Ang 17 Batas ng mga Adik sa Pag-ibig

download (1)

Gaano ka powerful ang love?

Kung titingnan mo, apat na letra lang yan-L.O.V.E. Pero ‘yang apat na letrang yan ang siyang bumago sa kasaysayan natin at siya ngayong nagpapaikot sa sibilisasyon ng mundo na may 7.2 bilyong katao sa orbit ng solar system.

Kung hindi nabuo ang mga letrang yan, malamang hindi ka na nag-e-exist ngayon at naputol na ang generation ng human race matapos makapamuhay ang mga dinosaurs 231.4 million years ago.

Kasunod ng pagkakadiskubre ng tao sa pag gawa ng apoy, nakatuklas din sila ng ibang pampainit sa katawan na kinalaunan ay tinawag nga nating romansa. Hanggang sa kumalat na ang chizmiz at dumami na nga ang mga tao exponentially. Pero siyempre, gawa-gawa ko lang yan.

Paano ba tayo nai-in love?

Kung iniisip n’yo na puso ang umiiral pag tayo ay in lab, nagkakamali kayo. Dahil ang puso ay isa lang malaking organ  na nagdadala ng dugo at oxygen sa  ating buong katawan. Pero yung sex drive natin na maghanap ng kapartner at yung attachment natin sa isang tao, lahat yan ay nagaganap sa utak sa pamamagitan ng pagkaka-trigger ng pinakamalulupet nitong circuits.

Pag in love tayo, naglalabas ang brain natin ng chemical na tinatawag na dopamine na siyang nagbibigay sa atin ng feeling of euphoria, energy at focus sa taong ating minamahal. Biologically speaking, kapareho ‘yan ng feeling pag high ka sa shabu tapos susundutan mo pa ng red horse.

Therefore,ang pag-ibig ay parang droga na isasaksak mo sa sarili mong katawan.So illogical mang sabihin, lahat tayo ay mga adik sa pag-ibig.

Kung adik tayo, dapat may mga batas tayong nakalatag para makontrol at magkaroon ng tamang disiplina. Unfortunately, wala pang mambabatas ang nakaiisip niyan sa senado. Kaya for the good of mankind, ako na ang gagawa ng mga bagong batas na yan.

Ito ay para sa lahat ng single, broken hearted, in a relationship, married, domestic PARTNER at it’s complicated.

Screenshot_2014-09-29-11-03-09

 

Ang 17 batas ng mga adik sa pag-ibig:

1.) Driving after break up law – Bawal magmaneho ang mga nilalang na katatapos lang sa matinding break up. Yun bang after 1 hour pa lang at kaka-sink in lang ng salitang “tapos na tayo!!”Delikado ito sa mga babaeng ginagawang catwalk ang kalsada at lalong-lalo na sa mga lalaking jologs na mahilig maghanap ng salamin sa kalye sabay strike a pose na parang sa mga commercial sa tv.

2.) Friendzoned code of the Philippines – Ang friendzoned daw is the new basted pagdating sa pakikipagdigmaan sa pag-ibig. So nakapaloob sa code na ito na hindi mo na puweding i-friendzoned ang isang lalaking nanligaw sa ‘yo na pinaabot mo ng 3-4 months. Malaki na ang na INVEST nun sa ‘yo. May karapatan siyang i-refund lahat ng mga ginastos niya tulad ng load, dinner, deodorant at pamasahe na back and forth.

3.) Jerk and run law – Kung merong parusa para sa mga reckless driver na nakaka-hit and run, dapat bigyan din ng parusa yung mga lalaking jerk na matapos mong ibigay yung password ng panty moeh, bigla na lang mawawala at hindi mo na ma-trace kahit na fingerprints.

4.)  Benefits for emotionaly unstable law – Obligahin ‘yung mga kompanya na bigyan ng leave with pay yung mga taong may matinding pinagdaraanan sa pag ibig. Imbes na maging unproductive sa office yan, might as well na bigyan na lang ng one way ticket papuntang africa para makapag-soul searching kasama ng mga hyena at lion.

5.) Anti-Paasa Act of 2015 – Sa batas na ‘to, puwede mo nang ipahuli kung sino mang hayup na nanlandi sa ‘yo at nangakong pagdidikitin ang buwan at ang neptune sa ngalan ng p****g pag-ibig tapos yun pala, pampalipas oras ka lang niya.

6.) Single Security System or SSS – Tatandang dalaga? No bf since birth? Wag ka nang matakot pa. Dahil sa sistemang ito, ipapa-prioritize lahat ng single na babae na may edad 30 pataas. Magbibigay ng gift certificates buwan buwan para pang spacol at pang shopping. Yung buwanang kontribusyon n’yo puwede n’yo ring i-lump sum ‘yan sakaling himalang magkaroon na kayo ng lablayp.

