Ang Aking Pangarap

Image credit: quotesgram.com
my mother
Ang aking nanay at mga kapatid

Pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho upang matulungan ang aking pamilya at ilang batang natutulog sa tabi -tabi.

Tulad ng pagtulong sa amin ng aking pangalawang magulang na marami ang natulungan para mabigyan ng kumot, banig at mga gamit pang-eskwela.

Gusto kong makaipon para sa aming mga kakailanganin, mag-iipon rin ako ng pambili ng aming bahay na matagal na naming pinapangarap.

Pagsisikapang kong magtrabaho para doon at sa pamilya ko at mga kailangan sa bahay.

Salamat sa aking ina na pinalaki akong maayos at pinag-aral at tinuruan ng mabuting asal.

Nagpapasalamat rin ako sa lahat ng tumulong sa amin para matupad ang aming mga pangarap.

Pangako ko sa aking sarili at sa aking mga mahal sa buhay na kakayanin ko ang lahat para sa kanila at sa aming kinabukasan.

Bata pa ako, totoo yan, pero ganito talaga kapag nangangarap ka. Dapat ay lagi mong ipaalala sa iyong sarili na gusto mong maabot  ang iyong mga pinapangarap.

Tiwala lang.  ^_^

angel

 

About Angel Love

A young girl who dreams endlessly and works towards achieving her dreams