After All These Years

move-onIt’s been 5 years now. Naaalala ko pa noong huli kita makausap. Ang sabi ko tapos na ang lahat sa atin. Ayoko na, ayoko nang maging number 2 sa buhay mo. Gusto ko nang maging mapayapa, gusto ko nang maging masaya. Limang taon ang nakalipas, pagkatapos ng lahat, noong nakita kita sa mall sa may Pasay, nasabi ko na lang sa sarili ko na, I am free.

 Malaya na ako, sa iyo, sa ating naging pag-iibigan, wala na akong nararamdaman. Pero hindi ko idedeny na naroon pa rin ang mga masasayang alaala na biglang bumalik, kasabay ng walang humpay na sakit na dulot ng bawal nating relasyon.

Nakamove-on na ako, at proud ako doon.

Noon, akala ko’y hindi ko na kaya na mawala ka, masakit, napakasakit. Pero sa bawat luha na lumabas sa mga mata ko, at sa mga araw na hindi ko alam kung ano na ba ang susunod na gagawin ko, sa bawat araw na lumilipas na wala ka, nakaya ko pala. Hindi pala ako mamamatay pag nawala ka, kaya ko pa rin palang mabuhay. Hindi pala ikaw ang buhay ko, naging parte ka lang ng isang kabanata nito.

 Madalas akala natin hindi natin kakayanin pag nawala ang isang tao na kumukumpleto sa atin. Sa una, akala mo talaga hindi mo kakayanin, akala mo talaga permanente na ang sakit sa dibdib, ang pabalik balik na mga tanong at ang hindi matapos tapos na SANA.

Pero sa paglipas ng panahon, malalaman mo din na mali ka pala, na kaya mo naman pala. Oo, magkakaroon na sila ng permanenteng marka sa puso mo, sa isip mo at sa ala-ala mo, pero sa pagdaan ng mga araw, hindi na ang sakit ang pipiliin mo madama, kundi yung saya nung kasama mo pa sila. Sabi nga nila, hindi naman talaga nawawala ang sakit, nasasanay lang tayo dito.

 Nakita kita, hindi ko alam kung nakita mo ba ako. Pero sa pagtalikod mo kasama ng bago mong pamilya, alam ko, ngayon at sa mga susunod na panahon pa, hindi na sakit ang maiisip ko pag nakita pa kita, kundi yung mga aral na natutunan ko dahil sa pag-ibig nating minsang ipinagbawal nila.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.