Achluophobia (Kapitulo Tres)

“HAHAHAHAHA!” Halos magkakasabay pa silang tumawa nang mga ilang segundo akong hindi makapagsalita dahil sa paksyet na itsura nila. Aaminin ko, na-weirdo-han at natakot ako. For some reason, na-delay ang utak ko sa kalokohan nila. Hindi ko agad na-gets.  Ewan ko kung bakit.

“Ta****a mo mukha kang tanga!” Si Mia na halos mangiyak-ngiyak na katatawa. Palakad-lakad sila sa kuwarto habang tumatawa. May napapapalo sa pader, may nakahawak sa tiyan at meron ding nakatingala. Pinaka-nakakaasar na tawa kay Mon. Badtrip ako pero ‘yung tawa niya nakaka-p****na na nakaka-laughtrip. Gusto kong matawa pero gusto ko rin ipakita na nainis ako sa trip nila.

“Takot ka?” umakbay pa sa ’kin si Weng na maluha-luha na din kakatawa. Hindi pa rin ako gumagalaw sa puwesto ko mula pa kanina pagpasok ko.

“Ina n’yo!” Sabay isa-isa ko silang dinuraan. Nagtakbuhan silang lahat palabas ng kuwarto. Si Mia lang ata natamaan sa lason ko. Sa braso dumapo.

“YUUUCK! Kadiri ka!” sabay hampas sa likod ko. Pinunas niya ‘yung laway sa damit ko. Duduraan ko sana siya ulit pero nakaamba din siyang dudura. “Ano? Ano? Duraan?”

“Yoko, asido laway mo e.”

“Kapal. Yung sa’yo nga amoy tae.”

“Mas malala pa din sa’yo, haller?”

“Baho ng trip mo gagu!”

“Edi wow.”

Nagpasukan na ulit ‘yung iba sa kuwarto. Matawa-tawa pa rin sila sa kalokohan nila. Si Sisa halos maubo-ubo na. tawa pa rin nang tawa si Weng na halos hindi na makahinga. Ako? Muntik nang mapikon. Kaso pinanindigan kong ‘wag mapikon. Gawain ko rin mang-asar e, bawi-bawi lang.

Nagsimula na rin kaming mag-ayos-ayos ng mga bagahe at ‘yung tutulugan. Pinuwesto ko agad ‘yung bag ko sa pader kung nasa’n ‘yung bintana. Ayokong malapit sa pinto. Ayoko ding nakikita ‘yung view sa bintana. Basta, ayoko dun. Ayoko rin sa gitna at ayoko ‘yung nagagalaw ako pag umiikot sila habang natutulog. Kaliwa’t kanang hilik ‘yun pag nagkataon.

“O, dito ko mamaya a,” sabi ko habang nilalabas ko ‘yung mga gamit ko sa bag.

“Bakit? Takot ka?” Si Weng. Inuurong nila ni Sisa ‘yung mga kahon papunta sa bandang likod ng pinto.

“Porke dito puwesto takot?”

“Ba’t ayaw mo sa pinto?”

“Ba’t hindi ikaw?”

“Ayoko e.”

“Ayoko din e.”

“Bogaloyds wala kang katabing chicks pag diyan ka natulog. Ako tatabi sa ’yo, sorry ka na lang,” sabat ni Mon-Mon. Tinabi nito ‘yung bag niya sa bag ko.

“Chicks? Sino?”

“Ay p*tsa ganun?” sabi ni Mia sabay rumampa-rampa siya na parang model. Sinundan naman siya ni Weng. Inaantay ko si Sisa gumaya, pero tumawa lang. “Sinong chicks kamo?”

“Bakit? Chicks ka ba?”

Nag-catwalk siya papalapit sa ’kin sabay hila sa damit ko. “Feeling mo oppa ka?”

“Oo. O-oppa-kan kita!” medyo natawa sila. Ambang susuntukin ako ni Mia pero umamba rin akong duduraan siya. Tumakbo naman siya agad sa likod ni Mon-Mon sabay make-face. Wala ka pala e.

