Ang Babae sa Kabilang Upuan (Chapter 29)

abku2Magkatabi kaming nakaharap sa bintana ni Lyla. Siya na ang umorder ng pagkain. 1 piece chicken, spaghetti at hot coffee sa’ken. Burger, fries at pineapple juice naman sa kanya. Halos hindi rin namin magalaw ang pagkain.

Parehong nagpapakiramdaman. “Kahit ano, bahala ka na…”, yun pa lang ang nasasabi ko magmula pa kanina bago siya umorder, hanggang sa umupo na siya sa tabi ko. Kahit sa kotse, hindi kami nagkikibuan. Pinaspas namin ang EDSA ng walang kahit anong salita. Walang laway na ginamit. Puro buntong-hininga. Yung kape na lang ang kinausap ko. 2 creamer at 2 asukal ang tinimpla ko sa mainit na roasted coffee. Dating gawi.

Iilan lang ang customer sa loob ng fastfood restaurant. Sabagay, masyado pang maaga. At hindi rin naman gaanong tambayan ng tao ang puwesto ng kinakainan namin ngayon. Pang-drive thru lang siguro. Nasa intersection kasi ang puwesto. Katabi ng ilan pang mga fastfood restaurant na iisa ang may-ari.

Panakaw-nakaw ang tingin ko kay Lyla na sa pakiramdam ko e anytime puwede na siyang umiyak. Malungkot ang puyat niyang mata. Walang kahit anong dekorasyon sa mukha. Bagsak ang mahaba at makintab na buhok na isinampay lang sa tenga ang bangs sa gawing kanan. Mabagal at paisa-isa niyang inuubos ang mamantikang patatas. Yung burger, nakabalot pa rin. Parang yun pa ang additional sa inorder niya.

“Kumusta?” tanong niya matapos uminom ng juice.

“Okey lang…”

Nangiti siya. “We both know that you’re not okay. Not even close…”

Alam mo pala e.

Ginalaw na rin niya ang burger. Pumiraso. Dahan-dahan ngumuya. Pumiraso ulit. Inulit ang pag-nguya, saka dumampot ng fries. Binuksan ko ang isang sachet ng ketchup saka sinaid ang laman sa resibo. Gaya ng dati. Ewan, pero nasanay na ‘kami’ sa ganung style. Magkasabay pa kaming sumawsaw sa ketchup. Bahagyang nagdikit ang mga kamay namin. Sa isang iglap, nag-flashback ang mga dating eksena namin nung nag-aaral pa lang kami.

“Akala ko ba balik ka na sa states?” unang tanong. Introduction of the upcoming revelation.

Nangiti siya ulit. Matipid. Kinuha ang tissue saka pinunas-punas sa nguso. “Well, here I am.”

Pansin ko nga.

“I don’t even know how…and where to start. Pero pipilitin kong i-explain ng maayos ang lahat.”

Hindi ako kumibo. Alam kong mahaba-habang story-telling to kaya mamaya na lang siguro ako magre-react. Kung meron man.

Eto na yun. This is it. Sa wakas matatahimik na rin ang konsensya ko. Sana lang walang spoilers. Ihanda ang popcorn. Magsisimula na ang palabas.

Sumandal at bumuntong-hininga muna siya bago nakapagsalita ulit. “Pwede bang pagkatapos ko na lang magkwento saka ka mag-react?”

Tumango lang ako. Dalawang sunod na higop muna ng kape. Kelangan kong paganahin ang utak ko para maintindihan ang bawat kwento at detalye niya. Buti na lang talaga Sabado na ngayon. Hindi bawal magpuyat, kahit puyat naman na talaga. Pipilitin kong intindihin ang lahat sa ngalan ng katotohanan at peace of mind.

“Hindi si mama ang unang naanakan ni tatay. Before they got married, yung panganay na kapatid ni mama ang una niyang naging girlfriend. Nagkakilala sila sa isang gig, way back nung college pa lang din sila. If I’m not mistaken, it was a school event. Si mama at tatay talaga ang magka-schoolmate. Isinama lang ni mama si tita, then the story goes on. Nabarkada si tita kay tatay, until nagka-develop-an. Wala pang isang taon, naging sila na. Ayon sa kwento, nag-live in na sila after maka-graduate ni tita Mel, which is my mom’s elder sister. Unfortunately, dahil sa financial issues, hindi naka-graduate si tatay. So, maaga siya nag-work as part time band performer sa mga bars noon. Si tita naman nag-part time din sa hotel as receptionist.” Saglit siyang huminto. Uminom ng juice saka nagpatuloy. “One year pa lang sila nagli-live in ng mabuntis si tita. Just like the old love story, against ang pamilya ko kay tatay. I didn’t say na mayaman kami that time…or whatever, but the thing is, hindi sila boto kay tatay dahil, well, because of his status. Kesyo wala daw future si tita kay tatay. Na hindi raw mapapakain ng pagbabanda si tita. Na bakit daw nagtitiis sa papag si tita, samantalang nasa kama na siya. Something like that. Well anyway, walang alam ang grandparents ko noon na nag-live in sila. Nasa states kasi sila nu’n. Ang alam lang nila, nag-aaral sa Manila ang mga anak nila, pinapadalan ng pera para mag-aral, and so on. So, they were shocked nung nalaman nilang buntis na nga si tita. 8 months na siyang buntis bago pa na-discover ng mga grandparents ko yun. Mas nauna pang nalaman na buntis si tita kesa makilala si tatay. And that’s how the story begins…”

