Ang Alamat ng Passport: Chapter 19 Alamat ng Question Mark

(Photo Credit Flickr)
(Photo Credit Flickr)

You’re fired!

Ha? Why meh? Hindi naman ako action star, pero bakit binabaril ako?

Wala akong agimat kaya’t tiyak na tatablan ako ng bala de karma.

Yah lah!

Asan ka pepe?

Akala ko noon ay maayos na.

Akala noon ay okay na.

Akala ko…

 

Sayang ang mga pinaghirapan.

Sayang ang mga pinagtuluan.

Sayang…

 

Bakit natanggal ako sa trabaho?

Eliminated na’ko!

Bakit ‘di n’yo ako binoto?

 

Ha? Asan kayo? Marami na ‘kong pera!

Tuluyan na ‘kong iniwan.

Asan na ang mga bata-batuta?

Baka di ko kayanin.

Di ko na ba kayo makikita?

Gusto ko pang manood ng Batibot.

 

Ha? Tuluyan na ring nahilig sa paghahalaman ang kabiyak ko.

Hinati-hati ang lupa at nagpadilig sa kung saan-saan.

Bakit ka nagkaganyan?

Bakit ako nagka-ganito?

 

Sabi nila kapag iniwan ka ng lahat ay huwag kang mag-alala dahil nandiyan  ‘yung mga kadugo para salinan ka ng lakas.

Tooot.. tooot… tooot…

Hello? Hello?

Sorry! The number you dial is busy!

Sorry! The number you dial cannot be reached! Please try again!

Asan kayo? Wala na rin?

 

Di bale, andiyan pa naman ang aking mga ka!

Tooot.. tooot… tooot…

Sorry! The number you dial is busy!

Sorry! The number you dial cannot be reached! Please try again!

Asan kayo? Wala na rin?

 

Kailangan ko nang umuwi at umasang ang panahong nawala ay mabawi.

Ang hirap ng mag-isa na palaging nakangiwi.

Para kang asong ulol na palaging sawi.

 

Ha? Dinugo ang tinapay?

Nalaglag ang yemang nakapalaman.

Akala ko’y tapos na.

Bakit walang natira?

 

Ikaw kasi… inubos mo sa kaiinom.

Ikaw kasi… inubos mo sa peryahan.

Ikaw kasi… inubos mo sa bakery.

Ikaw kasi… hindi ka namigay.

Ikaw kasi… inangat mo ang paa mo.

Ikaw kasi… nakalimot kang lumuhod.

 

Ito na nga ba ang tutuldok sa lahat ng mga kalokohang ginawa ko?

Puwede bang i-rewind?

Ayoko ng exclamation point!

Puwede bang question mark muna?

Puwede ba?

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.