“Ambaboy mo talagang g*** ka! Pag nauna kang natulog mamaya duduraan ko bibig mo ‘pag nakita kitang nakanganga.”

“A ganun? Gusto mo ng babuyan a? Sige. Lalagyan ko ng kulangot bunganga mo tapos kikiskisin ko ‘yung singit ko tapos ipapahid ko sa ilong mo.”

“AMBABOY TALAGA! S***T! KADIRI!” tawanan kami. “Mag-bromance na lang kayo ni Mon, pa***et.”

“Inggit ka?”

“Ano’ng nakakainggit dun?”

“Wala kang katabing oppa.”

“And so? Dito ko sa dulo pupuwesto ‘no? Baka manyakin niyo pa kong dalawa.”

“Hanep. Assuming,” si Mon-Mon.

“Muka mo! If I know may crush ka na din sa’kin.”

“Okey, okey tulugan na. Usap-usap na lang mamaya ‘pag matino na utak,”umikot sa’min si Mon habang pumapalakpak. Nakipalakpak na din ako.

“Nyay nakisali.”

“Pake mo?”

Dirty finger lang sagot niya sa ’kin.

“Diyan ka na talaga?” tanong ni Sisa kay Mia. ‘Yung pupuwestuhan niya mamaya ‘yung tinutukoy niya.

“Hindi no! Mamaya may humila pa sa ’kin diyan. Bungad pa naman ako,”

“Weak ka din pala e,” sabi ko.

“Ikaw na dito, Mon, para dulo-dulo lalake. Nakakahiya naman sa ’ming mga chicks,” sabi ni Weng habang nagpapagpag ng alikabok sa damit.

“P**sa naman, sinong chicks nga?”

“Bakit may iba pa bang babae dito? Unless bakla ka,” sabay irap niya sa ’kin.

“Oooooohhhh…” Halos sabay-sabay na reaction ng mga babae sabay palakpakan. Tinaas ko ‘yung dalawang kamay ko sabay d-finger.

“T**na di kita makakampihan diyan. Bahala ka sa buhay mo,” sabay labas ni Mon. Bitbit na ‘yung walis-tambo pagbalik. Hinagis sa ’kin na nasalo ko naman.

“Ano to?” tanong ko. Alam ko naman meaning nun pero para lang malinaw e gusto kong itanong bakit ‘ako’ ang magwawalis.

“Nag-aaral ka sa PUP tapos walis lang hindi mo alam? Nakakahiya naman sa scholar ng bayan,” si Weng. Natawa naman si Sisa at Mia. Padila-dila pa.

“I don’t know this thing because we use vacuum in our mansion, you know?” P**a ka kala mo a? 

“Hanep! Big word! Mansion! P**sa ‘yung laway mo nga amoy kanal may pa-mansion-mansion ka pang nalalaman! Magwalis ka na lang, sampalin ko pa esophagus mo e,” si Mia. Pu**ng ‘to, trip na trip ako ngayon.

“Ipalo ko pa sa dyoga mo ‘to e!”

“Ang manyak mo talaga! You’re so gross and maniac!”

“Pak si mama mo!”

“Pak kapit-bahay mo!”

“Pak si ex mong pinagpalit ka sa bakla!” tawanan sila. Kitang-kita kong namula agad ‘yung mukha ni Mia sa sinabi ko. Naghahalo ‘yung pagka-badtrip at natatawa sa facial expression niya. Niyakap naman siya ni Weng habang hinihimas sa likod.

“First personal foul, Cesar Asar. Two free-throws for Melanie,” sabi ni Mon-Mon na kunwaring may hawak na bola sabay pasa kay Mia. Tinuro ako, sabay senyas na ‘patay ka’. Nagpipigil ding tumawa ang mokong. Nahalata din niya yatang napikon ang tropa.

