Ang 17 Bagay na Hindi Namin Maintindihan sa mga Babae

88888888888888888

Lahat ng tao sa mundo pati na mga hayop ay may set ng DNA coding sa katawan na matatagpuan sa chromosomes. Ito ang nagsisilbing gender determination system ng kalikasan. And we don’t give a f**k about that, ahyt? Basta ang malinaw lang sa ‘tin ay merong male at female species na nag co-coexist sa ibabaw ng earth crust sa ilalim ng stratosphere kasama ng mga flora and fauna.

Alam din nating lahat na matagal nang may love-hate relationship sa pagitan ng mga lalaki at babae simula pa nung unang naimbento ang apoy. Ang please don’t get me wrong. Hindi ko inaaway dito ang mga babae. Hindi rin ito isang gender stereotype propaganda dahil hindi ko din alam ang meaning ng stereotype.

In fact, concerned lang ako sa lumalalang fundamental gap between genders as human beings living in this miserable & cruel world.

Misteryoso at emotional naman talaga kayong mga babae at tanggap namin ‘yun. Ang problema talaga eh hindi ‘yung dahil sa makitid minsan ang pang-unawa namin kundi dahil sa “expectation” n’yo na maunawaan namin kayo.

Kaya para sa mga nilalang diyan na may reservations, kumakain ng kanin sa tasa at minomolestiya ng tiyuhin nila, narito ang ilang mga bagay na hindi namin maunawaan sa mga kababaihan at dapat ipaintindi sa mga utak naming alipin ng pornograpiya:

1.) Ang ladies room – Hindi ba’t nakapagtataka naman talaga na kung bakit kahit sabay silang pumasok sa toilet eh tapos ang tagal-tagal nilang lumabas? ‘Kala mo gumagawa pa ng bonfire sa loob eh. Ano ba talagang meron?Nagsasampalan ba kayo ng tissue pagtapos umihi? Ganun ba talaga kahirap mag-adjust ng bra?

2.) The kahit saan restaurant – pag tinanong mo sila kung saan nila gustong kumain, diyan ka nila ituturo. Pero ‘wag ka, may gusto talagang puntahan ‘yan. Ayaw lang nila sabihin sa ‘yo. Para ka tuloy pinaghahanap ng tae sa Manila bay. Magmumukha kang autistic sa dami ng pagpipilian mo.

3.) Bakit masyado kayong interesado sa mga ex namin? – Kailangan n’yo pa bang alamin kung ano’ng itsura ng mga ex namin, anong tawagan, anong cup size? Okay, hindi naman sa ayaw namin. Pero sabi nga ng yumaong si Aristotle, you have the right to remain silent, anything you say can & will be used against you. At kung talagang sinabi man yan ni Aristotle, then let’s have a moment of silence para dun sa mga naniniwala.

4.) Bakit laging kabaliktaran sa sinasabi n’yo ang gusto n’yo talagang ipaabot sa amin? – Kung ayaw mong sumama kami sa inuman with barkada, huwag mo nang sabihing “ikaw bahala” or “okey lang”  kung talagang hindi okey. Masyadong provocative eh. Besides, hindi naman siguro ikalalaki ng suso n’yo yung ganyang panre-reverse psychology n’yo sa ‘min.

5.) What’s with the flood likes – Bakit sobrang tuwang-tuwa kayo pagpina-flood likes ang mga pix at status n’yo sa Facebook to the extent na ini-screenshot n’yo pa at nagpapasalamat kayo sa nag-like? Or madami lang din talaga akong issue sa buhay?

6.) Cry for all season – Birthday, monthsary, piyesta ng patay, binyag ni junjun, independence day, romcom movies at pati paglaki ng braso n’yo, alam namin, lahat ‘yan iniiyakan n’yo. Sa aming mga lalaki, dalawang beses lang kami dapat umiyak sa buhay namin. Una, pag tinuli kami. Ikalawa, pag kinasal kami.

7.) Ano ‘yung pinaglalaban ng high heels n’yo? – Kung sa ngalan man ‘yan ng isang intense at bumubulwak mong kalibogan sa buhay, puwes mabuhay ka, iha.

