An open letter every Filipino pedestrian and the Governing Authority of the Philippine roads

Punong-puno ka na ba sa mga pedestrian na parang batang walang sense of direction kung maglakad at tumawid sa kalsada? Hindi man lang tumitingin sa magkabilang direksyon bago tumawid. Iyong iba naman bigla na lang tatawid na parang nakikipag-patintero. Iyong iba naman, ayaw maglakad sa sidewalk kahit MALUWANG NA MALUWANG yung sidewalk sa isang particular na lugar.

Iyong iba, mukhang hindi kayang maglakad nang single file porke’t may kausap o kasama raw sila kahit pa masasagi na sila ng mga dumaraang sasakyan. Iyong marami, parang walang pakialam kung masagi o masagasaan sila. Madalas, sasagot at mangangatwirang baluktot pa ‘yung mga ‘yon kapag sinita ng motorista o naka-bike. Ka-inosentehan o kagunggungan ba? Aba, malala na yung mga ganoong klase ng mga pedestrian.

Last year nga’y napatambay ako sa isang convenience store malapit sa tatlong pamantasan sa San Marcelino st., Manila. Medyo narinig ko yung usapan ng mga estudiante. Tungkol sa pagpapaunlad ng bayan. Hmmm, aywan ko kung ano’ng course nila. Pero, nanguna pa rin sa utak ko yung pinakapinagiisipan ko; ang magandang suhestiyon sa bagong batas pang-kalsada.

Kung palagi na lang ganito-ganyan na may isip-bata sa kalsada, paano uunlad ang bayan natin? Magandang solusyon talaga para indisiplina iyang iba diyan e gamitin yung batas sa riles ng tren. Bakit?
Isipin mo; tuloy-tuloy ang daloy at yung hangal na biglang tatawid ay bahala sa buhay niya kung mapahamak siya. Malinaw naman kase’ng sinabi na hindi ka hihintuan ng tren kung tatawid ka, pero talaga’ng matigas ang ulo mo. Tingan natin ang tibay ng mga buto mo kapag nasagasaan ka’ng hangal ka.
Maganda kung kada 100 meters ay may marka na pwedeng tumawid para yung mga nakakatanda ay may matatawira’ng malapit (sige, pasabayin na rin lahat ng iba pa’ng tatawid), at yung mga road borderlines ay gawing penalty lines. Kapag nasaktan ka ng motorista sa labas ng penalty line, sagot nya ang damages sa’yo. Pero, KAPAG NASAKTAN KA SA LOOB NG KALSADA, BAHALA KA SA PAMPA-OSPITAL MO. Deal?

Isa pa nga pala. Iyang mga Public Utility Vehicle drivers at mga naka-motor na mahilig mag-cut, kailan pwede’ng sapakin? 3 beses na akong tumilapon sa bike ko dahil sa kaka-cut nila. Yung isa kong daliri e hanggang ngayon, hindi pa maayos.
Dapat markahan maigi ng MMDA kung saan lang pwedeng magbaba/magsakay ng mga pasahero para malaman ng mga private drivers kung kailan sila dapat mag-slow down para walang aksidenteng mangyari kapag magbababa o magsasakay yung mga Public Transport Vehicles AT DAPAT isuspinde ang lisensya ng mga lalabag para maturuan ng leksyon! Aba’y iyang mga yan ay kahit saan nagsasakay at nagbababa. Madalas nga’y sa gitna pa ng lane, o mas malala, sa gitna ng KALSADA. Hindi man lang gumilid. Balasubas. Maganda kung mahigpit na ipinagbabawal ang pagbaba at pagsakay sa hindi tama’ng sakayan at babaan. Kapag nagkasubukan, baka lumuwang ang mga kalsada sa rami ng mga masususpinde’ng pasaway na drivers.

Doon naman sa mga naka-motor na mahilig mag-cut, dapat sa mga yan kapag nakaaksidente, isuspinde agad ang lisensya. Hindi matututo ‘yang mga iyan hangga’t hindi naparurusahan. Malakas pa ang loob nila’ng makipag-away kahit sila ang mali. Barumbado talaga.

Ako, nagtatrabaho ako ng maayos bilang bike courier dahil gusto ko ng trabaho’ng environment friendly. Lunes hanggang Viernes, nasa mga kalsada, nagpipidal ng hybrid mountain bike para magdala ng mga sulat at packages na legal, syempre. Iyo’ng mga magsasabi dyan na walang kwenta ito’ng suhestiyon ko, gumawa kayo ng sa inyo at tingan natin kung uunlad ang Pilipinas dahil sa inyo. Sa mayayama’ng bansa, hindi uso ang patintero sa mga kalsada, syempre. Doon sa mga magsasabi na ano’ng karapatan ko e nagbabasa ka ba? ARAW-ARAW AKO’NG GUMAGAMIT NG MGA KALSADA!

Ay, teka. Yung mga motorista’ng naaksidente sa labas ng motorcycle lane (kapag meron ang isa’ng main road), dapat bahala na siya sa pang-ospital niya AT SANA yung mga pulis dyan e ginagawa ng maayos ang trabaho nila! Hindi iya’ng pa-easy easy na nagiging dahilan kung bakit nawawalan ng ngipin ang batas. Walang disiplina ang maraming pinoy sa kalsada, ganun rin yung mga pulis na dinadaan lahat sa “pa-lagay” or “lagay” system.
Muli, mainam o DAPAT markaha’ng maigi yung mga kalsada. Yung mga puti’ng linya sa gilid (border lines), dapat gawing penalty lines. Nawala na nga ang potensyal ng ibang main roads dahil sa mga nananakop ng kalsada na hindi naman umaandar o hindi man lang umuusad ng mabilis, katulad nu’ng mga palakad-lakad lang. May sidewalk naman, pero hindi roon naglalakad. Susme… Pero kung kita’ng-kita naman na may problema nga sa side walk, unawa na lang. Siguro, iyon lang iyo’ng dapat pagbigyan/ palampasin.

