Ang Babae sa Kabilang Upuan (Chapter 20)

abku2Medyo tirik na ang araw ng magising kami ni Lyla. Tumulong pawis sa leeg ang nagpagising sa’ken at makirot na ulo. Fully charged na rin ang pantog ko at kelangan ng ilabas. Nakakahiya pang bumangon dahil nakatayo ang alaga ko, galit na galit. Nakayakap pa man din sa’ken si Lyla, medyo nakadiin pa ang suso sa balikat ko. Nakatulog ako agad sa alak at pagod kaya kinatamaran ko na ring magdamit.

 

Mag-aalas onse na rin pala ayon sa orasan ng cellphone ko. Umaalingasaw na rin ang nilulutong ulam galing sa baba. Ang bango, nagutom tuloy ako. May text message galing kay July, love quotes. Di ko na rin binasa. In fairness, mahaba-haba rin ang tulog ko. May sampung oras din.

Hinanap-hanap ko muna yung short ko, saka nagbihis at dumiretso ng banyo. Pero di lang pala pantog ko ang gusto guminhawa, pati pala bahay-tae ko. Tuluyan ko nang ibinaba ang shorts ko saka ako umupo at nag-deposito ng bulok na pagkain pagkatapos na pagkatapos dyuminggel.  May 15 minutes din akong nagmuni-muni, naghilamos, nagmumog at bumalik ulit ng kwarto. Nag-iba na ng posisyon si Lyla, nakatalikod na sa’ken. Balot pa ng kumot ang katawan, pero aninag ang kalahati ng likod. Makinis at maputing likod.

Kumuha ako ng boxer brief sa cabinet saka bumalik ng banyo para mag-brief. Bumalik sa kwarto, inayos-ayos ang mga nakakalat na gamit. Dinampot ang mga damit ni Lyla, saka marahang pinatong malapit sa unan niya. Di ko na muna gigisingin. Baka gusto pang mag-extend ng tulog.

Makababa muna nga.

“Tanghali na…” bati ni ermats pagkakita sa’ken. Kunot ang noo habang nakatitig sa cellphone. Si tiyang ang nagluluto, adobong manok. Dumiretso ako ng ref, naglabas ng gallon, kumuha ng baso, nagsalin ng tubig at dire-direstong ininom ang tubig. Nabuhayan na ang dugo ko, nahimasmasan na rin ang sikmura ko. Naglabasan ang malagkit na pawis. Nakaramdam na ko ng gutom.

“Anong oras ka nakauwi?” si ermats ulit, pero di nakatingin sa’ken.

“Alas dose na ata…” nagsalin ulit ako ng tubig sa baso bago ibinalik ang gallon sa ref. “Walang almusal?”

“Ubos na yung sangag, inulam lang namin yung ulam kagabi. Antayin mo na lang yung ulam at maluluto na rin yan…”

“Malapit na to, luto na rin naman yung sinaing.” Dagdag ni tiyang.

Yun lang. Sabagay, nakahilata pa si Lyla.

Problema ‘to—pano ko sasabihing may babae sa kwarto ko?

Eto na nga ba sinasabi ko e. ‘Tang ina, ang libog din kasi. Ngayon, nangangamote ako kung ano idadahilan ko.

Sabihin mo gf mo! Naalala kong sinabi ni Lyla sa’ken kagabi. Oo, puwede sana yun, ang kaso e sinong sira-ulo ang maniniwala sa ganung reason? Pano ko ipapaliwanag ang instant gf? Buti sana kung si Tunyang kasama ko, medyo makakalusot ako nun. Ang kaso, si Lyla, na never pang na-meet ni ermats ang bubulaga sa kanila maya-maya.

Tunyang na naman. Tsk tsk tsk. Di kayo bati, kaya wag mo siya isama sa problema mo.

Ang sama naman ng ugali ko kung itago ko sa kanila si Lyla. Magni-ninja moves na naman kami. Pero imposible yun dahil gusto rin ata ni Lyla makilala siya ni ermats.

At bakit nga naman? Ano naman kayang trip niya?

Malay mo seryoso siya sa sinabi niyang ‘gf’ mo siya, kuno.

E pano kung hindi? Pano kung dahil nag-iinit lang siya kagabi at nakainom?

Problema mo na yun.

E kung sabihin ko kayang ex ko siya, tapos sabihin kong pinatulog ko na lang dito kasi ginabi na kami at sa Castillejos pa siya uuwi?

Puwede rin.

Oo nga, puwede yun. Sana lang lumusot.

“Anong oras ka ba babiyahe?” nilapag na ni ermats yung cellphone.

“Mga hapon na.”

“Ba’t hindi na lang kasi bukas ng umaga, tutal gabi pa naman pasok mo?”

“Ma-traffic pag Lunes. Tsaka maglalaba pa ko.”

“Bahala ka…” sabay dampot ng cellphone, tumayo saka lumakad papuntang sala. Nagbukas ng tv, titig ulit sa cellphone.

“Konting kulo pa, puwede na yung ulam.” Sabi ni tiyang. Iniwan na nito yung niluluto, saglit na naghugas at nagpunas ng kamay saka dumiretso ng sala.

Uubra kaya yung palusot ko?

Bahala na nga.

Umakyat ako saglit, sisilipin si Lyla. Naabutan ko siyang nakahilata pa rin at kinakalikot ang cellphone. Suot ang damit, pero wala pa ring bra.

“Pagamit ng CR.”

“Di ka pa ba nagbanyo kanina?” bumangon na siya. Iling lang ang sagot. Saglit na inayos-ayos ang buhok saka hinanap ang panty at shorts. “Peram ng tuwalya…”

Lumabas ako ng terrace saka inabot ang tuwalya. Ibinalabal sa katawan, dinampot ang panty at shorts saka mabilis na lumakad diretsong kubeta. Naiwan naman akong nagliligpit at nagtutupi ng kumot. Pinatay ko na yung electric fan. Kawawa naman at baka hinihika kakabuga ng mainit na hangin. Lumabas ulit ako ng terrace. Saglit na nag-sight seeing. Pumasok din ako agad nang marinig kong lumabas na ng banyo si Lyla.

“Gutom ka na?” tanong ko. Inabot niya sa’ken yung tuwalya saka umupo sa gilid ng kama. Bagong hilamos na ang bagong gising na Lyla. Kung ganto ng ganto ba ang makikita ko pagkagising, e di hayahay ang buhay.

“May coffee kayo?” tanong niya habang nakatingin lang sa sahig. Parang antok na antok pa rin. Malamya ang tono ng boses. Walang energy.

“Meron, titimplahin pa nga lang…”

“Ang bango ng ulam niyo…”

“Adobo. Tara, para makakain ka na rin.”

May ilang segundo pa bago siya tumayo at sumunod sa’ken bumaba. Saglit akong napatigil ng hilahin niya ang braso ko sabay bulong. “Sino nasa baba? Mama mo?”

“Oo, tsaka tiyahin ko.”

“Sinabi mo na bang andito ko?”

(Click here to continue reading…)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.