Alaala ng Studio 23

1/16/2014 1:21:15 PM
http://www.myxph.com/

Sa totoo lang, mula noong kalagitnaan ng nakaraang dekada lang ako mas nakatutok sa Studio 23. Siguro dala ng pagkahumaling ko nun sa panunood ng mga collegiate league sa Kamaynilaan tulad ng UAAP at NCAA.

Samahan mo pa ng mga palabas na banyaga na dati rati ay laman ng Channel 2. At pati ang mga locally-produced na programa na ganun din. Pati nga yata yung Family Rosary Crusade ay kasama din dun eh.

Naalala ko pa nga kung gaano kaastig ang chemistry nila Ryan Agoncillo at Bianca Gonzalez sa Y Speak. Sa totoo lang, kung ang ANC ay may “Square Off,” ito yung masa version. Pero “masa” in a sense na hindi gaguhan ang laman. Siguro nung nawala ito, (at isama mo na rin ang Debate sa GMA7), naging basura na rin ang pamamaraan ng pakikipagtalo sa panahon ngayon, lalo na’t mahahalata mo yans amga forums at post sa Facebook.

Naalala ko nga na may mala-Misfit segment nun si Ramon Bautista sa Gameplan. Pati yung Stoplight TV. At ultimo ang Strangebrew.

Pero kung datingan kasi ang usapan, tiyak na naalala ang Studio 23 dahil sa coverage nila ng UAAP at NCAA nun (until napunta sa TV5 ang pagcover ng NCAA noong 2011).

At sino pa bang makakalimot nun sa “Wazzap Wazzap,” ang comical news show nila Vhoing Navarro, Toni Gonzaga, at Archie Alemania? Parang nabuhay ang dating Sic O Clock News sa WW, e no? Or kung mas mapagmasid ka, sa CQC ng Argentina.

At oo nga pala? Ang Usapan Lalake? Kahit two years lang nagtagal ang programang ito sa ere, aba, isa kaya ito sa mga palabas para sa mga… ehem, tunay na lalake.

Kung tutuusin, ang talagang target audience ng channel 23 nun ay ang mga kabataan, at halata yan sa mga slogan nila…

Click here to read the entire article.

Author: slickmaster | (C) 2013 september twenty-eight productions

 

 

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.