“Ako ang Nakikita; Ako ang Nasisisi …” (A Teenager’s Woe)

Photo by bngdesigns via Pixabay

Dear MJ,

Naiirita ako sa kantang iyan ni Manong Freddie Aguilar! Kasi naman relate na relate ako sa Estudyante Blues niyang kanta. Hate na hate kong marinig ‘yan kasi feeling ko ay ako ‘yung kumakanta eh.

17 na kasi ako, pero hanggang ngayon (mula pa noong elementary ako) hindi na ako nakalaya sa kantang ‘yan. Halos araw-araw kasi na almusal ko’y sermon (actually, kami ng mga kapatid ko; tatlo kami at bunso ako). True na true po na kapag nangangatwiran, ako’y pinagagalitan, ayaw man lang pakinggan…hayyyy kaasar po talaga! Pati sa simpleng away naming magkakapatid, parang ako lagi ang mali. Parang sila lagi ang pinapanigan. :((

Hindi rin po ako pinapayagan sa mga birthdayan, reunion, gala mode kahit pa isama ko ang ate ko na lampas 18 na. Pagkagaling sa school, diretso na sa bahay kasi sermong umaatikabo kapag nagpaabot ako ng dilim; meaning dapat by 4 o 5 o’ clock ay nasa bahay na ako. Minsang lumampas ako ng 7 pm, dahil nagmiryenda pa kami pagkatapos ng activity namin sa school, nakuuu…. sermon at muntik na akong masampal nang nagtatangka akong magpaliwanag.

Naiinggit tuloy ako sa mga kaklase at mga kaibigan ko na nagpopost ng mga gala pictures nila; hindi kasi ako nakasasama. Ayaw ko namang nagka-cutting classes para lang makagala kasi masaya naman ako sa pag-aaral ko. Matataas naman kasi ang grades ko. Kaya lang, minsan parang gusto kong magrebelde kasi nagpapaalam na nga ako nang maayos, nauuwi pa sa sermunan. Bad trip lang lalo!

Photo by Antranias via Pixabay

Kaya po ang ginagawa ko, nagkukulong na lang ako sa kuwarto kapag walang inuutos. Nakatatamad din kasing tumulong sa bahay kasi wala namang incentive. Pakiramdam ko nga, hindi nila ako mahal. Hindi nila ipinae-enjoy sa akin ang kabataan ko eh.

Kung maglalayas po kaya ako, magbabago sila ng ugali sa akin? Baka kasi mas bigyan nila ako ng kaluwagan at pang-unawa kung mawawala muna ako sa kanila, Momj. Help naman po. :((

From:

Emenem boy

– – – –

Dear Emenem,

Naku, ilang anak-anakan kong kabataan ang nagkaroon ng ganyang-ganyang problema sa kanilang nakaraan. Siguro, natural na sa mga teenagers ngayon ang mag-emote kapag hindi pinapayagang makipag-gala mode with their friends? ^_^

Anyway, Emenem, gaya ng sinabi ko sa kanila noon, kapag bata ka pa, sa isip, mas limited ang sakop ng pananaw mo. Ang mahalaga kasi sa isang kabataan ay lawakan din ang pananaw at pang-unawa at huwag magpadalus-dalos sa emosyon. Ang nakikita n’yo kasi ay ang kabiguang nararamdaman n’yo at hindi ang kapakanan na iniisip ng inyong mga magulang. Dinaanan ko rin iyan; emoterang tago nga lang (wala pa kasing Facebook noon, hahaha) Ngunit one time ay may nabasa ako tungkol sa ganyang kaso na may pagkaistrikto ang mga magulang at nagrerebelde ang mga anak. Eh lalo pa ngayon na napakarami nang gimik styles for entertainment; naku, kaliwa’t kanan ang mga lakad na gustong gawin ng mga kagaya mo, ‘di ba!

Kaya lang, puwede ba kitang dalhin sa anggulo ns kung saan mas makikita mo ang iyong pagiging “luckier than most” status?

