Andray The Pinoy?

6/8/2014 11:30:12 AM
www.solarsportsdesk.ph

Nakarating na sa bansa si Andray Blatche, ang player ng Brooklyn Nets na magiging Pinoy kung sakali man na mapirmahan ng Pangulong Benigno Aquino ang kanyang papeles para maging opisyal na Filipino citizen at makalaro sa opisyal na koponan ng basketball na Gilas Pilipinas.

At kung maisakatuparan ito, ay buti naman kahit papaano ay nagbunga din ang mga ginawa nila Robbie Puno at Sonny Angara na nagsulong niyan sa kani-kanilang opisina sa Kongreso at Senado. Dapat lang din, no.

Bago ka humirit d’yan ng “Eh marami pang mas mahalagang panukala kesa dyan eh,” ay isa rin sa mga dapat prayoridad ng pamahalaan ay ang sports (yung tunay na tranalsated meaning ng Pinoy na salitang “palakasan”). Mas okay pa nga yan kesa sa mga kung anu-anong kababawan na pautot na ipinapanukala din ng mga mambabatas eh.

Kung sakali man na maging parte na ng roster si Blatche, paano na kaya si Marcus Douthit? Hindi naman siguro siya maeechapwera. Siyempre, kelangan mo ring gumawa ng iba pang plano maliban pa sa mga lineup na nakuha mo ngayon. Pang-“long term” ba.

Ano nga ba ang maitututlong ni Andray sa Gilas? Siguro, experience na ring maitutring ito, dahil pagdating sa height ay aminin man natin – no match tayo kung ikukumpara sa ibang bansa. Pero dati, kahit height is might ang basketball ay isa ang bansa natin sa mga matatayog ang lipad sa basketball. Ngunit sa paglipas ng panahon, samahan mo na ng kaliwa’t kanang sitwasyon ng pulitika sa ating bansa, ay parang napag-iwanan na tayo. Oo, tayo nga ang tahanan ng pangalawang professional basketball league sa buong mundo (oo, pangalawa tayo sa NBA), kaso… eh ano naman na? Ang ibang bansa, ke maliit man o malaki, ay may player na sa NBA. Kunsabagay, tayo naman ay may coach din dun, at champion coach pa.

Click here to continue reading.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.