Akin Ka Ka Na Lang Muli (part 3)

(photocredit:crazyazzwomen.blogspot.com )
(photocredit:crazyazzwomen.blogspot.com )
(photocredit:crazyazzwomen.blogspot.com )

Para silang pumunta sa isang pagtitipon na hindi imbitado, ngunit kumakain. Nakakatakot sa pakiramdam na baka mahuli ngunit ganoon pa man exciting.Para rin silang mga batang tumatampisaw sa batis, masaya, malaya walang inaalala. Panahon iyon ng anihan, masagana, punong puno ng kasiyahan. Iyon ang pakiramdam ni Lualhati  ng mga oras na iyon.

“Happy?”, narinig niyang tanong ni Alain sa kanya.

Nabasa niya sa mga pocketbook o kaya sa komiks, napanuod niya rin sa tv o pelikula na kadalasan pagkatapos ng pagtatalik madalas nga itanong ang katagang iyon. Hindi niya sukat akalaing maririnig niya rin.

“Oooo Opo”, pautal nitong sagot kahit medyo natagalan.

Naramdaman ni Lualhati na importante pala iyon, importante pala ang nararamdaman niya. Niyakap siya ni Alain nang mahigpit.

“I love you bhe:, kanyang narinig.

Parang may bikig sa lalamunan ni Lualhati. Gusto niya mang sumagot ngunit walang boses na namutawi sa kanya. Hindi naman humingi ng kasagutan si Alain, bagkus ay sinuklay suklay nito ng mga daliri ang kanyang buhok. Pinaunan siya nito sa kanyang braso. Naramdaman niya ang seguridad sa piling nito.

Ngunit alam niyang bawal.

Tiningnan ni Lualhati ang kanyang relos. Nakita niya na alas tres na ng hapon. Dali-daling bumangon si Lualhati at pumasok sa banyo. Naglinis ng sarili. Parang inaalis ang ebidensya ng pagkakasala.

Nagbihis sila ng walang imikan. Si Alain naman ay nakatingin lang sa kanya habang nakaupo sa harap ng tokador. Nagsuklay si Lualhati sa harap niya ngunit kinandong ito ni Alain at hinalikan.

Magic nga talaga ang kiss.dahil naramdaman ni Lualhati ang pakiramdam na sana si Alain na lang.

“Magkikita tayong muli”, narinig niyang sabi ni Alain.

“Opo basta hindi tayo mahuli’, narinig niya ang sarili niya na sumagot nang wala man lang pag-aalinlangan.

“Dadalhin kita sa lugar kung saan hindi tayo makikita, sumama ka lang uli sa akin”, paniniguro ni Alain sa kanya.

Nag-ayos sila ng gamit. Lumabas sila na magkahawak kamay patungo sa kung saan nakapark ang motorsiklo. Hinatid siya nito sa bus terminal. At sa kalagitnaan nang kanyang biyahe isang text ang kanyang natanggap.

“Aswang ka nga”

“Salamat sa trust na binigay mo sa akin”….dugtong pa nito

Oo nga, nagtiwala pala talaga siya sa isang lalaking hindi niya pa lubos na kilala ngunit pakiramdam niya sa sarili ang pagkamulat niya sa kakaibang relasyon ay ang pagkamulat niya rin na

Puwede rin pala siyang magmahal uli….Pagmamahal nga ba kaya talaga iyon? Habang nasa bus, iniisip ni Lualhati  ang mga nangyari.Instant,nagkaroon siya nang kabit.

Kabit dahil siya ay may asawa ngunit si Alain ay binata.

Itutuloy …

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.