Photo credit: The Happy Feet AdvenTours

You’re luckier than most kasi:

‘yung ibang kabataan ay walang magulang na nangangalaga at nag-iingat sa kanila. Maraming nangagkalat na kabataan na walang tahanang mauuwian at kung saan-saang sulok na lang humihiga kapag nais magpahinga; marurusing, payat, sakitin. Ikaw, you have a home and a family who loves you and takes care of you.

may mga kabataan na hindi nakapag-aaral at napipilitan na lamang magtrabaho upang mabuhay nila ang sarili, pero ikaw binigyan ng pribilehiyo na makapag-aral at mapaghandaan ang iyong kinabukasan.

may mga kabataan na puwersahang pinagtatrabaho na ng kanilang magulang kahit sa murang edad at ginagawang mga ala-kalabaw na umaararo sa bukid ng kamunduhan. Well, from your story, looks like you have a sheltered life and you don’t have to work in order to eat and go to school, ‘di ba?

may mga kabataan na hinahayaang tumambay kung saan-saan, umuwi kung kailan nila gusto at hindi nila namamalayan na nag-iiba na pala ang values nila. May mga napahamak pa nga dahil sa sobrang kalayaan (early pregnancy/nakabuntis, napatrobol sa peer groups, nalulong sa drugs at alcohol, school dropouts). Pero ikaw, pinangangalagaan ka nila upang hindi ka maging exposed sa possible temptations ng mundo ng kabataan. KASI MAHAL KA NILA (hindi man nila iyun masabi sa iyo). Teenagers kasi can be very prone sa influence ng peer groups, at malamang, ayaw nilang matikman mo ang mga bagay na maaaring magdala sa iyo sa kasiraan ng sarili.

Regarding sa iyong hinaing about “ikaw ang nakikita, ikaw ang nasisisi, ikaw ang laging may kasalanan…”

Hmmmm, baka naman mayroong mga bagay kang nagagawa na hindi kaaya-aya kaya ganoon?

Sometimes kasi, dapat tinitignan rin natin ang ating sarili at hindi puro ang iniisip nating kamalian ng iba.

Alalahanin mo, pag-aaral lamang ang pinoproblema mo samantalang ang iyong mga magulang ay nagsisikap na patuloy kayong kumain, mabuhay at mapag-aral pa. Idagdag pa riyan ang pagsisikap na mapalagay kayo sa ayos. Pero tao rin lang sila, hindi perpekto; maaaring may mga pagkakataong mali sila sa mga salitang nabibitawan, maaaring nakasasakit sila sa inyo minsan, BUT…ikaw kaya hindi rin nakapagbibitaw ng salitang hindi maganda? Baka naman hindi rin maganda ang iyong pananalita, tono o facial expression? It takes two to quarrel kasi. Hindi kukulo ang dugo kung walang nagpapakulo, ‘di ba?

Meanwhile, try mo ito.

Focus on the positive things in your life, anak, and avoid dwelling on negative thoughts. Ang paglalayas ng anak ay hindi kailanman solusyon sa ganyang suliranin sa pamilya. Maaari mo pang ikapahamak ‘yan! Sa dami ng mga krimeng nangyayari sa mundo, malamang sa alamang na takot ang iyong mga magulang na mapahamak ka. You’ll see na mas mae-enjoy mo ang buhay mo when you learn the proper atttitude and approach in your life. Hindi kawalan sa buhay mo ang mga gimiks; try mong gawing masaya ang family life n’yo.

Smile more, laugh more with your family. Kilalanin mo nang mas malalim ang iyong mga magulang at kapatid. Iwasan ang envy at selos. Enjoy what you have. Kapag napatunayan mong mature ka na at kaya mo nang i-handle ang sarili mo, palagay ko, unti-unti ka na ring papayagan na minsan ay maki-join sa friends mo. You have yet to prove to them na responsible teen ka na.

Photo by giselaatje via Pixabay

AND…improve your vocabulary, ‘nak. Halimbawa, change “sermon” to “pangaral.” Pag gising sa umaga, pangaral ang almusal bago pumasok sa eskuwela. ^__^

Kapag natutunan mo nang tignan, kilalanin at harapin ang iyong sariling mga pagkukulang bilang anak at kapatid… ibig sabihin nagma-mature ka na. Kapag hindi mo pa iyan magawa, anak, siguro idownload mo ang awit ng Apo Hiking society na “Batang-bata ka pa” at siya mong gawin song of your life. I-let go mo na ang estudyante Blues ni Ka Freddie! ^_^

This is for you pero version ni Chiro. Kunwari kinakantahan kita! hahaha

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman; buhay ay ‘di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang, makinig ka na lang.

Goodluck, Eminem!

DF Yours

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!