7.) Wasak foundation – Samahan ng mga na-basted, naloko, umasa, nabuntis at iniwang sugatan ang puso. Sa foundation na ito, tuturuan kung papaano makare-recover step by step ang lahat ng wasak na members. Moreover, magkakaroon din ng mga outreach program para sa iba pang nasalanta ng pag-ibig.

8.) CDA law or Cyber Display of Affection – Ang virtual na lampungan ng magshota sa social media ay talaga namang masakit sa mata. Kaya naman sa batas na ito, hindi mo na puwedeng i-flood yung news feed namin ng mga landian moments n’yo ng bf mo. Bawal na i-upload ‘yung mga skype pix n’yo lalo na kung mukha lang ding sumabog na appendicitis. Bawal din yung mga pre nup pix kung hindi rin naman talaga engaged pa.

9.) Karapatang Pangkabit – Ang karapatang pangkabit ay nagsusulong sa pinaglalaban ng mga sulutero at sulutera na wala nang ginawa kundi bigyan ng anghang at pait ang salitang pag-ibig. Kung meron ngang animal welfare act, sila pa na tao rin at nagmahal lang daw sa maling pagkakataon.

10.) Seenzoned act – Ayon sa batas na to, considered na na-seenzoned ka pag hindi ka nireplayan ng ka chat mo sa loob ng 20 minutes. Bukod diyan, wala karapatang mag-seenzoned ang isang babae kung hindi  din naman ganung kagandahan talaga. Unless hindi kayo magkakilala personally ng guy at nagpapabebe lang din sa ‘yo.

11.) Makaka Move On ka din Rehab Program – Bukod sa pagpapalaki ng suso ,ang pagmu-move on from a relationship ang isa sa pinakamahirap na gawin. Kaya dito sa loob ng rehab, walang magiging access sa Facebook kaya ‘di mo na ma-i-stalk ang ex mo, bawal din ang cellphone. Dito isinasagawa ang throwback therapy session kung saan pinapatitig sa pasyente buong araw ‘yung pinakapangit na picture ng ex niya habang tinutugtog ang kantang “my heart goes shalala lala…” as background music.

12.) Legalized Cheat Day – Kung merong cheat day para sa mga so-called health conscious, magkakaroon din ng cheat day para sa mga magkasintahan. Sa loob ng isang taon, meron kang 24 hours para tumikim ng bagong putahe. Dito masusubok ang disiplina at tatag ng samahan n’yo.

13.) E-bat law or expanded babaero added tax–  Itataas ng 30% ang tax ng mga lalaking mahilig sa chicks. Halimbawa sa beerhouse. Lahat ng items dun kakargahan ng e-bat pati ‘yung kakandungin mong bebot. 70% ng malilikom sa tax na ito ay mapupunta sa Wasak Foundation at ‘yung natirang 30% ay para sa mga hopeless romantic.

14.) Alone Forever National Agency – Kung atat na atat ka nang magkalablayp pero kulang ang network mo at access para makipag-mingle sa ibang single, ang alone forever national agency ang bahalang maghahanap para sa iyo ng posibleng maging ka partner mo in life. No placement fees to be collected. Just bring your minus one tape and beware of fixers.

15.) Landimeter Act of 2016 – Kasama ito sa tinatawag na modernization program ng bansa. Kakabitan ang lahat ng mga bus station, malls, simbahan, paaralan, opisina sa buong Pilipinas ng landimeter device. Sa device na ito, malalaman mo na agad kung nilalandi at nagpapalandi ang bf mo. Automatic na magse-send ng sms sa phone mo ng “higad on the house!”

16.) Declared February 14 as Single Awareness Day – Gagawing special non working holiday ang February 14. Double pay para sa mga single. Magkakaroon ng iba’t ibang programa sa araw na ‘yan tulad ng  painting contest na may temang “tigang noon…at magpakailanman”. Then magtatali ng itim na panyo sa ulo ang lahat ng mga single at magmamartsa mula Quirino hanggang R.Papa LRT station nang nakahubad.

17.) Reporma sa Pag ibig – For some reasons, darating sa punto ng relasyon n’yo bilang magsyota at mag-asawa ang panlalamig sa isa’t-isa. Mas malamig pa sa ilong ng pusa. Sa batas na ‘to, renewable na ang relationshit n’yo. Puwede kang umayaw sa legal na paraan at puwede ka ring humingi ng #libogpamore kung nakukulangan ka na sa performance ng partner mo.

Ang love ay parang itlog ng mga lalaki, abot-kamay mo lang, pero hindi mo puwedeng pitasin. Hindi equally distributed. May sinusuwerte, meron din namang minamalas. Pero kung feeling mo eh, lagi ka na lang walang suwerte sa pakikipag-relasyon, ayos lang yan. Lahat ng pangyayaring masalimuot sa buhay natin ay may silver lining. Lagi mo na lang iisipin na ang salitang ‘love’ ay noun lang. Hindi pa rin ‘yan ang everything. Kung high ka ngayon sa pag-ibig, eh good for you. Basta kung maubusan ka ng source, tandaan mo na puwede kang rumekta sa ‘kin.

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.