8.)  The mode swing phenomenon – Kung ‘yung ibang astronomical phenomenon nangyayari lang once every 400 sh*ty years, ‘yung mode swing phenomenon ng mga babae ay nangyayari on a daily basis. Pangkarinawan. Kasing karaniwan ng pag-aalmusal mo ng tinapay at pagmemeryenda mo ng canton tuwing alas tres ng hapon. Parang “now you see it, now you don’t”.

9.) Bakit nagiging high pitch ang mga boses n’yo pag-nagsasama sama kayo? – Parang lagi kayong excited sa isa’t-isa at parang laging may adrenaline rush pag nagbebeso-beso kayo. ‘Kala mo 5 taong hindi nagkita samantalang nagkita naman kayo last few days lang? Oohh that hormone.

10.) Ang relationship ng bag at bayag – Kung ‘yung pinakamoral na obligasyon naming mga lalaki sa mundo ay ang pagbitbit ng mga bayag namin from point A to point B, sa inyong mga babae ay ang pagbitbit ng mga bag n’yo. Which therefore conclude na ang bag at bayag ng mga lalake ay gawa sa same material.

11.) Ayaw n’yo sabihin ang totoong gusto n’yo at kailangan pang hulaan namin – pag kausap ko ang mga babae, feeling ko contestant ako sa Who wants to be a Millionaire. Hindi ka puweding magtanong dahil ikaw ‘yung naka-hot seat at kailangan bago ka sumagot, tanungin mo muna ‘yung sarili mo ng makatatlong beses na “is that your final answer?”

12.) Bakit ang dami n’yong seremonyas kung kailan matutulog na? – Kung anu-anong mamahaling lotion at creme ang pinapahid n’yo sa katawan n’yo. Tandaan mo ‘yung universal law ng buhay: “Kung pangit ka nung high school days mo, most likely pangit ka pa rin ngayon”. Mapapagod ka lang i-convince ang sarili mo sa salamin. Kaya instead na bumili ka ng mamahaling lotion, ipunin mo na lang ‘yan para pampaayos ng dede mo. Makes sense?

13.) Ang hilig n’yong makipag-chat sa isat isa – Ba’t parang hindi kayo nauubusan ng kuwento? Bakit parang kaya n’yong pag-usapan ang lahat ng bagay sa mundo without any “reservations”? Samantalang kami, hindi namin puwedeng i-chat sa kapwa namin lalaki na “bro, relate much ako dun sa movie na a second chance <insert smiley here>”. Masyadong suggestive eh lalo na pag nilagyan mo ng smiley sa dulo.

14.) Lahat ba ng babae ay may criminal minds? – Wala naman kayong formal training pero bakit ang galing-galing n’yong mag-analyze ng crime scene ng mga lalaki? O sadyang tanga lang din talaga kaming gumawa ng palusot noh?

15.) Kailan pa naging social activity ang pagsho-shopping? – Sinubukan kong mag-shopping dati kasama ‘yung barkada ko. After nun, parehas kaming nagkasundo na i-eradicate ang ideyang ‘yun at hindi na namin uulitin pa kahit kailan. Ang lakas maka-bromance eh.

16.) Required magbigay ng false compliment sa kapwa niya babae – It’s always ang “ganda mo na gurl o ansexy mo na” at kung anu-ano pang pambobolache para lang ma-establish n’yo sa isat-isa na “hey kakampi tayo gurl”. Sa ‘min, makisabay ka lang sa trip ng tropa. Kung trip mag-shabu, mag-shabu ka rin. Friends for life na agad ‘yan. Simple. Walang bolahan. Walang drama.

17.) Hinahanap n’yo lagi ‘yung sensitive na guy – Kung ganyan pala, para mo na ring hinahanapan ng hymen ang mga lalaki. Walang hymen ang mga lalaki.

Simple lang naman ang mensahe ng blog ko; gusto namin na laging masaya ang mga babae.

Gusto namin na hindi kayo laging nabe-beast mode pag hindi namin maalala ‘yung birthday n’yo o purihin ‘yung bago n’yong damit. Kailangan lang namin siguro talaga ng proper guidance sa buhay. Kaya simula ngayon, gusto kong makipag-blood compact sa mga babae. Na hindi na kami maghahanap ng babaing malaki ang dede basta hindi na kayo maghahanap ng lalaking sensitive.

Deal?…..

———————————————————-RIP——————————————————-

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/