“Walang ganun, pu**a. Personalan e,” si Weng. Nakatingin lang sa ’kin si Mia, napikon na nga. Plastik ‘yung ngiti. Kabisado ko na ‘yung ganung mukha. Ganun talaga siya maasar pag nababanggit ‘yung ex niya.

Totoo, iniwan si Mia ng ex niya dahil sa bading. Well, bisexual. Wala din naman kasing nakakaalam na bisexual din pala si Aries (ex ni Mia). As in, hindi halata. Kaya nagulat kami nung isang beses umiiyak si Mia. Kaya pala nag-aya uminom, binreak siya. Ayaw pa niya sabihin ‘yung reason nung una. Pero nung nalasing, dun na siya nag-confess. Nung una akala niya daw bespren-bespren daw sila nung lalakeng laging kasama ng ex niya. Basta ang pakilala, bespren daw since high school. Siyempre nung una okey-okey lang kay Mia. Tapos naghinala na siya. Ayun, confirmed na nga. Nahuli niyang nag-kiss nung minsang dinalaw niya sa bahay. Dun na umamin si Aries. Yun din ‘yung reason kung bakit ayaw nang tumanggap ng manliligaw ni Mia. Na-trauma. Alam ko malapit na silang mag-celebrate ng first anniversary nun. Pero okey na rin, atlis maaga niya nalaman.

Maraming manliligaw si Mia, pero lahat ‘yun pinrangka niya. Walang in-entertain. Pag nararamdaman na niyang nililigawan o pinopormahan na siya, sinasabihan niya agad ng ‘tibo ako, chicks din type ko’. Pero syempre joke niya lang ‘yun. Kaso, yung joke e mabilis na kumalat sa campus. Akala tuloy ng iba, tibo nga siya. May naniwala, meron ding hindi. Madami din naman kasing nakakaalam ng love story nila nung Aries. Hindi nga lang happy ending.

“Mag-sorry ka naman, uy. Kawawa naman ang tropa pinaalala pa e,”

Guilty din naman ako at nakonsensya kaya lumapit na rin ako para amuhin si Mia. “Sorry na po…” sabay yakap sa kanya. Hindi naman siya nag-react. Nakatingin lang siya sa ’kin. Ganun pa rin ‘yung ngiti. Nag-high-five ako, sinagot din naman niya ng high-five pero slowmo.

“Pag asaran, asaran lang kasi. Personalan e,” Sabi ni Mon. Siya na nagwalis. Si Sisa naman nagsalansan ng mga maliliit na kahon.

“Uy…sorry na,” pinisil-pisil ko ‘yung pisngi niya. Dinuro-duro ni Weng ‘yung mukha sabay alis sa tabi ni Mia.

“Sige na, sige na. Okey lang,” sagot ni Mia. Halata sa boses ‘yung pagkapikon.

“Wala na, na-badtrip na ang tropa,” si Sisa.

“Sige, gatungan mo pa. Sipain kita,” sabi ko. Kinuha ko ‘yung kanang kamay ni Mia sabay pisil-pisil. Ewan ko, dala ng kamanyakan e bigla kong hinalikan ‘yung kamay. Kaso biglang hila din. Sayang.

“Nagso-sorry na e, nangmamanyak pa e,” sabi niya sabay kuha ng bag. Papunta na kasi sa ’min si Mon kaya tumabi na rin kami. Wala nang nagsalita. Gumawa pa kasi ako ng eksena, kups din kasi ako minsan. O madalas. O lagi. Ewan.

Kanya-kanya na kami ng puwesto nang ‘medyo’ malinis na namin ‘tong kuwarto. Lahat nakasalpak na sa pinagdikit-dikit na maninipis na mattress, karton at kumot na medyo amoy alikabok. Sa dulo malapit sa pinto si Mon, katabi si Weng, na katabi si Mia at katabi si Sisa. So bale nasa kanan ko si Sisa. Okey na din. Atlis hindi mabunganga katabi ko. Kalmado na rin si Mia, hindi na yata badtrip. Ang maganda sa babaeng ‘yun e hindi naman nagtatanim ng sama ng loob pag napikon. Minsan siya pa una mag-a-approach. Kaya minsan, naaabuso ko rin.

