Akin Ka Na Lang Muli (Part 1)

(photocredit:crazyazzwomen.blogspot.com )
(photocredit:crazyazzwomen.blogspot.com )
(photocredit:crazyazzwomen.blogspot.com )

Magulo ang mundo ni Lualhati  nang gabing makilala niya si Alain. Nag-away kasi sila nang kanyang asawa. Lasing na naman kasi ito. Dahil sa madalas pagbantaan ng asawa ang babae ay hindi ito makatulog.

Bumangon ito at binuksan ang computer. Wala siyang hilig makipagchat ngunit nang gabing iyon ay nilibang niya ang kanyang sarili na pumasok sa isang chat site. Hindi man siya nakikipag-usap wala sa sariling binabasa niya lang ang bawat mensaheng lumalabas sa screen, kung ano ang pinag-uusapan nang mga tao roon.

Nabigla siya nang biglang may lumabas na window na may mensahe para sa kanya. Una hindi niya ito pinansin dahil sa tinatamad din siyang magtype. Ngunit ewan kung bakit nakita niya ang sariling sinasagot ang bawat tanong nang kanyang kausap.

Sinabi nito sa kanya kung asan siya at napag-alaman niyang pareho pala sila nang probinsya. Naging tapat naman siya sa pagsasabi kung asan siya. Kung ano ang trabaho niya at kung saan iyon.

Malapit ka pala sa bundok kung saan nandoon ang benguet mining” sabi ni Alain sa kanya.

“Paano mo nalaman?” tanong niya.

Kasi po nakatingin ako sa mapa”, sagot ng kausap sa kanya.

“Military ka ba? Ang alam ko lang naman na may comprehensive map ay ang military. Dito kasi makikita ang lahat nang kung anuman na instalasyon kasama ang bundok, ang mga ilog ang sapa at lahat na yata na gustong makita nang isang tao?” tanong ni Lualhati.

“Pulis po”, sagot ng kausap.

“Ahhhh nasa himpilan ka pala nang mararangal”, pabirong sabi naman ni Lualhati.

“Ikaw, Saan ka ba connected”?, tanong din nang lalaki.

“Alipin nang bayan, kung ikaw ay nasa himpilan nang mararangal, ako naman ay nasa himpilan nang dapat maging marangal’, pabirong sagot ni Lualhati.

Nakapalagayang loob niya ito, naging totoo sa pagbibigay nang impormasyon, nagtiwala sa isa’t-isa at namalayan na lang nilang mag-uumaga na.

Nalaman ni Lualhati  na kaya pala halos nakipagsabayan sa kanya si Alain sa pagpupuyat dahil duty officer ito.

Sino nga ba si Alain?

Siya ay anak din ng isang teacher at sa edad na trenta y siyete ay binata pa.

Tinanong niya ito kung bakit ganoon, Takot daw siya mag-asawa at sa responsibilidad. Hindi niya na pinakialaman kung ano pa man ang mga rason nito sapagkat nakita niya na lamang ang sarili na tumatawa sa mga birong sinasabi sa kanya ng kausap nya.

Umaga na nang mag-paalam sila sa isa’t-isa. Dahil sa magkalapit lang halos ang lugar, nagpalitan sila ng numero nang kanilang mga celphone.

Hi, salamat sa pagtitiwala, text ni Alain na may kasamang emoticon.

At napangiti si Lualhati…..

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.