Andres Atapang Atao

 

“Kalayaan o kamatayan? Mga kapatid! Ang Kalayaan ay kinukuha sa dulo ng patalim!“

                                            – Andres Bonifacio- (Sigaw sa Pugad Lawin)

Wala na yatang mas makahihigit pa sa kabayanihang ipinakita ni Bonifacio sa panahong puro pasulat na panunuligsa lang ang kayang ibahagi ng bawat Pilipino. Siya lang naman ang nakaisip ng kabulastugan na gumawa ng isang samahan na tinawag nilang KATIPUNAN na magpapaikot sa pwet ng mga Kastila. Matapang. Mapanghamon. Macho. Palaban. Iyan ang eksaktong katangian na naglalarawan sa bayaning nilimot na ng mga kabataan.

Nagtanong ako sa mga estudyante ko kanina kung anong okasyon ang ipinagdiriwang nung isang araw kung bakit walang pasok..may ilang engot na talagang hindi nakasagot. Kawawang bayani, ni hindi na kilala ng bagong henerasyon.

At para maipakilala ang taong nagbigay sa atin ng isang araw na makapamasyal sa mall at makapag rally na hindi bayani si Marcos ay heto ang ilang bagay tungkol sa kanya.

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak ng Nobyembre 30, 1863 sa Tondo na lugar ng mga matatapang na tao at basag-ulo. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina De Castro na maaga siyang inulila sa edad na 14 para maging mala-teleserye ang buhay niya. Tanging elementarya lamang ang tinapos ni Andres. Pero huwag ka, mahilig magbasa ng kung anu-anong nobela itong si Andres na maging ang Harry Potter ni J.K Rowlings ay pinakaabangan niya. Gumawa siya ng tula na pinamagatang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” upang himukin ang mga Pilipino na maging makabayan at hindi parang tuta na sunod-sunuran lamang. At para mas maging maangas ang dating ng profile ng buhay niya ay nagsagawa ng isang barkadahan na ang libangan ay pumatay ng Kastila at may layunin ng pag-aalsa laban sa pamahalaan and the rest was history.

Naalala ko nung nagkaroon kami ng field trip sa Pamitinan Cave sa Montalban, pinabasa sa ‘min ng tour guide yung sinulat ni Andres sa kweba na.. “Sumapit dito ang mga anak ng bayan, Humahanap ng kalayaan!” dun ko siya unang inidolo, dahil kahit pala isang bayani, nagpa-power tripping din ng bandalismo.

Palagay ko, wala namang pagkakaiba ang ipinaglalaban ni Bonifacio noon saka ngayon. Kahirapan pa rin ang kalaban ng bawat Pilipino. Katunayan, kahirapan di ang nagtulak sa mga Pilipino noon kung bakit sila napuno sa mga Kastila. Masyado na kasing mapagpahirap ang mga patakarang ipinatupad nila sa mga ninuno nating indio. Isa-isahin natin: bandala, polo y’ servicio, encomienda, mataas na tributo, at marami pang iba na lalong nagpapalubog sa kumunoy ng karukhaan dahil imperior na lipunan ang tingin sa atin ng mga Espanyol. Hindi pa kasama riyan ang mga kalapastanganan ng mga prayle.

Sa panahon naman natin ngayon  marami pa rin ang uhaw sa edukasyon. Marami pa rin ang hindi makapag-aral at patuloy na dumarami ang mga opisyal na niluluklok ng mamamayan na walang kahusayan dahil sa dami ng botanteng nababayaran sanhi ng kahirapan.Kung di man nanalo dahil sa pera, malamang nanalo dahil sa mga kasinungalingang propaganda sa facebook. Na maging ang pamahalaan ay walang sapat na kakayahan para bigyan nang mahusay at mabuting edukasyon ang mga pobreng kulang sa kaalaman. Talamak ang corruption kaya hindi makaahon sa kahirapan. Nag-alsa si Bonifacio para makalaya ang mga Pilipino sa mga Kastila. Ngayon dapat ituloy ang laban sa mga corrupt at nang makalayang lubusan sa kahirapan at masumpungan ang mahusay na edukasyon. teka, ano bang pinaglalaban ko?

Mabalik tayo sa buhay ni Bonifacio, alam mo ba’ng marami pa ring katanungan ang magpasa hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagutan sa malagim na katapusan ng magiting na bayani? tulad nang bakit hinatulan ng kamatayan si Andres Bonifacio? Bakit pumayag si Aguinaldo na patayin si Bonifacio? Paano ang totoong pagkakapatay kay Bonifacio? Kelan namatay si Bonifacio? Bakit pula ang pantalon na suot ni Bonifacio? may nabibili ba nito sa Quiapo? Tototo  ba na siya ay atapang atao? na nang pinutol ang kanyang ti#% atakbo atulin? At saan totoong naroon ang mga labi ng nasabing bayani? Maging ang kilalang historian na si Ambeth Ocampo hindi nabigyang kasagutan lahat ng iyan. Matanong nga kay Madame Auring baka nasa bolang kristal lang niya ang natatagong hiwaga.

“Mapalad ang bayang linitawan ng mga bayani, sapagkat ang bayang iya’y walang kamatayan” yan ay ayon sa paninidigan ng ating si Bonifacio. Bayan na ang tinuturing na makabagong bayani sa ngayon ay ang mga taong nagpapaalipin sa ibang bansa na pinaglaban ng mga katipunero hanggang sa kamatayan  para hindi maging habang buhay na mga API. Wow how ironic.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.