Si Mon ang may pinakamataas ang pride. Daig pa ang chicks kung makaasta. Ang hirap amuhin. Minsan isang linggo kaming hindi pinansin. Paano ba naman kasi, napagtulungan namin siya minsan nung pauwi na kami. Nabulol ata siya sa sinabi niya, tapos nagtawanan kami. Ewan ko dun, dinamdam. Bigla na lang hindi namansin. E weakness niya si Mia. So, si Mia rin ang naging tulay namin para magkabati-bati ulit. Kaya minsan hindi ko siya mabiro. Madali ma-offend. Maigsi ang pasensya.

Eto namang katabi ko, ni minsan hindi ko pa yata nakita napikon kahit isang beses. Kahit pinagtutulungan na namin siya, hindi talaga naaasar. Ikaw ang maaasar sa kanya kasi hindi siya mapikon-pikon. Either tatawanan ka lang niya o hindi niya papansinin pang-aasar mo, kahit personal na. Wala lang. Parang wala lang talaga sa kanya ‘yung asaran. Minsan babanatan ka pa niya ng pantangang sagot. Slow talaga.

Ang mahirap kaasaran, si Weng. Hindi magpapatalo. Asaran kung asaran. Siya lang yata ang pumapalag madalas sa pang-aasar ko (minsan si Mia, na madalas e madali ding pikon gaya kanina) at hindi siya titigil kapag hindi rin ako tumigil. Minsan tumitigil na lang ako kapag nagbubunganga na siya. Yung nag-ala-megaphone na ‘yung boses. Kairita na.

“Wala kong signal,” si Weng. Sa wakas at may nagbukas na rin ng dialogue. Nung mahiga na kami, wala nang kibuan. Lahat tutok sa cellphone. ‘Yung tugtog sa cellphone ni Mon naman ang background music namin. Mga acoustic love songs. Lullaby.

“Mahina sa ’kin, one bar lang. Pawala-wala pa.” Si Mia sumagot. “Ayaw din nga mag-send ng text ko e.”

“One bar lang din sa ’kin,” ani Sisa.

“Buti nga kayo one bar. Ako wala talaga,” si Mon. Wala din akong signal. Kahit half bar.

“Sino ba tine-text mo, ateng?” tanong ni Weng kay Mia.

“Parents ko, as usual. Di pa ko nagre-report e.”

“Haaneep….parents. Ang tanong, parents nga ba?” nakisawsaw na ko.

“Oh, oh, ‘yan na naman a. Tapos mamaya drama-drama na naman,” si Mon.

“Okey na ko, naka-recover na. Epal ka din e. Pag-aawayin pa e.”

“Ganyan nga yan.”

“Kotongan ko kayong dalawang mag-love team.”

“Selos?”

“Bakit magseselos?”

“Selos nga ‘yan.”

“Feel na feel mo naman, gunggong,” sabay tawa ni Mia. Medyo natawa din si Sisa na busy ang daliri sa cellphone. Naka-recover na nga si Mia. Nakakapagbiro na e.

Hindi pa rin ako nakakapag-text sa ’min na nandito na nga ako sa Bulacan. Kabilin-bilinan pa naman ni mama na mag-text agad pagdating dito. E anong magagawa ko, walang signal. Kahit yata magdasal ako dito hindi pa rin magkakaron. Utang na loob pa. Sabagay, nasa liblib nga pala kami.