Gumulo lalo utak ko. Teka, teka, teka…meaning?

Mamaya na lang mag-react. Kulit e.

“Siyempre, wala ng choice sila lolo’t lola, buntis na e. Para hindi maging kahihiyan sa mga kamag-anak, pinlano na yung kasal nila tatay at tita. Isasabay ang kasal sa binyag, tutal kabuwanan na ni tita yun. But then, unfortunately, namatay si tita. Giving birth to Tony. Walang kasalang nangyari. So, nagkaron tuloy ng argument which side mapupunta si Tony. Majority, sa side namin napunta si Tony, which is si mama ang nag-alaga. Kesyo wala naman daw pera si tatay nu’n, so they’ve decided na sa’min na lang nga. Binigyan naman ng rights si tatay na dalaw-dalawin si Tony nu’n.” napahinto siya ng humigop ako ng kape. Sinenyasan ko naman siyang ituloy lang ang kwento.

“On the other side of the story, secret admirer pala ni tatay si mama. Sa takot na baka mag-away sila ni tita noon, nagpaubaya si mama. She was crying secretly nung time na officialy naging sila tatay at tita, but she didn’t want to ruin their love story kaya pinili ni mama na manahimik. Walang alam si tita nu’n. To think na tinulungan pa ni mama na itago ang relasyon nila tatay. And would you believe, si mama pa ang naging tulay nila? Isn’t it awkward?” nangiti siya. Dumampot ng fries, sinawsaw sa ketchup, sinubo. Inulit ulit. Tapos matipid na inom ng juice. “And then, nung lumalaki na si Tony, saka lang umamin si mama. I don’t know kung talagang babaero lang si tatay that time, or naawa. After a few months, naging sila. This time, sila naman ang nagpakasal. Wala pang one year, kasal na agad. Civil marriage. Iilan lang ang inimbitahan to witness. Wala din alam ang mga magulang ko nu’n. Hindi ko alam kung pano sila nakalusot sa age nila. Few months later, nabuntis na si mama. It was kuya…” natahimik siya. Lumungkot ang mukha. Pinilit ngumiti nang mapatingin siya sa’ken, pero hindi maitatago ng facial expression niya ang pagkalungkot. Di ko naman siya masisisi. Isang dekada na rin ang nakalipas ng pumanaw ang kuya niya.

“I know you still remember him, right?” tumango lang ako.

“Okey. So, nung time na nalaman na nila lolo yung kila mama, dun na sila pinaghiwalay. But my mom fought back. Nagtanan sila, obviously. Wala din silang idea na buntis na si mama nun. Iniwan nila si Tony, so sila lolo ang nag-alaga. Dinala sa states. Si mama at tatay naman, nagsimula from zero. As in nothing. Buti college graduate si mama. Nakakuha ng work sa SBMA. Si tatay naman, um-extra-extra sa mga banda. Mabilis naman ang promotions ni mama kaya naging okey naman sila financially. Sinuportahan pa nga ni mama si tatay sa pagbabanda niya. Nakagpatayo ng bahay sa Castillejos. After 2 years, ako naman ang pinagbuntis. 2 years ulit, si Lea naman. Nga pala, kinakamusta ka niya.”

“Kamusta na din siya?”

Nilabas nito ang phone saka pinakita ang picture ni Lea. Parang kambal lang ni Lyla, mas mataba lang ng onti sa kanya. May anak na rin. “She’s a teacher now. With two kids. Happily married. Naunahan pa ko di ba?”

“Nasa states din?”’

Tumango lang siya. Maya-maya binalik na rin niya sa bag ang phone. Kinain ang burger. Nagutom ata sa pagkukuwento. Tinuro naman nito ang pagkain ko, kaya nagsimula na rin akong kumain. Kanina pa talaga ako gutom, nahiya lang ako galawin kasi hindi ako nagbayad.

Teka, kung halos magka-edad lang si Leonard at Tunyang, at matanda ng dalawang taon si Tunyang kay Lyla, meaning, mas matanda pa sa’ken si Tunyang ng isang taon?

Hindi halata, in fairness.

(Click here to continue reading…)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.