Ang Babae sa Kabilang Upuan (Chapter 21)

abku2Mag-a-alas-otso na ng dumating sa terminal si Lyla. Halatang sa Maynila na siya magi-stay, bitbit na kasi lahat ng bagahe. Isang malaking backpack at isang gym bag. Sinalubong ko din siya agad pagkakita ko sa kanya, automatic na kinuha ang gym bag na kahit ako e malulumpo sa bigat.

“Ano bang laman nito? Pusang gala pati yata cabinet dala mo e…”

“Don’t ask.” Matipid niyang sagot. Suplada.

“Kumain ka na ba?”

Iling lang ang sagot niya. Bumalik kami sa puwesto ko kanina habang hinihintay siya. Nilapag sa upuan ang bag saka naupo. Ang bigat ng bag! Mabigat na nga yung dala kong bag, mas mabigat pa yung kanya. Nanlambot ako lalo. Yung natitirang energy ko hanggang mamaya bago makakain, nabawasan pa. Naramdaman ko pang medyo nahilo ako pagkaupo.

Naupo na rin siya sabay tanggal ng shades. Mukhang puyat. Medyo maga pa yung mata. Tantiya ko, parang kakatapos lang umiyak.

Kaya wala sa mood kasi nag-emo? Ano naman dahilan?

Kinuha ang cellphone sa backpack saka nagkali-kalikot. Maya-maya sinuot ulit ang shades. Binulsa ang cellphone saka tumingin sa kawalan.

“Gusto mo bang kumain muna?”

Iling lang ulit.

Putsa, ayoko ng ganto. Uumpisahan ako ng bad vibes. Late na nga siya sa usapan, nagsusuplada pa. Andun na ko, may iniyakan siya, kung ano man yun. Pero puta naman, gutom na ko. Di ko na nga kinain yung luto ni ermats para di ako ma-late, tapos ang ending mag-aantay din pala ako ng halos isang oras? Baka naman puwedeng lagyan ko muna ng bitamina sikmura ko bago ako makisawsaw sa kung ano man ang drama niya?

Kung alam ko lang na ganto ang intro namin e di sana kumain na lang muna ako habang nag-aantay. Problema din kasi sa babaeng ‘to e ayaw din mag-update kung asan na siya. OTW N KO. Yun lang yung text niya kanina bago mag-alas-siyete. Quarter to 7. Manggagaling pa siya ng Castillejos. Tapos nun, wala na, samantalang siya mismo nagsabi na 7 am ang call time. Anak ng tokwa talaga. Isa pa, hindi rin ako ganong nakatulog kagabi. Ewan ko nga. Paikot-ikot ako sa kama. Nabadtrip na lang ako ng mag-alarm yung phone ko. Halos hindi pa ata ako nakakakuha ng malalim na tulog nun.

Hapon na ng umalis ng bahay si Lyla. As usual, may pahabol pang umaatikabong bedscene, kahit tirik ang araw at pareho kaming pawisan. Saglit kaming nakaidlip pagkatapos ng bakbakan, nagising para pag-usapan ang plano, saka ko siya hinatid hanggang sakayan. Saglit pa kaming nagkausap sa text kinagabihan. Maaga siya nagpaalam para matulog. Kaya expected ko na maaga nga siya makakarating.

Ayun, asa.

“Ano, tutuloy pa ba natin tong lakad na to o ganyan ka na lang?”

Bumuntung-hininga siya saka tumingin sa’ken. “Juan, please. I know late ako, and I’m sorry. I am really sorry. I’m not in the mood to argue, so just please. Just don’t, okey?” medyo iritado yung tono ng boses niya.

Fine. Di na muna ko magsasalita. Bahala na kung ano mang pupuntahan nitong lakad na’to.

“San ka punta?” tanong niya pagkatayo ko.

“Bibili ng tiket…” saka ako lumakad diretso ng ticket booth. Keep calm and…fuck. Shit. Shit.

Bumili na rin ako ng dalawang bottled water pagkabili ng ticket. Naka-park na rin yung bus namin. Inabot ko yung isang tubig kay Lyla saka ko siya inaya sumakay. Sa tabi ng bintana siya pumwesto. Nilagok ko yung bote ng tubig, halos makalahati ko. Pusang gala, papatulan ko na talaga kahit mani, magkaron lang ng laman sikmura ko. Nagsisimula ng sumakit ulo ko, senyales na puro asido na sikmura ko sa gutom. Bakit ba kasi di muna ko nagkape?

May halos kalahating oras pa bago umabante yung bus. Di gaanong puno, bungi-bungi yung seat plan. Nagsaksak ng pelikula si kuyang konduktor. Tagalog love story. ‘Maryosep.

Ano kayang ini-emo nitong babaeng to? Ang aga-aga.

Di pa nagagalaw ni Lyla yung tubig niya kaya kinalabit ko siya saka inginuso yung hawak niyang tubig. Na-gets naman niya ibig kong sabihin kaya uminom na rin siya. Sinuksok niya sa bulsa ng backseat yung tubig saka siya humawak sa braso ko. Maya-maya bumulong siya. “Sorry na…”

Di ako nag-react. Hayaan na lang kung ano man ang mood niya ngayon.

Nakarating kami ng Pampanga nang walang kibuan. Naka-idlip din ako kaya di ko na rin napansing nasa stop-over na kami. Niyaya ko na siyang bumaba muna, makapag-CR muna at makakain kahit papano. Dumiretso kami ng CR saka pumila para umorder ng pagkain. Arroz caldo sa kanya, beef mami at dalawang barbecue naman  sa’ken saka gulaman. Huwag na magkape, baka magloko ang tiyan sa biyahe. Mahirap na at baka magkaron ako ng bagong ‘most embarrassing moment’. Paspasan ang kain. Di naubos ni Lyla yung sa kanya. Tumambay kami saglit sa harap ng bus. Nagsindi siya ng yosi saka humakbang palayo sa puwesto ko.

Saka pa lang gumana ang berde kong utak nang magkalaman ang sikmura ko. Hapit na hapit ang skinny jeans ni Lyla na halos umumbok ang puwet niya. Medyo loose naman ang suot niyang spaghetti pero maangas na nakasilip ang cleavage niya na parang nagtatawag talaga ng away lalo na kung medyo manyak-manyak ka. Hay, buhay nga naman.

Sumakay na rin kami ulit pag-akyat ng driver at konduktor. Nag-spray muna ng alcohol sa kamay si Lyla bago umangkla sa braso ko, kasunod ng paghilig ng ulo niya sa balikat ko. Lalo kong naaninag ang ‘bundok ng pag-asa’. Pinaganda pa lalo ang view dahil sa sikat ng araw. Gusto ko sanang titigan ng titigan kaso baka makahalata naman si Lyla kung bakit naka-flag ceremony ang alaga ko. Ang aga naman kasing tukso.

Tanungin mo na lang kaya kung bakit namamaga mata niya?

Okey.

Bahagya kong nilapit yung ulo ko sa kanya saka bumulong. “Umiyak ka ba?”

Di siya agad nakasagot. Inulit ko yung tanong ng medyo mas malakas pero pabulong pa rin. Tango lang sagot niya.

“Bakit?”

“Yaan mo na. Wala ‘to…”

“Puwede ba namang wala?”

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.