“ Anak, huwag mo siyang ibigin….AYAW KO SA KANYA…SALBAHE YAN!”

Tall, dark and handsome, mataas ang pinag-aralan at may matatag na trabaho. Ito ay sapat na sa mga katangian ni Ismael na hinahanap ng mga babae. Pero sa gulang niyang 25 years old kailan man ay hindi pa siya nakatatagpo ng babaeng gusto niyang ihatid sa dambana .

ISANG ARAW NOON, mga 10:00 am pa lang ay nagbrown-out at nagkataong sira ang generator ng kanilang kompanya ay napilitang pauwiin sila ng management dahil ayon sa Meralco ay maghapong ‘di magkakaroon ng kuryente.

Masyadong maaga pa naman para umuwi siya ay gusto muna niyang mamasyal-masyal at iniwanan muna niya ang kanyang sasakyan sa parking lot ng kanilang kompanya at naglakad-lakad na lang siya .

Sa paglalakad niya ay nadaan siya sa isang pampublikong elementary school at may makakasalubong siyang isang babae na namumukod tangi sa mga ilang kasabay nitong naglalakad.

Smarteng maglakad , may hubog coca-colang pangangatawan at may maamong mukha na walang gaanong pahid ng make-up at natural lang…..may malamlam at malungkuting bluewish na mga mata na kapag nakaharap mo ay para bang tila bato-balaneng hihigupin ka sa sarap makatingin .

Wala man siyang nakitang nakasabit na ID ay sa suot nitong uniform ay iisipin mong isang teacher ito sa nadaanan niyang eskwelahan.

Naibulong niya…..

“WOW ginising ng babaeng ito ang natutulog kong puso……ganito ang klase ng babaeng gusto kong ihatid sa dambana , pero sayang malayo na siya at kung habulin ko naman siya upang makipagkilala ay papaanong stroke o strategy ang gagawin ko?”.

Eh alam naman niya sa panahon ngayon na kung makikipagkilala ka ay baka isiping alibay mo lang iyon at may masama kang intention….dapat daw ay iyong hindi sinasadyang pagkakataon , yun bang…..
TIYEMPO IKA NGA

Walang ano-ano ay may nakita siyang bagay sa dadaanan niya.

“HUU ..WALLET ITO AH”

At ng bisitahin niya ay may litratong kahawig na kahawig ng babaeng nakasalubong niya. Hindi na niya binisitang lahat kung ano-ano ang laman niyon at ayaw daw niya ng ganoon.

“NAKU KAWAWA NAMAN YUN BABAE ….baka akala niya ay nasa kanya pa o dala pa niya ang wallet niya ……YUN PALA AY WALA”.

“HUU! ah teka nga….ito ang sinasabi kong pagkakataon”.

Bigla siyang bumalik at nagbabakasakali siyang muli niyang makita ang babae pero di na niya nakita pa.

Pero bigla siyang natuwa…

“AH alam ko na…..bakit di ko agad naisip yun ah”.

Dala na niya ngayon ang kanyang sasakyan at pupuntahan niya ang babaeng iyon ayon sa address na nakita niya.

ANONG SUWERTE NIYA at natagpuan nga niya ang bahay ng babae at ang sumalubong sa kanya ay ang nanay nito at abot-abot ang pasasalamat nito.

“HA NAKU IHO MARAMING-MARAMING SALAMAT SAYO……hindi ko akalaing mayron pa palang natitirang maganda ang ugaling katulad mo na magbabalik nito”

“O SIGE HINTAYIN MO NA ANG ANAK KO at ng magkakilala naman kayo , maya-maya lang ay darating na iyon kasi rotation silang mga teacher sa dami ng mga nag-aaral ngayon”.

At biglang nag-aalala si Ismael

“NAKU PAANO PO IYON , naririto ang wallet niya baka po wala siyang pampasahe”.

Wag daw mag-alala at may ibang nakabukod iyon na hindi niya inilalagay na lahat sa wallet.

ILANG ORAS NA SIYANG NAGHIHINTAY ay di pa dumarating ang babae at nahihiya naman siyang maghintay ng napakatagal dahil di pa naman siya gaanong kakilala ng nanay nito . Kaya siya ay nagpaalam na at babalik na lang sa ibang araw at ng magkakilala sila ng lubusan ng anak nito. .

“ABA OO IHO IKAW ANG BAHALA ..balik ka na lang …..napakabait mo namang bata…..buti ikaw ang nakakita niyon….eh kung iba ,baka nagkainterest na iyon”

Dahil ang laman ng wallet ay ang buong isang buwang suweldo nito ayon sa nakitang payslip.

