Ang Babae sa Salamin..

Note from the Author: Story of Joanne…the confession..
http://definitelyfilipino.com/blog/2011/11/30/lifes-like-a-box-of-chocolates/

Maaga akong nagising kaninang umaga. Di naman un- usual dahil early bird talaga ako.. Deretso ako sa banyo ko at katulad ng karaniwang araw, dito sa banyo ng aking hotel room, ako nagmumuni-muni, napa plano at nag iisip ng mga tamang desisyon na may kinalaman sa personal kung buhay o trabaho man.

Pagkatapos kong maligo, usual ritual, inaabot ako ng mga 20 minutes sa panliligo..Masarap kasing magbabad lalo na ngayong winter dahil sa hot water ang ginagamit ko sa pagligo. Naghanda na ako sa pagpasok na mapatingin ako sa napakalaking salamin sa aking banyo..

Natitigan ko ang aking sarili..Wow, mabilis talaga lumipas ang panahon. Wala pa naman akong mga linya sa mukha. Kahit mahigit 40 years old na ako, nagpapasalamat ako at eto at binayayaan ako ng magandang genes at mukha pa ring bata. Maliliit pa rin ang aking mga mata, malaki ang ilong at pouted lips pa rin hehhehe. Subalit sa bawat taon na lumipas, ibayong hirap at pasakit ang aking naranasan. Life begins at 40 sabi ng iba at naniniwala ako. Masaya ako. Walang pagsisisi….

Parang kelan lang, nung mga edad 18 pa lang ako, mahilig ako sa rap music, mahilig sa disco at clubbing to the max talaga. Palibhasa nag iisa akong namumuhay sa abroad halos walang nagkokontrol sa akin. Sarili kong buntot ang laging hila ko ika nga. Walang kapaguran basta pag-gimik ang usapan. Walang pakialam sa pag gastos, bili na walang kakwenta kwentang bagay..

Aaminin kong nag iba ang aking mundo simula ng ako ay maging isang ina sa aking anak… Masarap pala ang maging nanay. Nagkaroon bigla ng dereksyon ang aking buhay. Dati puro sarili lamang aking iniisip pero kapag may anak na, nag iiba angmga priorities ko. Ang dating mahilig sa disco at bar ay biglang nagbago at natutong maging seryoso sa buhay. Masaya na ako sa pagtambay sa mga kapehan o di kaya naman kasama ang mga kaibigan.

Isa akong single mom until now, mas pinili ko ng maging dalagang ina dahilan na rin ng sobrang busy ko sa trabaho… at aamin kong merong nagmamahal sa akin bukod sa aking pamilya at anak. At mahal ko rin sya..

Pero walang hihigit sa kaligayan ko bilang ina, na lumalaki ang aking anak na masaya at matatag na bata. Nakikita ko sa kanya ang katatagan ko nung sya pa lamang ay ipinagbubuntis  ko at nagdesisyong makipaghiwalay sa kanyang ama dahilan na rin ng di pagkakasundo sa isat isa…

Ang babae sa salamin ay AKO, si Joanne, isang ina, minsang nagkamali subalit bumangon para sa aking anak…….

Salamat MS. J for giving me this space…the best ka talaga!