E ako kapag naglalakad ako sa gilid ng kalsada, may distansya sa borderline. Natuto lang ako kase muntik na akong mahablutan ng pera noo’ng highschool ako. Take note, nasa gilid pa ako ng kalsada. Mula noon, lalo akong gumilid. O di wala akong naaabala’ng motorista o biker. Yung magsasabi diyan ng “ikaw na”, itigil mo yung kakasabi nyan dahil nonsense yan. Madalas ay kung paano manalita o kung ano yung ginagaya’ng salita ng isa’ng tao ay nahahawa siya sa ugali ng nagpauso ng kataga. Mag-research ka. Tingan mo. Hindi yung puro “weh” ka diyan. Para ka’ng ignorante.
May naalala tuloy ako, pero hindi eksakto. May narinig ako dati na nagsabi’ng, “Para sa ikauunlad ng bayan, DISIPLINA ang kailangan” at iyo’ng, “Para sa ikauunlad ng bayan, BISIKLETA ang kailangan.” Sorry kung hindi ko maalala kung sinu-sino yung mga nagsabi nun. Luma na e. Pero, oo nga. Kung gagayahin ng isa’ng mahirap ang isa’ng mayaman, may pag-asa siya’ng umunlad. Yes, alam ko’ng mainit rito sa Pilipinas, pero kung lagpas 20 KPH ang patakbo mo sa bike at nakabalot ka’ng maigi sa mga covers, hindi ka maiinitan. Malamig nga e. Pawis man, pero malamig pa rin sa pakiramdam. Pero, it’s your choice pa rin kung gusto mo’ng makabawas sa contribution ng pagka-polluted ng Pilipinas. May parating na energy crisis nga raw e. Mainam kung bibili na ng solar panels at generator iyo’ng mga may kakayaha’ng bumili.

Sa madali’ng salita, yung mga gusto ng pagbabago pero ayaw magbago, hayaan natin sila’ng mabulok.

Saka, kung magaling talaga’ng manggaya ang mga pinoy, bakit hindi nila ginagaya ang batas trapiko o kalinisan ng mga mayayama’ng bansa?

Ayan pa yung nakakaasar na kaisipan ng maraming Pinoy na kapag naka-bike ang isang tao e mabagal lang dapat ang patakbo. Ano ba nama’ng – … Seryoso? Bawal ba magpatakbo ng bike na lagpas sa 25 KPH? Bawal ba magpatakbo ng matulin ng hindi gumagamit ng makina at gasolina? Pambihira’ng kaisipan yan. Saan galing iyan? Paano uunlad ang tao’ng hindi nagtitipid ng pera?

Wala pa po ako’ng tao na nabangga gamit ang bike. Maganda ang preno ko.

Yung mga Filipinos na nasa Europe dyan, paki-kuwento niyo naman po sa mga inosente rito yung bike and traffic rules diyan at ng matuto sila. Mainam kung magsa-suggest rin kayo kasi nasasaksihan niyo iyo’ng mga gawi ng mga tao’ng disiplinado.

Sana, yung mga pedestrian na inosente, tumawid na lang kayo kapag naka-stop lahat ng mga sasakyan sa isang lane. Hindi iyang sesenyasan niyo na mag-slow down yung mga nagbabyahe. Nakakaabala kayo talaga. Tapos, meron pa dyan na galit kapag sinabihan mo ng “hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo.” Batuhin kaya kita ng plastic bottle at ng maramdaman mo’ng mali ka? Inabala mo yung may makina’t gulong kahit binusinahan ka na.

LUMINGON PO SA KALIWA’T KANAN NG KALSADA BAGO TUMAWID, PWEDE?
HINDI IYA’NG SA IISA’NG PANIG NG KALSADA LANG NAKABALING ANG TINGIN KUNG AYAW NIYO’NG MASIGAWAN!
Saka yung mga hindi marunong lumugar sa tama’ng lane, dapat hinuhuli yun. Overtake ng overtake, nakakaabala sila tuwing e-exit na sila sa main road.

Lastly, dun sa mga may kasalanan kung bakit baku-bako ang mga kalsada, paki-ayos naman po. Mahirap masiraan ng sasakyan o bike at mahal ang mga parts! Parang wala kayo’ng utility vehicle na inaalagaan dyan a?

Hindi talaga nakakatuwa yung mga humiling ng pagbabago noo’ng mga nakaraa’ng eleksyon, pero ayaw naman makisama.

Dapat kapag GO signal na, WALA NG TATAWID!

It’s not fun cycling nor driving in most of the Philippines’ roads if you are a disciplined cyclist / driver.

“Kung gusto mo ng kaayusan sa kalsada, maki-isa ka sa mga maayos. Hindi ‘yang nanonood ka lang mula sa sidewalk.”

road map photo
Photo by The U.S. National Archives
road map photo
Photo by mynameisharsha

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.