Alone

Maraming standing-alonetaon na ang lumipas, kumusta na kaya ang mga dati kong kaibigan, oo “dati” kasi tila nakalimot na daw ako, wala na kaming komunikasyon, yung iba nakakasalubong ko pero hanggang ngiti nalang kami sa isa’t isa wala na ang dating maingay kung magkamustahan, maraming taon na nga ang lumipas, tila lahat nagbago na..

Nagabago na daw ako, totoo naman nagbago na ako, hindi na ako kasing hina ng dati, medyo kumapal nadin ang mukha ko nakakatawa nga kapag naaalala ko ang dating ako, grabe sobrang mahiyain ko, Pero Masaya dahil madami akong kaibigan na kahit papaano nagpapalakas ng loob ko… pero sa paglipas ng panahon, sa pagiging abala para sa pagtupad ng mga pangarap, maraming bagay ang nakakalimutan, mga tao mula sa nakaraan na naging bahagi ng pagbuo mo ng iyong pagkatao…

Maraming beses ko ngayong tinatanong sa sarili ko kung ano na nga ba ang nangyari, bakit ko hinayaang mawala sakin ang mga taong nakapagpasaya sakin, mahalaga sila pero masiyado yata akong naging kampante na hindi sila mawawala kaya kahit sa text ay hindi ko magawa na kamustahin noon, ngayong heto nakikita ko nalang ang mga litrato nila sa facebook, Masaya at magkakasama sila ako nalang ang wala pero hindi nila nabanggit, yun nalang ang natatanging paraan para makausap ko sila pero nauunahan na ako ng hiya dahil narin sa tagal ng panahon na hindi ko sila nakakausap.

Noong may pagkakataon akong makausap sila hindi ko ginawa, ngayong wala na, saka ako sinusubok ng pagkakataon, ang mga dating kinaiinisan kong uri ng makakasama, sila ang kasama ko ngayon at saka ko nalang napagtanto na iba sila sa dati kong mga kaibigan, mas nararamdaman ko ang pag iisa kesa sa presensya ng mga kasalukuyan kong kaibigan, mas naiintindihan ko na ang mga tunay kong kaibigan ay nasa nakaraan na maaring hindi ko na maibalik ng dahil sa pagiging makasarili ko. Ngayon ko nararamdaman ang pag iisa dahil wala na ni isa akong matatakbuhan para sa mga problema ko, wala na…

Totoo nga ang mga kasabihang saka mo lang maappreciate ang mga taong nasa paligid mo kapag nawala sila sa’yo. Huli na nga ba ang lahat?

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.