadali na magkaroon ng maraming pera.

Pagkatapos… mag-isip ka kung paano iyon mapapalago pa.

Pero siyempre sa mabuting paraan ha, hindi ‘yung labag sa ipinag-uutos ng Diyos at sa batas ng tao gaya ng mga gawain ng mga politiko.

Korek!

Magpakatotoo tayo, buksan natin ang ating mga mata, huwag na natin silang ipagtanggol kahit pa ikaw nakakaangat ka sa buhay na nagbabasa nito ngayon.

Korek again.

Kayo lang namang mga kurakot ang laging kumakampi sa mga kapwa n’yo mayayaman eh!

Wala namang mahirap na kokontra dito sa dinadaldal ko.

Palit tayo ng buhay, tignan ko kung hindi ka manguna sa pagsigaw ng malakas na:

“TAMAAAAAAAAAAAAAA!”

Pero dahil nga kumakain ka ng limang beses maghapon with midnight snack pa ay ‘di mo matatanggap na tama ang sinasabi ko.

Kaya huwag ka nang kumontra sapagkat hindi naman kita masasagot.

Hahahahahahahahaha!

Kaya mga katoto kong mahirap…

Huwag kang magpatumpik-tumpik o makuntento na kumakain kayo ng tatlong beses isang araw.

Kung pilak ang mga bilihin ngayon ay siguradong ginto na pagdating ng panahon lalo’t puro kurakot ang mga namumuno.

Paano na kapag nawala ka na?

Sa palagay mo ba ay tatlong beses pa ring kakain ang iyong mga mahal sa buhay na iiwanan?

Oo, nandoon na ako, hindi ako kumokontra na kailanman ay hindi tayo pababayaan ng Diyos.

Pero dapat mo ring malaman na ang pangpalakas loob na iyan ay para sa iyo.

Hindi ka pababayaan ng Diyos sa anumang pangarap mong mangyari sa inyong buhay.

Take note, inyong buhay.

Lalo’t ang pangarap na iyan ay para sa iyong mga minamahal at hindi para lang sa iyong sarili.

Tapusin ko na para mas madali.

Ako nama’y isang clown lang na naglilibang sa dutdot dito sa tablet kong pupugak-pugak hek! hek!

Ang buhay ngayon?

Mas may silbi lamang kung lilisan ka sa mundong ito nang may iiwanan kang munting kayamanan sa iyong mga minamahal.

Kayamanang ipagpapatuloy na lang nilang palaguin.

Kesa ‘yung mamanahin lang nila ang ginagawa mong mga paghihirap para kumita lamang ng kaunting halagang sapat para mga pangunahing pangangailangan.

Napakasarap nung ipikit ang mga mata na makikita mong naibigay mo sa kanila ang magandang buhay.

Kung ‘di nila pagyamanin ‘yun, hindi mo na kasalanan ‘yun

Ahehehe!

O siya, sige na po.

Ako’y magluluto pa ng galunggong.

Pero, prito na lang.

Mas tipid.

Hahahahahahahahaha!

Oo nga pala, payo ko sa inyo, kung may bakante kayong lupa ay taniman n’yo ng mga gulay, gaya ng kamatis, luya, sili, papaya, malunggay at AMPALAYA.

At ito pa ang isang tip naman na huwag na huwag n’yong ipagkakalat kasi baka malaman ng Custom, Okey?

Alam n’yo naman ‘yang mga taga-Custom, nakow, mainit ‘yan sa mga OFW.

Kita n’yo nga nag-isip ng terminal fee tapos balikbayan box, baka ang ipadadala n’yong mga luya ay lagyan pa ng tax at sabihin ay bawal.

Hahahahahahaha!

Bale ‘yun nga ang tip…

Mga pang rekado na lang ang ipabagahe n’yo at malaking tulong iyon sa inyong pamilya sa mga gastusin.

25 kilo na Air Cargo sa halagang 190 riyals, puwede na iyon kasi 5 days lang nasa Manila na at kung probinsya ay 10 days.

Magpadala ng maraming sibuyas, luya, bawang, paminta, powder chili, mantika… basta pang rekado

Kalokohan namang makakasira ng eroplano iyan.

Puwede iyon kung muling pag-iisipan ng custom na pagkaperahan.

Hahahahahahahahahaha!

Walang magagawa eh. Iyan ang buhay ngayon.

Dapat dumiskarte talaga at magpatama nang simple para gisingin ang gobyernong tutulog-tulog.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.