An Open Letter to my Fellow Commuters (GRAB/UBER Issue)

Image credit: Megacitizens

I’m a commuter Yan eh para bigyang diin na alam ko kung ano ang pinagsasabi ko. Sa isyu kasi about the GRAB/UBER vs. the government, ,marami kasi akong nababasa na kesyo hindi daw  alam ng mga taga LTFRB ang mga pinasasabi nila. Na kesyo hindi naman nila nararanasan magcommute araw-araw. Sa puntong ito, totoo naman naniniwala ako sa sinasabi nila… mahirap maging isang commuter sa Pilipinas.

Pero mabalik tayo sa isyu ng GRAB/UBER, ano ba talaga ang problema? Simple lang naman. TAMANG REGULASYON SA ISANG SERBISYO NA PINAKIKINABANGAN NG PUBLIKO. Pero bakit ganon parang sa bugso ng mga isyung binabato eh nalilihis ang mga tao sa kung ano bang totoong isyu.

Sige himayin natin isa-isa. Wala naman nagsasabi na hindi maganda ang serbisyo ng GRAB/UBER. Ako isa rin ako sa madalas tumangkilik sa kanilang serbisyo. Malaki talaga ang kaibahan nito sa mga taxi. Marami silang conveniences na naibibigay sa pasahero. Isa siyang magandang alternatibo para sa mga commuters.

Pero bakit ganon, tatanggalin ba sila? Ayon naman sa LTFRB hindi naman sila balak alisin. Ang balak lang naman sa kanila eh i-regulate – ipailalim sa batas ng Pilipinas. So anong problema dun?

Nagtataka ako isyung ito. Bakit parang nagugulo o parang namamanipula ang tao sa gusto nilang isipin? Parang may mali ba sa hakbang ng gobyerno na i-regulate ang GRAB/UBER? Bakit parang yun iba ang sigaw eh okay ang GRAB/UBER wag tanggalin, pero walang sumisigaw na GRAB/UBER dapat i-regulate?

Parang usapang langis yan eh. Gusto ba ng tao i-regulate ang langis sa Pilipinas o hindi? Gusto ba ng mga tao i-regulate ng Gobyerno ang GRAB/UBER o hindi? Alam natin na ang langis ay deregulated at ang nagdidikta kung tataas ba o bababa ang presyo nito ay depende sa kung ano dikta ng mga oil players sa Pilipinas. So ganon na rin ba ang gusto ng mga Pilipino na mangyari sa GRAB/UBER? Kung makatarungan ba o hindi ang presyo nila, ang serbisyo nila eh wala tayong paki kasi walang batas o gobyerno sumasaklaw sa kanila?

Nakakatakot lang dahil bakit ang tao bigyan ng kaonting benipisyo ay madali na natin kalimutan kung ano bang tama sa mali. Sa simula pa lang malinaw na may paglabag na ginawa ang GRAB/UBER pero nabubulagan ang mga tao sa benipisyo naidulot nila kesya paglabag na nagawa nila. Para bang tatanggapin na lang natin na tama dahil nakikinabang tayo kahit na nalalabag na yun pinakapundasyon ng pagiging bansa natin na may sariling batas.

Naiisip kaya ng mga sumusuporta sa GRAB/UBER na sila mismo ay nagagamit sa laban na ito.  Hindi naman ito usapin kung ano ang naibibigay nilang benipisyo sa publiko. Usapin ito kung bakit patuloy na nilalabag ng GRAB/UBER ang batas ng Pilipinas. Una, bakit sa kabila ng TRO na binigay sa kanila ay patuloy pa rin silang tumatanggap ng mga bagong aplikante? Pangalawa, bakit hinayaan nila mag-operate ang mga ito kahit wala silang mga prangkisa, hindi ba parang mas prinopromote nila na pangongolorum na okay lang magoperate kahit walang prangkisa? Pangatlo, totoo ba na majority owner ng GRAB/UBER ay mga dayuhan? Kung ganon, di ba mahigpit na pinagbabawal sa ating saligang batas ang mahigit 40% ownership ng mga dayuhan sa mga business establishments sa Pilipinas upang paprotektahan ang interest ng mga Pilipino.

