Alamat Ng Itlog Na Maalat

(Photo Credit: choosephils)

(Photo Credit:  choosephils)
(Photo Credit: choosephils)

Isang inaheng manok ang malapit ng maglawal ng kanyang itlog, nasa gitna na siya ng kanyang pag ire ay may bigla na lamang sumulpot na asong ulol at ginambala ang kanyang pag ire. Tumalilis ng takbo ang pobreng inahen pinipigil na wag munang mailuwal ang nasa sinapupunan nyang itlog.

Nagtago sa likod ng puno ang inahen para mailuwal na niya ang itlog ngunit sadyang malakas ang pang amoy ng aso. Natunton muli sya kaya muling nagambala ang kanyang panganganak ng itlog.

“kapit lang itlog, kapit lang….. ililigaw ko lang ang asong ulol na ito ng mailuwal na kita.” Heto katagang binibigkas ng inaheng manok habang lumuluhang tumatakbo. Pinipigil ang paglabas ng itlog.

 Ngunit ‘di na niya kayang pigilan ang paglabas nito. Sa may damuhang natutuyot na mabilis niyang hinalukay ang lupa upang doon ilabas ang kanyang itlog at ng mailabas na niya ito ay tinabunan niya ito ng lupa upang hindi ito makain ng asong ulol. Habang lumuluhang tinatabunan ang itlog upang maitago sa asong ulol ay siya naming dating nito na tumutulong nginatngat ang kaawa awang inahen. Naghalo ang luha at dugo sa lupa kung saan nakabaon ang itlog ng inahen. Ilang minuto lang ang lumipas luray luray na ang katawan ng pobreng manok at ang dugo at luha nito na dumaloy sa kanya ay nasipsip ng lupa. Pagkatapos niyon ay umalis ang asong ulol na nagtagumpay sa balak niyang pag paslang sa inahen.

At ang itlog na nakabaon na nadiligan ng luha at dugo ay nanatili sa ilalim ng lupa. Hindi na muling na halukay ng kanyang yumaong ina.

Ilang linggo ang lumipas ng may magsasakang na ligaw sa damuhan. Sa di mawari ay kanyang naisipang hukayin ang lupang kanyang kinatatayuan at ng kanya ng mahukay ito tumambad sa kanya ang isang itlog. Nagulat siya kung bakit may itlog doon. Iniuwi niya ang itlog at kanyang nilinis upang mawala ang putik na nakakapit dito at ng malinis na ito muli siyang nagulat pagkat kulay pula ang itlog. Muli niyang nilinis ito nagbabakasakaling muling bumalik sa kulay puti ang kulay ng itlog ngunit nabigo siya. Dahil sa pagod niluto na lamang niya ito. Nilaga niya ang itlog. Pagkaluto ng itlog ay kanya itong binalatan at kinain. Nagtaka siya pagkat ang lasa ng itlog ay maalat at isang mahiwagang tinig ang kanyang narinig. Mula sa pagong umuusok lumabas ang imahe ng isang inahing manok. Ang manok na namatay na nag mamay ari ng itlog na kinain ng lalake at ito ay nagsalita…..

“Ang kinakain mo ngayon ay ang itlog kong nadiligan ng luha at ng aking dugo na aking ibinaon sa lupa ngunit sa kasawiang palad ay di ko na nakuhang muli pagkat ako’y nasawi. Bilang tanda, palaganapin mo ang tatak naming mag ina gamit ang kulay ng itlog na yan at tawagin mo ito sa pangalang itlog na maalat.”

6 Comments

  1. Galing po Sir ahh.. 🙂 heheh! buti naman at hindi nagulat yung matanda nang narinig niya ang tinig..

Leave a Reply

Your email address will not be published.