AMAZING PEOPLE! H&W para sa DFKI Balik Eskwela ‘2017

Hindi lubos maisip ng aming Bigo samahang pampamilya na Hot & Wild na maisasakatuparan ang simpleng proyekto na Balik Eskwela para sa Definitely Filipino Kalakal Iskolars na pinangungunahan ni Mommy Joyce.

Ang pamilyang H&W? ay hindi mabubuo kung wala ang makamasang Founder na si Ms. Rose na sinimulan pa ang Hot & Wild na grupo mula sa aplikasyon na Wechat tatlong taon na ang nakalilipas. Nagkaugnay-ugnay ang humigit kumulang na dalawandaang kasapi ng samahan mula sa aplikasyon na pang selepono na kilala sa pangalang “Bigo Live“. Paunti- unting dumami dahil sa panghihikayat ng mga magagaling na admins at kasapi ng samahan.

Mula sa iba’t ibang panig ng mundo dala ng makapangyarihang internet ay nagkakila-kilala ang mga manggagawa mula sa Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, Taiwan, Turkey, Malaysia, Philippines na kasapi sa grupo. Sadyang walang libo-libong milya ang makahahadlang kung paghasik ng kabutihan ang paiiralin.

Ngunit hindi lamang sa dami ng bilang kami may maipagmamalaki kundi sa taglay na solidong katapatan at pusong nagmamalasakit sa lahat ng oras para sa pagkakaibigan ng bawat isa.

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”, kantang napakinggan ng isang dating kakilala ni Mommy Joyce na si Kikay na miyembro ng H&W?ang biglang napaisip at sinubukan hikayatin si Ms. Rose at mga miyembro na magkaroon ng proyektong Balik Eskwela.

Dahil na rin sa likas na kabutihan at ang tanging layunin na nais maisakatuparan ng bawat isa ang makatulong ay sinubukan pasukin ang pagbibigay ng simpleng kasiyahan ay nakakataba ng puso ang matagumpay na nakalikom sa higit pa sa inaasahan ang tulong na maiaabot para sa apatnapu’t tatlong DFK Iskolars.

Sadyang hindi mawawala ang mga mabubuting Pinoy kahit saang panig man ng mundo. Kahit kaunting halaga ay hindi nagdalawang-isip na ipamahagi pa kahit na sapat lamang din ang salaping kinikita.

Mabuhay ang mga kasapi ng Hot and Wild-Bigo Family na binigyan ng importansya ang salaping pinaghihirapan na hindi sa kung anu-anong luho sa buhay ang inuna subalit ay binigyang pagpapahalaga ang pagkakaroon ng maalwan na panimula para sa mga munting anghel ngayong darating na pasukan.

Salamat Hot and Wild? family para sa mga ngiting busilak na hindi matutumbasan ng kahit ano pa man at sa mga walang katapusang pagpapasalamat mula sa mga kabataan na natulungan.