Ang Alay ko sa Sumira Ng Aming Pamilya

Minsan parang gusto kong sisihin ang pag- aabroad ni Tatay kung bakit nasira ang pamilya namin.  Labinlimang taon nang kasal ang aking mga magulang.  Dalawa lamang kaming magkapatid at ako ang panganay.  Si Tatay ay isang ordinaryong empleyado noon sa munisipyo namin at si Nanay naman ay isang hairdresser.  Maayos naman ang buhay namin, may minanang bahay si Tatay sa aming yumaong lolo at lola.  Masasabing hindi kami mahirap at hindi rin naman mayaman.

Naalala ko na third year ako noon nang magpasya si Tatay na mangibang-bansa; pinipigilan siya ni Nanay dahil ayos naman nga ang buhay namin.  Pero hindi nakinig si Tatay, paano na raw kapag nagkolehiyo ako, mas mainam daw na may ipon.

Matapos ang mga pagluha at pamamaalam, umalis na nga si Tatay at pumunta sa Saudi. Laging umiiyak si Nanay, parati niyang sinasabi sa amin na mahirap ang magiging trabaho ni Tatay dahil plumber ang inaplyan niya. Sa sumunod na anim na buwan, maganda ang pagpapadala ng pera ni Tatay, parati rin itong nagpapadala ng voice tape at sumusulat din siya sa amin.

Pero unti-unti ay dumalang ang padala ni Tatay.  Laging nag- aalala si Nanay, baka daw maysakit si Tatay, kaya hindi na sumusulat at nagpapadala.  May programa noon sa Radio, sa himpilang DZRH na Around- the- world- with- love.  Tumutulong ito sa mga kababayan natin na makausap ang mahal sa buhay na nasa ibayong dagat.

Minsan pumunta kami roon at tinawagan namin si Tatay. Hindi mapatid ang luha ni Nanay, pero bakit ba parang galit si Tatay, nag- eeskandalo raw kami, maayos naman daw ang kalagayan niya.  Pero wala namang pagbabago, hindi na talaga nagpapadala si Tatay. Si Nanay naman ay halos mabaliw na sa pag- iisip, baka daw may iba na si Tatay.

Nakita ko na mula sa pagiging mahina ay naging matatag si Nanay, nag-research siya, tinawagan niya ang iba nating kababayan na nasa Saudi at doon nga nakumpirma na may kabit si Tatay.  Nurse daw ang babae at take note, dalaga raw.  Galit na galit si Nanay.

“Tingnan natin ngayon ang bangis ng galit ko,” narinig kong usal ni Nanay.

Tinawagan pala ni Nanay ang agency, sinabi niya na siya ang legal na asawa at si Tatay ay may kabit.   Arab agency ang ahensiya ni Tatay, capital punishment pala ang adultery doon.  Nang malaman nila ang pagtataksil nito ay inaresto ito, pati na ang babaeng kabit, ikinulong sila ng halos isang buwan at pinauwi sila sa Pinas na nakaposas pa.

Akala namin ay babalik sa amin si Tatay, pero hindi pala.  Lalong umigtingng ang galit nito sa ginawa ni Nanay, tuluyan nang nasira ang aming pamilya.  Nakaapekto ito nang malaki sa akin; nagbabaan ang aking mga marka at nakita ko na naging laging balisa ang aking kapatid.  Pero sinabi naman namin kay Nanay na ano man ang mangyari ay malalagpasan namin ,basta kami lang ay magkakasama.

Si Nanay, makalipas lamang ang isang taon ay may nakilalang Australiano, nagpakasal siya rito at naiwan kaming luhaan sa Pilipinas.  Awang-awa ako sa aming magkapatid, iniwan na nga kami ni Tatay; ngayon ay wala na rin kaming Nanay.

Hindi na bumalik si Nanay, si Tatay naman ay wala na ring pakialam sa amin.  Hindi na ako nakatapos ng pag-aaral dahil nagtrabaho na nga ako para sa amin ng kapatid ko. Nakatapos naman ng Two- year course ang utol ko.

Kapag bumabalik ang mga bagay-bagay sa isip ko, sinisisi ko ang pangingibang- bansa ni Tatay.  Kung hindi siya umalis, siguro masaya pa rin kami at buo ang pamilya namin.  Pero sa kabilang banda, marami din namang nag-abroad na mganda pa rin ang pamilya.  Siguro ang tunay na salarin ay ang walanghiyang kabit.

Ito ay alay kong munting tula sa kabit ni Tatay na nanira ng aming pamilya.

Oh! kabit na makati, Asawa ng iba’y kinupit
Tila ka kumunoy, tatay ko’y napagkit
Sira nitong pamilya sa langit tumataghoy
Sa kinabukasan namin na iyong binaboy
Nawa makarma’t masunog sa apoy.

6 Comments

  1. Maraming salamat po sa mga nagbasa ng aking akda.true story po ito ng isa kong kakilala,6 days ago,sumulat siya sa akin tungkol sa nangyari sa kanilang pamilya,sinikap kong damhin ang sakit nito kaya ako nakalikha ng isang tula.Sobra po ang emosyon na naramdaman ko,kaya kahit tanungin ninyo sa editor ang dami nitong mali sa grammar he he,buti na lang naedit.Minsan po kasi naramdaman ko rin ang damdaming ito ng dumaan ang aking pamilya sa krisis.God bless po

  2. An mg mga lalake ay nahina ang self sel-control!!!Just to name a few policiticians, di ba dyan din sila nasira? Ang ulo ng karamihan sa lalake ay nasa titi. kaya hindi na sila makapagisip. Ang maipapayo ko sa magkapatid ay magsikap kayong makapag-aral at ibuhos ang panahon kong paano kayo magtatagumpay…My prayers are with you.

  3. ohh kabit!!
    bakit ang panget
    imahe moy sinusumpang pilit
    ano ba ang iyong sinapit
    at bakit pa ung may sabit
    pamilya ay mga nag hihinagpis
    dahil sa ginawa mong pag pupumilit
    pag mamahal na may sabit, ikaw ay mag tiis
    Sa sumpa ng mga taong may galit.:)

  4. malupet ang mga kabit…
    sa tawag ng laman ay kapit.

    wag kang mag-alala…,mga kabit…
    sa dagat-dagatang apoy ipipiit…

    kanilang itim na kaluluwa dadarang sa init…
    at habang-buhay ang kanilang hinagpis.

    bow…………….!

Leave a Reply

Your email address will not be published.