Sa ganitong usapin, ano bang gusto natin mangyari? Ano bang gusto natin maabot? Ano ba talaga ang ating pinaglalaban? Nang pumutok ang isyung ito, halos mapuno ang feed ko sa facebook ng mga memes at kung ano ano pang isyu na pilit na inuugnay dito. Na kesyo mas safe sa GRAB/UBER, kesyo ang mga taxi driver daw namimili ng pasehero at kung ano ano pa. Pero ito ba talaga ang totoong isyu?

Gawin natin kung ano bang dapat gawin. Iayos natin kung anong dapat iayos. Napanuod ko yun hearing sa congress tungkol sa isyung ito. Nakakatawa lang basahin ang mga komento na puro comparison sa GRAB/UBER vs. Taxi. Eto ba talaga ang isyu? Nasa pasehero naman kasi ang pagpapasya kung ano ang gusto nyang sakyan eh. Bakit kailangan mong ipilit kung sino mas okay? Pero sa buong hearing na iyon isa lang ang mainaw sa akin…gusto ng GRAB/UBER na deregulated sila.

Ngayon tanggalin na natin ang isyu kung sino bang mas okay. Tanggalin na rin natin ang pagkukumpara sa taxi at GRAB/UBER. Simple lang ang isyu, magpapasakop ba o hindi sa batas ang GRAB/UBER? Sabi ni James Deakin, isa sa mga spokeperson na kinuha ng kongreso, hindi daw dapat i-regulate ang GRAB/UBER dahil sa trapik kung saan ang trapik ay isang bagay na hindi mo kayang masukat sa araw araw na sitwasyon at malaki ang epekto nito sa presyo kaya meron ang GRAB/UBER na tinatawag na “surge”. Sa usapin ito, minungkahi nya rin na dapat ang mga taxi na maging deregulated rin.

Nakakatawa lang di ba. Kapag ang GRAB/UBER ay naniningil ng mahal dahil sa “surge” o trapik ay tinatanggap lang natin pero kapag ang taxi humihingi ng dagdag dahil sa trapik ay reklamo na agad. Yun kasi ang pinagkaiba nila. Ang GRAB/UBER ay hindi sakop ng anumang batas. Kaya nila magdikta kung ano presyo gusto nila makatarungan man ito o hindi. Samantalang ang taxi dahil may metro napapasakop sa mga regulasyon na kung anong presyo lang ang pwede nilang singilin sa mga pasehero. Dagdag pa ni Daekin, dapat daw i-deregulate din ang mga taxi. Ngayon ang tanong pabor kaya ng mga publiko dito? Ibig sabihin pwede ng magdikta ang taxi ng sarili niyang presyo depende sa “surge” or trapik?

Dahil wala nga sumasakop na batas sa mga GRAB/UBER kapag may mga reklamo tayo ay wala rin malinaw kung sino sanggay ng gobyerno ang sasakop sa kanila.

Hindi naman ito usapin kung sino mas okay. Hindi rin ito usapin kung ano benipisyo ang kaya mong ibigay. Ito usapin na legalidad at tamang proseso. Ang malinaw na scenario lang na nakikita ko ay ang maling proseso na ginawa ng GRAB/UBER na ngayon ay kailangan na lang ba nating tanggapin?

Naniniwala ako sa pagbabago. Kung meron mang isang bagay na permanente sa mundo ito ay ang pagbabago. Pero ang tanong ay sa paanong paraan mo ilalatag ang pagbabago sa mga nakasanayan na ng maraming mga tao? Sa paraang mali ba at ibabatay na lang natin sa sigaw ng mga tao na ito ang tama o sa isang masusing pagaaral kung saan maghahain tayo ng mga bagong batas bago simulan ang isang malawakang pagbabago para maayos na maimplementa  ito ng maayos?

Kasi kahit saan mo tignan… ang mali kailanman ay hindi maitatama ng isa pang mali. Itama natin kung ano dapat itama at huwag tayong papagamit sa maling taktika para ilihis ang isyu dahil lang sa benipisyong nakukuha natin. Iayos natin kung ano ang tama hindi lang para sa pansariling interes kundi para sa ating bansa.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.