And So I Call It Puppy Love

“Kris, act like a lady. Stop fighting with Eugene.”

Yan ang natatandaan kong sabi sa akin ng grade 5 school teacher ko. Parati na lang kasi akong nahuhuli na nakikipag-away sa isang classmate ko. Si Eugene–na wala ng ibang ginawa sa mundo kundi ang awayin ako. Araw-araw bago ako pumasok parati niya akong pinipikon, minsan kahit na weekend dumadaan siya sa harap ng bahay namin para lang asarin ako. At dahil bata pa ako noon tanging ang paghabol lang ng pamalo o walis ang tanging nagagawa ko bilang ganti.

Minsan, habang nasa klase kami, binato niya ako ng papel at dahil nagalit ako nasigawan ko siya. Sabi ng aming guro, “Alam ninyo, ang madalas na nag-aasaran sila ang nagkakatuluyan.” Bigla na lang akong tumahimik habang si Eugene naman ay tawa ng tawa. Habang recess namin, inaasar parin niya ako. Hindi siya nasisindak sa katarayan ko, ako na lang ang sumusuko.Gusto ko kasi si Eugene pero mukhang wa;a yung pag-asa. Una, hindi niya ako tinatrato na parang sa ibang babae, parati niya akong ginagalit. Parati niya akong inaasar. At sa dami ng nagkakgusto sa kanya malamang hindi na siya maglalaan ng panahon sa akin. Lumilipad na ang isip ko,hindi ko na namalayan ang mga taong malapit sa akin.

Nagulantang ang katahimikan ko ng biglang tumili ang isa kong kaklase at tumakbo papalapit sa akin. Sinabihan niya ako na magsasabay kami pauwi dahil may mahalaga siyang sasabihin tungkol kay Eugene. Pumayag na lang ako para lang matahimik siya.

Nung pauwi na kami, hinila ako ng classmate ko para kami ang magsabay. Kinikilig siya habang nagkwekwento. At ito daw ang mga sinabi ni Eugene:

  • Ang ganda ni Kris noh kaso sobrang taray.
  • Sabi ni Ma’am yung madalas daw magasaran, sila ang nagkakatuluyan. Kaya araw-araw kong aasarin si Kris para kami ang magpapakasal.
  • Di ba favorite din niya ang Ghostfighter? Bale ako na si Eugene at siya ang Jenny ng buhay ko.

“Crush ka niya Kris! Ang swerte mo, ikaw pala gusto ni Eugene! bale ako na lang ang brifge ninyo ha? Nako kinikilig ako. Bagay naman kayo eh. Kaya huwag mo na siyang tatarayan ha? Nagpapapansin lang yun!”

Nagulat din ako sa mga nalaman ko at sa batang puso ko, alam ko na may dampi ng pagmamahal sa puso ko. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Totoo kaya iyon? Ako, gusto ni Eugene? Nakatulog ako ng may ngiti sa mga kabi. Nangako ako na kinabukasan, pipilitin ko ng hindi siya awayin.

Ngunit kinabukasan, laking gulat ko na hindi siya pumasok. Hinahanap ko siya pero wala talaga siya. Kinabukasan, tahimik lang si Eugene. Hindi ko alam kung anong nangyari, nais ko mang tanungin kung anong problema hindi ko magawa dahil hindi naman kami nag-uusap ng personal na topic. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa mahuli ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti ako ngunit blanko lang ang ekspresyon ng mukha niya.

Ilang araw na hindi kami nag-aaway. Nakakapanibago at  hinahanap-hanap ko din yung pang-aasar niya. Hanggang sa isang araw, may nag-abot sa akin ng isang papel ngunit hindi sinabi kung kanino galing. Isa yung sulat na nagsasabing pumunta ako sa isang lugar sa school kapag lunch break.

Kahit kinakabahan, nagpunta ako mag-isa. Kasama ng agam-agam sa dibdib ko lumapit ako sa lalakeng malungkot na nakatayo sa isang sulok. Si Eugene–lalo akong kinabahan at nasabi ko na lang na “Hi”.

Eugene: Kris, aalis na ako sa susunod na buwan. Isasama ako ni Mama sa Hawaii.

Kris: Ahh..Makakasama mo na sila…

Eugene: Oo.. Tatapatin na kita.. Gusto kita, gusting gusto kaso hindi ko alam kung mahihintay mo ako. Alam ko bata pa tayo pero babalikan kita.

Kris: Kelan ka babalik?

Eugene: Hindi ko alam.. Matagal. Pero mangako ka na hihintayin mo ako.

Kris: Wala naman ako balak magkanobyo Eugene habang nag-aaral.. Hihintayin kita pero panghawakan mo ang pangako mo na babalikan mo ako.

Eugene: Oo naman. At panghawakan mo din ang pangako mo na hindi ka magkakanobyo.

Kris: Oo naman. Sumulat ka, alam mo naman ang address ng bahay namin dahil bata palang, magkapit bahay na tayo.

Pumasok kami sa klase ng magkahawak kamay. Hindi na rin niya ako inaasar gaya ng dati. Hanggang sa dumating ang araw ng pag-alis niya. Nagpaalam kami ng maayos sa isa’t-isa, dala namin ang pangako na maghihintay kami.

Ngunit ilang araw, buwan at taon ang lumipas pero walang sulat o kahit na tawag na dumating. Ang hirap maghintay ngunit ginawa ko parin kahit walang kasiguraduhan. Hanggang sa kusa na akong bumitaw sa pangako, wala na akong pinanghahawakan. Wala na din akong balita sa kanya.

Nagtratrabaho na ako noon nung nakatanggap ako ng email mula sa kanya. Nangungumusta. Aaminin kong kahit na “kinalimutan” ko siya, bigla nanaman akong bumalik sa pag-aasam na sana buo pa ang pangako niya. Nagreply ako, sinabi kong ayos lang ako. Hanggang sa nagtatawagan na kami at sinabi niya sa akin kung kailan siya babalik ng Pilipinas, na madami kaming dapat pag-usapan. Marami kaming dapat sagutin na tanong.

Muli, nangarap ako na sana kami talaga. Na sana ibabalik siya sa akin at itutuloy namin ang naudlot naming pag-ibig. Ngunit sa pangalawang pagkakataon,  nabigo ako. Muli, nawala nanaman siya ng hindi ko alam kung bakit. Wala nanamang tawag o sulat. Mas masakit ngayon dahil mas umasa ako. Mas dinamdam ko ang pagkawala niya dahil naihanda ko na ang sarili ko sa muli sana naming pagkikita.

Ilang buwan at taon muli ang nakalipas, nalaman ko na ikinasal na siya. Ikinasal siya sa isang babaeng triple ang layo ng edad sa kanya. Nagulat ako, nanlumo, namanhid ang buo kong katawan. Sobra akong nasaktan. Wala na ang mga oangako at ang pag-asa ko ay biglang naglaho. Sana man lang nagsabi siya–o kaya naman sana y hindi na nagparamdam para muli akong paasahin sa wala.

Ano man ang nangyari sa amin, alam ko makakausad din ako. Pakonti-konti, kahit mabagal pipilitin kong bumangon. pipilitin kong kalimutan ang pagmamahal na umusbong na mula pa pagkabata.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.