Maaga pa naman para siya umuwi ay napansin niya na may BARBER SHOP sa kalapit na tahanan ng babae. Hindi siya talagang nagpapagupit sa ganitong klaseng barberuhan at sa mga medyo sikat siya nagpapagupit pero wala siyang time at nagkataong ito lamang ang tamang oras at pagkakataon.

At naisipan niyang papagupitan ng bahagya ang kanyang buhok at ng maging GOOD LOOKING uli siyang tingnan .

Nakita at naobserbahan niyang sa huling ginupitan ay dapat ay siya na ang susunod pero tumigil na ito.

“AH EH tatang bakit ho tumigil na kayo eh magpapagupit pa sana ako?”…

“AH eh pasensiya na iho at kakain muna ako….alas doze na eh”

“HA ganon po ba…ah eh opo sige po at maghihintay na lang po ako”.

Makalipas ang kalahating oras

Nang makita ni Ismael na natapos nang kumain ang matandang barbero ay…

“SIGE NA PO MAMANG BARBERO…….gupitan na po ninyo ako at nagmamadali lang ako at may pupuntahan pa ako.

“AH eh pasensiya na uli sayo ato at kakakain ko pa lamang at mamamahinga pa ako at may oras ang gupit ko….mga 1:30 pa ako magsisimulang manggupit”.

“HO!”

Ang panghihinayang sa oras si Ismael at nasabi niyang maghihintay na naman ba siya?

At di pa nasiyahan ang matanda at kinuha pa…at idinisplay pa sa harapan ang oras ng simula ng gupit at hanggang anong oras lang ito nagsasara.

At upang hindi na siya muling maghintay ay sinubukan muli niyang makiusap

“EH di po ba maaaring paki-usapan kayo na gupitan na ninyo ako at minsan lang naman mangyayari ito”.

“EH HINDI TALAGA IHO PUPUWEDE at baka may makakitang pwede naman pala akong manggupit ng wala sa oras ay mapagsabihan pa ako na may palakasan.

BIGLANG NAINIS si Ismael at bumulong ito

“HUU napaka-importante namang matanda ito, akala mo sikat ang kanyang barberuhan eh mukhang mabantot naman….daig pa niya ang mga sikat na barberuhan o mga Beauty parlor na tulad nila GAHA TUNGGAl o nila Ricky Reyes o ni Fanny Serrano at ng mga ibang sikat na ay PAGBIBIGYAN KA .

Nang makita niya na ang balabal na ginagamit nito sa panggugupit ay parang isang taon ng di nalalabhan at makapal na sa alikabok at maraming mga buhok na nagkapit ay nagka-idea siya.

At sa inis niya ay nakaisip siyang gumanti

EH ANG TOTOO NIYAN MAMANG BARBERO…..di naman talaga ako magpapagupit sa inyo at sa mga KILALA AT SIKAT AT CLASS PA na barberuhan ako nagpapagupit at naisipan ko lang mag-obserba …

EH NAPAKA-SALAULA naman pala ng inyong barberuhan…..siguro ang lahat ng inyong nagupitan ay may mga me BUNI NA DAHIL SA DUMI AT BANTOT NG INYONG BALABAL….eh baka kung ako ang babalabalan ninyo niyan ay di pa man ay baka kinikilabutan na ako at baka pa ako bunihin niyan….

“DIYAN NA NGA KAYO MATANDANG BUWISIT AT MASUNGIT”.

“H A ! ABAT ANG BASTOS NA ITO AT SINIRAAN PA ANG NEGOSYO KO”

Malayo na si Ismael ay sinigawan pa siya

“HOOY PARINE KA NGA RITO BASTOS KA….AT NG MAKITA MO HINAHANAP MO…..SALBAHE KA…..WALANGHIYA KA….WALA KANG MODO!”…..ang galit na galit na matandang barbero.

KINABUKASAN ay di na mapakali si Ismael at gustong-gusto na niyang puntahan at ng makilala ang teacher na iyon. Pero inisip niya wala siyang time at malayo iyon at kung hihintayin naman niyang mag brown-out uli at pauwiin uli sila ay baka di na mangyari yon at ika ng Meralco ay naayos na nila ang nasira.

Maya-maya ay parang nagulat pa siya

“ABA NAKU! ….bat ba di ko agad naisip yun ah…bat nga ba ako pupunta pa sa kanilang bahay ay napakalayo niyon eh heto nga pala ang kanilang eskuwelahan at napakalapit lang..

“IKAW TALAGA ISMAEL ang galing-galing ng utak mo” hehehe

At sa kagustuhan talagang makilala ang babaeng iyon ay nag-undertime siya. At komo talagang desidido siya at ngayon lang niya natagpuan ang babaeng mamahalin niya ay pinag-igihan na niya ang panliligaw dito at sa uwian sa kanilang opisina ay saka niya tuwina ito pinupuntahan.

