An Open Letter to my Other Love

Photo by Aditya Virendra Doshi
Photo by Aditya Virendra Doshi
Photo by Aditya Virendra Doshi

Ito ang pinakamahirap ngunit pinakatama kong gagawin sa buong buhay ko. Minsan na akong naging masama, sakim at mahina. Subalit sa pagkakataong ito ako ay magiging mabuti, mapag bigay at malakas.

Halos mag aanim na taon na tayong nagmamahalan. Anim na taon na puno ng ligaya, sarap at pangarap. Ngunit anim na taon ding kunsensya, takot at pag-aalala ang bumalot sa akin. Minahal kita nang sobra sobra, labis ang aking pagmamahal sa iyo sa puntong kinalimutan ko ang aking sariling pamilya, iniwanan ko ang aking propesyon dahil sa hindi katanggap-tanggap ang ating relasyon sa aking pinaglilingkuran at naging masama sa panghihiram ng oras, atensyon at pagmamahal mo sa iyong pamilya.

Alam ko na mahal na mahal mo rin ako. Ramdam ko ang lahat ng kabutihan, pag-iingat at pag-alala mo sa akin. Mula nang makilala kita ikaw na ang nagpapasaya sa akin. Ikaw na ang naging mundo ko.  Marami akong natutunan sa iyo. Ikaw ang nagturo sa akin upang maging matatag at malakas, ikaw din ang nagbukas ng aking isipan sa lahat ng mga bagay.

Akala ko sapat na ang pagmamahal natin sa isa’t isa. Kahit mahirap at bawal ang ating relasyon pilit akong kumakapit at dumidikit.  Inakala ko na puwede tayong matulog at gumising isang umaga na tayong dalawa na ang magkasama sa iisang kama.  Pinanghawakan ko ang mga salita at pangako natin sa isa’t isa.

Ngunit Bhe, I’m so sorry dahil ako mismo ang bibitiw sa ating mga pangako at pangarap. Hindi pala puwede yung mga plano natin. Panaginip ko lang yata lahat ng mga pangarap natin. Magpapaalam na ako sa iyo, hindi dahil sa may iba na ako, magpapalam na po ako sa iyo dahil ito ang tama. Mayroon kang sariling pamilya na dapat unahin at pakamahalin. Malaking gulo kung malalaman nila ang tungkol sa atin. Lahat lahat ay magbabago sa mundo mo kung sakaling iiwan mo sila. Natatakot ako na hindi mo ito kayanin at hindi ko ito kayang mapantayan at masuklian sa iyo.

I ‘m sorry bhe kung magpapalam na ako sa iyo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung nag-uumiyak ang anak ko sa akin at nagmamakaawa na sana ay magkaayos na kami ng kanyang ama. Napabayaan ko na pala ang aking anak. Lumalaki siya na hindi normal ang kanyang buhay dahil magkahiwalay ang kanyang ama at ina. Hindi siya nabibigyan ng sapat na pagmamahal at pag-aaruga na dapat na nararanasan ng isang batang may parehong ama at ina. Ito ay dahil sa aking pagka-selfish. Inuna ko ang aking sariling kaligayahan kaysa sa aking anak.

Sa pagdedesisyon kong magpaalam sa iyo, bhe, hinding-hindi ko itatapon ang anim na taong ating pinagsamahan. Marami tayong magagandang karanasan at pinagsamahan. Alam ko na kahit mali at bawal ang ating relasyon  ikaw ay bigay sa akin ng Diyos. Lahat ng mga natutunan ko mula sa iyo, katulad ng pagiging matatag at mabuting tao ay hinding-hindi ko kalilimutan. Mahal na mahal kita. Hindi man na “tayo” pero ang iyong concern, love and care ay mananatili pa rin. Sana manatili kahit yung relasyon natin bilang magkaibigan man lang.

Please take care of yourself always and pakiusap lang po, paka mahalin mo na po ang iyong pamilya. Make them feel special and make them happy, kung paano mo ako pinasaya noon, please sa kanila mo na po gawin iyon.  Pipilitin kong maging maayos din ang aming buhay ng aking pamilya. Babawi ako sa aking anak at susubukan kong ibalik ang dating samahan naming mag asawa.

Patawarin nawa tayo ng ating Panginoong Diyos. Lagi kang kasama sa lahat ng aking dasal at panalangin.

Minsan ko nang ipinagsigawan nang pabulong na ako ay isang kabit. Ngayon po, ako ay tatayo, ma ninikluhod at ipaghihiyawan ang “PATAWAD SA LAHAT NG AKING MGA KASALANAN AT PAGKAKAMALI. SALAMAT SA LAHAT NG MGA SANDALI AT PAALAM, AKING MAHAL”

Photo by Aditya Virendra Doshi

Photo by Aditya Virendra Doshi

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.