Ang Ayaw Ko Sa Heneral Luna

Siguro isa ka rin sa na-hook sa pelikulang ‘to. Ako, 5 beses kong pinanood ang Heneral Luna. Memorized ko na nga eh. Wala kong masabi sa cinematograpiya at palitan ng mga linya. Napakaganda. Ang mga eksena at kasuotan, malapit sa kasaysayan. Ganda, galing. Kahit paulit-ulit, hindi nakakasawa.

May ilan lang akong napansin habang nanonood na hindi kagandahan. Pero walang kinalaman sa mismong palabas.

Ok sana ang Heneral Luna kung walang nagbabalat ng kendi at nagbubukas ng chichirya nang pagkalakas. Di’ba may mga eksena na medyo maingay? Pwede siguro natin dun isabay. Hindi dun sa mga parte na tahimik ang eksena at li-low ang putukan sa gera, saka tayo kakain. And take note: Pwedeng hinaan ang pag-nguya.

Agaw-atensyon din ang mga spoilers. “Ayan tatagain ‘yan dyan. Ayan! Sabi ko sa’yo eh.” Wow.

Isa pang napansin ko ay yung mga late. Understandable naman kung late. Pero yung papasok ka ng sinehan na sumisigaw o nakikipagkwentuhan ng malakas, ‘di katanggap-tanggap. Ang sa akin, pwede naman dahan-dahan pumasok at maghanap ng upuan na hindi masyadong gumagawa ng eskandalo.

May mga late pang sisilawin ka sa flashlight ng cellphone nila. Ang dami kong nakasabay na mga college students (hindi ko na sasabihin kung anong school), na parang pumasok sa kweba na tila may hinahanap na mina sa loob. Naku naman. Masakit sa mata eh ha? Nang-aano kayo eh ha?

Lastly na hindi ko talaga mapapalagpas, ay eto: Ang mga lovers na hindi naman ata pumasok ng sinehan para manood. Sumasabay pa kay Heneral at kay Isabel. Dyusme at naka-uniform pa! Mga traydor!

Oo na, oo na. Misleading na ang title ng article na ‘to. Sinadya ko talaga yan para basahin mo. Pati na rin nung classmate mong baka isa sa gumagawa ng ganito sa loob ng sinehan.

Pinapainit niyo ulo ni Heneral.

Respeto lang kay heneral at sa mga nanonood. Please?

 

About Israel Ibarra

Opinionated ang tawag ng mga kaibigan ni El sa kanya. Minsan kasi, hindi siya nag-iisip bago magsalita o sumulat. Ang sabi naman niya, susulat lang siya ng susulat. Bahala nang mag-isip ang babasa. At bilang isang pabebe, kahit anong sabihin ng readers, wala siyang paki.