An Appeal for Para Sa Bata

Hello to DF fans,

By this time, alam nyo na po siguro na may Filipino charity na kasali sa Chase Community Giving. Ang Para Sa Bata ay US based charity na ang mission ay magpasaya at tumulong sa mga batang nangagailangan sa Pilipinas. Lahat po ng members ng charity na ito ay volunteers, lahat po kami (except for our Manila chapter members) ay US immigrants na nabubuhay ng maayos dito sa US. Ayaw ko na po sanang sabihin ito, pero dahil sa maraming Pilipino ang hindi nagtitiwala, wala pong mapupunta sa amin na kahit anong singko sa mapapanalunan. Lahat po yan ay gagamitin para idonate sa ibat ibang charities, schools or organization sa Pilipinas. Pumunta po kayo sa website namin www.parasabata.org, makikita nyo yung contact info namin, nandyan nakasulat yung address pati personal cell phone namin para pwede nyo kami icontact kung meron kayong tanong, makikita nyo rin dyan yung past events namin, at past donors na willingly nag bigay ng donasyon.

Kakaiba itong competition na ito kasi po we never had to ask people to believe in us, pero nung nag start kasi ito, sinabi ko din sa sarili ko na gagawin ko lahat ng makakaya ko para maipanalo ang batang Pilipino. Kaya ito, last resort na, nanawagan ako sa inyo, sa 700,000+ fans na makakabasa nito. Kailangan lang po ng 5,000 boto para maging top 5, kailangan ng 20,000+ boto para maging first place. Sobrang outnumbered natin sila kung tayo lang ay makakaisa.

Maraming salamat po.

Dona Lontok Alvarez
Founder of Para Sa Bata

P.S : Sa mga gusto po magcheck ng legitimacy of the charity org as well as it having a tax-exempt 501 status, pls check “Para sa Bata” at: http://www.irs.gov/app/pub-78/ For those in the US, you know it’s hard to get this status.