“ANG AKING PAG-IISA SA IBANG BANSA” (This is My Own Story)

OFW (Photo Credit : Pinoyblogawards)
OFW (Photo Credit : Pinoyblogawards)

Ni sa panaginip ko ‘di ko akalain na makapupunta ako sa ibang bansa, at makapagtrabaho doon; kasi naman pangarap ko lang talaga matrabaho sa Pinas kasi para malapit sa akin pamilya pero sa tagal ng panahon, palipat lipat ng work (KAHIT ANO NA LANG).

Wala naman akong naipon pero nagbakasakali akong mag-apply.  Naipasa ko na

OFW   (Photo Credit :  Pinoyblogawards)
OFW (Photo Credit : Pinoyblogawards)

lang ng resume ko sa isang land base agency at hinayaan ko na lang siya doon, kasi that time my work pa din naman ako (MASAYA AKO DOON).

‘Di ko akalain na tawagan ako kasi dumating na rawiyung visa ko.So, wala na akong magawa kung ‘di mag resign sa work ko para asikasuhin lahat at subukan ang ibang uri ng work sa labas ng Pinas.  Excited naman ako kasi ibang bansa yon at first time kong makapupunta; kaso lang natatakot din ako kasi ‘di ko naman alam kung ano ang buhay na madaratnan ko sa bansang pupuntahan ko.

Dumating ang araw na nasa airport na ako (MASAYA AT MALUNGKOT DAMING TAO, HALO HALO ANG NARAMDAMAN KO) at hinihintay na lang ang oras NG paglipad ng EROPLANO na sasakyan ko.

Sa madaling salita, dumating na ako sa Qatar nakapapanibago kasi napakainit na lugar ang napuntahan ko dito nang dumating ako at parang nakatatakot yung mga tao kasi ibat ibanglahi sila.  Nandito na siguro sa bansang ito ang lahat ng uri ng tao na ngayon ko lang nakita at ibat ibang lengguwahe.

Nasundo na kami at naihatid na sa mgg lugar kung saan kami magtatrabaho at sa kuwarto kung saan kami matutulog.  Ako yong tipo ng tao na hindi makatulog kung walang kumot na siya kong kakambal sa bahay, pero anong magagawa ko eh wala naman binigay yong kompanya sa akin.  So nagtitiis ako sa lamig kasi aircon ang buong bahay.

Doon ko kasi unang nasubukan matulog na naka aircon.  Kinabukasan, ligo kahit napakainit ng tubig (puwede kang mag-coffee sa init), kain, (pagkain na ‘di mo alam paano niluto kasi napakaiba ng lasa).  Duty na agad ako sa work (lahat ng tao English ang salita).  Doon ko nahasa yong English ko kasi di naman ako nag-i-English sa Pinas.

Halos araw-araw ganoon yung routine ng buhay ko, (WORK, KAIN, TULOG, LIGO, KUWARTO) magtitiis sa kakarampot na sahod para makaipon ,okey lang naman kasi makakaipon ka kasi wala naman tax at buo ang sahod na makukuha mo; wala ng kaltas pa.(MY DAYOFF NAMAN; ISANG ARAW SA ISANG LINGGO) nag-enjoy naman ako at ‘di ko pa naman naramdaman yong home sick na tinatawag nila kaya nagpasalamat na rin ako.

Pero lumipas ang panahon at pagsapit ko ng 5 months sa bansang pinagtrabahuan ko doon ko naramdaman yong “HOME SICK”.  Ang hirap pala,  ‘di ako makatulog at higit sa lahat wala akong ganang kumain at halos araw-araw na lang ay wala ako sa sarili ko.  Mabuti na lang at may mga kaibigan ako dito na kahit paano’y nandiyan sila para ajo’y payuhan at pinasasaya ako; kaso lang, tuwing nag-iisa ako ay bumabalik sa dati.  Ginusto ko nang umuwi, kasi parang ‘di ko na kaya, pero sa tulong ng LORD, naisip ko, kailangan kong magsikap para sa pamilya ko at sa pangarap ko sa buhay ko.

Nnagtiis pa ako hanggang saumabot na ako ng “LIMANG TAON”.  Ngayon, mayroon pa ring “HOMESICK ” pero kaya ko na.  Tuwing nag-iisa ako, naiisip ko lahat ng paghihirap ko at kung paano ako makabubuo ng buhay na gusto ko.

Nang umuwi ako sa Pinas nakita ko ‘yung mga kaibigan ko na wala namang work at tambay lang sa Pinas,  umaasa sa magulang nila. Kaya suwerte naman nila na ganoon lang ka simple iyung buhay nila, samantalang ako, sobrang paghihirap ko kasi gusto kung umasenso sa buhay ko at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko

Kung Makita ko iyung mag kaibigan ko na wala lang, para walang problema at palaging masaya,naiisip ko,  sana ganoon din ako.  Kaso lang, mas mabuti na rin iyong ganito kasi para maging matibay ako sa lahat ng unos na daraaan sa buhay ko; kaya ko na kahit gaano man ito kahirap.  Di ko lang alam sa kanila kung kakayanin nila.

Halos lahat ng ipon mo pag-uwi mo sa Pinas, ubos!   Kasi gimik dito, doon, kasama barkada mo (Akala nila mayaman ka). Pagbalik mo sa ibang bansa, umpisa na naman at ni wala man lang makaalala sa yo.  Mahirap ang buhay sa ibang bansa.  Akala ng ibang tao madali lang, pero ‘di nila alam na sa bawat oras na dumaraan, nagdurugo ang puso namin sa bawat oras na nagtratrabaho kami para sa kanila.  Iyong lamig, init, pangungulila at pag-iisa na wala kang makausap at mapagsabihan ng damdamin mo, at kung ano na ang katayuan mo, ang daming problema, pero naging malakas kami, dito.

Sa ibang bansa habang nagtratrabaho kami, pinapakita namin na malakas kami at walang takot pero ‘di nila alam, nagtatapang-tapangan lang kami para ‘di kami maaapi.  Sa totoo lang, “NATATAKOT DIN KAMI” para sa buhay namin at baka bukas, wala na kaming work. ” DASAL ” na lang ang SANDATA namin laban sa lahat, habang nag-iisa ka, naiisip mo lahat kung Ano? Bakit? Saan?

Ang lahat ng ito, kung wala ka naman kasing mahandugan nito maliban sa pamilya mo. Sana tulad na lang ng iba na ‘di na kailangan pang umalis para makapagwork at hindi iiwan ang Pinas para mabuhay at magkaroon ng sariling inspirasyon sa buhay;  ‘di tulad sa ibang bansa, napakahirap mabuhay at makibagay sa ibang tao na kahit minsan kapareho mo lang sila.  Hindi lahat ng nasa ibang bansa maganda ang kapalaran.  Suwerte na rin lang siguro ako kahit paano kasi, maayos naman ang work ko at ang lahat pero ‘di naman kasi habang buhay nandito ka.  Kaya dapat lang na planuhin mo na rin ang buhay na gusto mong gawin.

Ang maganda lang talaga dito, natutunan kong maging MATIBAY  SA LAHAT NG PAGSUBOK AT PAGHIHIRAP NA PINAGDAANAN KO.

author:  kylewoon

p.e./mj