Nagkataon naman na nagkapareho na ng oras ang uwian nila dahil nagpalit na ang oras ang pasok ng babae.

KOMO ang babae na ang pangalan ay si Raquel at napagtanto naman niyang talagang tapat ang pag-ibig na inihuhulog nito sa kanya ay unti-unti na rin niya itong lihim na iniibig. EH kaya lang daw ay siya ay pinalaki ng kanyang mga magulang sa matandang kaugalian na bago sagutin ang lalake ay dapat makilala muna ng lubusan ng kanyang mga magulang.

Eh ang sagot ni Ismael “eh papano kung hindi ako magustuhan ng mga magulang mo”

Ang sagot sa kanya ni Raquel

“HA EH HAMO…. eh kung tayo bang talaga ang tunay na magkapalaran , kahit ayaw sayo ng aking magulang at talagang gusto naman kita ay wala silang magagawa”.

“ H A !”

At tuwang-tuwa si Ismael at ngayon pa lang sa narinig nito kay Raquel ay alam na niyang iniibig na siya nito at para na ring sinagot na siya nito.

PINANABIKAN at excited na excited na si Ismael sa pagpunta niya sa bahay nila Raquel upang ipakilala muna siya nito sa kanyang mga magulang na manliligaw niya.

At ng naroron na siya ay..

“I-ITAY si-siya po ang sinasabi ko sayong nanliligaw sa akin at gusto raw po kayong makilala”.

“ H A !…. ..I-IKAW YONG….

Biglang umakyat ang dugo sa ulo ng ama ni Raquel , dahil kahit ilang buwan lamang ang nakakaraan o taon man ay hinding-hindi niya malilimutan ang mukha ng salbaheng lalakeng ito na nambastos at siniraan pa ang negosyo niya.

At harap-harapan ay agad-agad nitong pinagsabihan ang anak

“ ANAK HUWAG MO SIYANG IBIGIN….AYAW KO SA KANYA…..SALBAHE YAN! ”

“H O ! at H O !” rin kapwa ang napamangha at napamulagat na dalawa.

Hindi akalain ni Ismael na tatay ni Raquel ang barberong nakainisan niya at hiyang-hiya siya sa pagkakataong iyon.

HINDI na nagbalik pa si Ismael sa tahanan nila Raquel at sa school na lang niya inaabangan at humihingi siya ng paumanhin sa kanyang ama at ikinuwento naman nito ang tunay na pangyayari at napanihunod naman niya si RAQUEL na nagsasabi siya ng totoo

Mula noon ay napaibig na niya si Raquel

At palibhasa ay talagang nagmamahalan at ika nila na ay natagpuan na nila ang kanilang kapalaran sa isat-isa ay palalagpasin pa raw ba nila ito at nagpakasal na sila kahit ayaw sa kanya ng biyenan niya.

At palibhasa din ay malaki ang kasalanan ni Ismael sa kanyang biyenan at upang maibsan naman ang galit sa kanya kahit natanggap na rin siyang manugang ay pina-remodel at pinalakihan niya ang Barber Shop nito at humanap pa ng tatlong barberong makakatulong nito at naglagay pa ng manikurista at nagmamasahe at ang biyenan na lang niya ang pinaka-boss.

Laking tuwa ng biyenan niya sa kanya dahil nabuhay at muling sumigla ang hanap-buhay niya.

Hindi kasi alam ni Ismael na iyong nakita niyang nakapila sa barberuhan ng biyenan niya ay iyon na ang huling nagpagupit dahil halos bagsak at wala ng nagpapagupit dito dahil tama si Ismael na salaula ang barberuhan ng biyenan niya at nagkakabuni ang nagpapagupit sa dumi ng balabal na ginagamit.

NGAYON ay ito na ang madidinig mo sa ama ni Raquel..

“HOY ANAK…PAKAMAHALIN MO IYANG ASAWA MO at huwag mo namang masyadong under disayain at napakabait na manugang yan”

At inulit pa…

“ HOY ANAK….wag mo namang masyadong bubulya-bulyawan ang asawa mo at wala ka ng makikitang katulad niyan sa mundo sa bait…..eh hindi naman pala siya SALBAHE ”.

“ H O !”

At mula noon sa nakikita ng ama ni Raquel na napakabait ni Ismael ay parang isang Prinsipe si Ismael kung pagsilbihan nito.

HAHAHA eh bakit nga ba hindi nito pagsisilbihan si Ismael na parang Prinsipe eh lahat ng hilingin nito sa kanyang manugang ay ibinibigay sa kanya lalo pa’t muling binuhay at pinalakihan pa ang kanyang Barber Shop.

…Wakas..

salbahe
Photo Credit to:http://www.clipartof.com/gallery/clipart/argument.html