Anderson Vs. Korina

11/14/2013 8:23:24 PM
http://www.michaeldsellers.com/

Sinabi lang naman ni Anderson Cooper ang kanyang naiulat ah. Anong meron? Bakit may nagagalita yata mula sa media?

Ay, sorry, mukhang may natamaan kasi.

Aniya ng CNN correspondent, 5 days nang naghihikaos sa hirap ang mga survivior ni Yolanda. Halos di raw makita ang presensya ng gobyerno sa panahong ito. As in parang trapik sa EDSA lang… “usad-pagong.”

At bumuwelta naman si Madam K. Hindi raw niya alam ang mga pinagsasabi niya? So ano ibig sabihin nito? Dahil sa asawa niya ay isang miyembro ng gabinete ng kasalukuyang administrasyon. Pero masyadong madali para mag-jump kagad sa konkulusyon. O Mrs. Know-it-all siya.

Sabagay, mahirap nga naman pag nasa hanay ka ng pamahalaan. Bagamat may mga matitino riyan na nagtatrabaho ng maayos, hindi pa ring maiwasan ang mai-stereotype at magkaroon ng negatibong konotasyon ang bawat kilos o gawain. Isipin mo, 5 days? Sobrang bagal ng pamahalaan para rumesponde sa pangangailangan ng mga constituents nila? E kaso kasi mga military na ang nagte-take over pansamantala sa Tacloban, maliban pa sa national government, dahil paralisado ang local government ng Tacloban. Makakaresponde pa ba sila sa puntong ‘yan na sila mismo ay napuruhan, pati ang sampu ng mga kaanak nila? Sira pa ang mga serbisyo ng mga komunikasyon. What can you expect ‘di ba? Hindi naman perpekto ang ating gobyerno.

Sabagay, madali rin kasi maniwala ang tao sa media eh. Ika nga, trend-setter siya ng lipunan. Malakas makapang-impluwensya. Fourth estate ng ating estado, at kahit katarantaduhan pa ang makita, marami rin ang nagpapaniwala.

Pero sabagay, kanya-kanyang ulat lang kasi yan eh. Ang problema ay ito: si Cooper, nasa ground zero; habang si Korina, sitting pretty naman sa radio program niya. So mas masasabi na mas alam ni AC360 ang mga nagaganap talaga. Habang siya? I invoke my right to answer that question (mahirap na, baka ma-libel).

At ito pa ang problema ng disparity sa media. Ang mga reporter sa international news orgs, reporter talaga; maari ring maging anchor. Habang dito naman? Reporter na, anchor na, commentator pa! Versatle, ika nga. Walang masama sana dito, kaso ang problema lang, may nasasakripisyo sa pagiging multi-tasker – ang kredibilidad. Sabagay nasa lugar pa rin naman magbitawang mga anchor ng kumento nila sa mga napapanahong isyu eh. Wag nga lang sana silang mapagkamalang “bias.”

Click here to read the entire article.
 
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

3 Comments

  1. MAS OK PA KUNG NAG SORRY NA LANG SI MADAM K(karapatan) AT NAGPALIWANAG KUNG BAKIT ANG “DELAYED AND RESCUE OPERATIONS” AY + DELAYED AT (-) RESCUE AT OPERATIONS +BURAK RASIYA.

  2. Kasi ang ” PILIPITNAS ” pinipilit maging ” IN ” pero ” OUT ” pa rin….tanggapin natin na di porket maraming nakaka-intindi ng ” ENGLISH ” at marunong sa computer ay ..iyon na…tayo ay third world pa rin….sa isip lang makabago…hindi sa physical na anyo…..nag-iisip lang ??

Leave a Reply

Your email address will not be published.