Hindi ko alam kung ako ang unang nakaidlip sa ’min. Naalimpungatan ako, naiihi. Chineck ko ‘yung oras, mag-a-alas-kwatro na. Sinilip ko sila, mga tulog din. Naghihilik pa si Weng at Mon. Duet pa. Maya-maya tumayo na rin ako diretso ng banyo. Halos maihi ako sa gulat nang salubungin ako ng pusa pagbukas ko ng pinto. Napa ‘p**a’ ako nang malakas. Gulat ako e! Hahabulin ko sana ‘yung pusa kaso mabilis nakatalon sa bintana. Ki***ang ‘yun, papatayin pa ko sa nerbyos!

cat in the dark photo
Photo by Tiomax80

Tulog pa din sila pagbalik ko. Medyo masakit sa likod ang higaan kaya naupo na lang ako, sumandal sa pader. At dahil wala namang signal para mag-check ng FB e nag-games na lang ako. NBA 2k17. Pero bago pa ko magsimula maglaro, nakarinig ako ng mahinang sutsot. Isa pa. At isa pa. Mahina, pero dinig ko. Kahit humihilik ‘yung dalawa naririnig ko ‘yung sutsot. Tiningnan ko sila isa-isa, baka pinagtitripan na naman ako. Mga tulog naman. Mga nakanganga pa nga maliban kay Sisa na nakatakip ng panyo ang bibig.

Umulit ang sutsot. Isa pa. At isa pa. Kinukuha talaga atensyon ko nito, p**a.

Nilapag ko ang cellphone. Sinaylent mode. Pinakiramdaman ang paligid. Tinalasan ang pandinig. Parang may dumaan na malamig na hangin banda sa batok ko. Nagtaasan ang balahibo ko, pati sa braso.

Antay. Antay. Antay. Wala nang sutsot. Hilik na lang ang naririnig ko. Napatingin ako sa pinto, nagulat ako. Bumalik ‘yung pusa. Umupo sa tapat ng pinto, nakatitig sa ’kin. Kinilabutan ako. Sa takot ko, binato ko siya ng unan. Pero imbes na pusa ang tamaan, si Mon-Mon. Buti sa balikat tinamaan. Kaso, nagising ko ata.

“P**a naman natutulog e…” sabay talikod. Nakaharap na siya sa pinto. Napamura siya nang makita ang pusa. ‘Yung pusa naglakad lang nang mabagal paalis. Nagising na din ‘yung iba.

“Ingay…” si Weng.

“Ano ba ‘yan?” si Mia.

“Ki***na nung pusa nagulat ako,” sabi naman ni Mon. Nakadapa na ‘yung posisyon niya. “May nambabato pa ng unan.”

Tumingin si Mia at Weng sa ’kin. “Sorry. Natakot din ako dun sa pusa kaya binato ko. Si Mon nga lang tinamaan.”

“Anong trip mo?

“Yung pusa nga babatuhin ko lang dapat…”

“Ba’t mo nga babatuhin? Inaano ka?”

“Wala. Sige na, tulog na kayo ulit…” saka ko dinampot ‘yung cellphone. Ayokong magkwento tungkol sa sutsot at put***ng pusa na ‘yun at baka tawanan pa ko nitong mga ‘to.

“Adik ang p**a. Pati pusa papatulan.”

Hindi na ko kumibo. Walang epekto sa ’kin yung pagkainis nila. Hanggang ngayon kasi iniisip ko ‘yung narinig ko. Pati ‘yung biglang sulpot ng pusa.

May iba talaga sa bahay na ‘to, promise.

 

*              *              *

“Lahat na lang tayo para makagala na rin. Ano dito lang tayo tatambay? Gala-gala din ‘pag may time…” sabi ni Weng nang magkayayaang lumabas para mamili ng uling. Tatlo lang sana kami nila Weng at Sisa ang lalakad kaso inaya na din sila Mon at Mia na ayaw lumabas. Tinatamad daw maglakad-lakad. Hindi naman sana kami bibili ng uling kung ‘di lang naubos ‘yung gas ng kalan. Magkakape sana kami kaso wala nang gas. Buti nakapagluto pa kami kanina. Problema ngayon ‘yung dinner. Masisira ‘yung dala namin kung hindi lulutuin.

“Sumama na kasi kayo, KJ naman,” sabi ko.

“Uling lang bibilin kailangan lahat pa tayo?” si Mon.

“E ano naman? Ayaw ninyo maglakad-lakad?”

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.