Achluophobia (Kapitulo Singko)

“WAG NA MAGPATUGTOG!”

“Boring kaya…”

“Mag-headset ka mag-isa!”

“KJ ang p**a…”

“Tama na, daldal naman!”

“Eto kasi…”

“Ina mo!”

“Takot ka lang!”

Lumipat kami ng sala. Nakasalampak sa sahig. Iba na ang seating arrangement. Bale nasa gilid namin ‘yung mesa, nasa harapan ko ‘yung sofa. Nasa likod ko ang bintana. Sinadya kong huwag tumapat dun at baka may makita pa kong hindi dapat makita. Dito na itutuloy ang session. Walang may gusto na pag-usapan ‘yung narinig, pero alam ko natakot din sila. Lalo na ko. Parang equalizer na nga ‘yung tagay e. Minsan mataas, minsan mababa. Buti ‘di naman nila ako sinisita.

“Buksan na lang ilaw kasi, may nalalaman pang patay-patay e…” sabi ni Mia. Uupo na sana siya pero siya na rin ang nagbukas ng ilaw sa sala at kusina.

“Sino ba nakaisip?” tanong ko. Lahat kami napatingin kay Mia.

“Ayan na o, binubuksan na nga o,” sabay tawa at irap sa’min. Umupo na rin siya agad sa tabi ni Wendy at Mon.

“Tanong-tanong pa kasi…” si Wendy. Hindi naman nag-react si Mia. “Patugtog ka na, wala na ‘yun. Guni-guni lang.”

Inaayos niya ‘yung mga pulutan pati ‘yung lalagyanan nung yelo. Ipinatong sa basahan, nagtutubig na din kasi. Si Sisa naman nagtitimpla ng panibagong chaser. Kanina pa rin walang kibo. Biniro ko nga kanina, ngumiti lang. Si Mia ang halos speechless pagkarinig namin sa nakakatakot na boses (k**g i** nagtatayuan na naman balahibo ko), pareho sila ni Mon.

“Ibahin mo ‘yung tugtog, ‘yung medyo masaya,” Si Mon.

Dinampot ni Wendy ‘yung bagong bukas na Piattos. “P**a* ‘yung RNB nga kanina naingayan na ‘yung…”

“Sshh, sshh. T*ga i*a e mananakot pa e. Babanggitin pa e.”

“Sorry…” ngiting-napahiya sabay ‘peace’ sign. Ilalapag na sana ‘yung Piattos pero kinuha din agad ni Mia. Tinuro nito ‘yung speaker na malapit sa ’kin saka sinenyasang iabot sa kanya.

“Ikaw na magpatugtog. Puro love song tsaka RNB kanta ko e,” sabi niya sa ’kin saka ipinatong sa monoblock yung speaker.

“Anong gusto mo mag-Slapshock pa tayo dito? E ‘di lalong…”

“O, o, o, sinabi ng ano e. Nang-aano pa e,” putol ni Wendy sa ’kin. Hindi na ko kumibo. Tinagay na ni Mon ang shot. Ni-refill ko. Nilagok nang mabilisan. Sinalinan ulit sabay abot kay Sisa na pangiti-ngiti lang sa ’min.

“Para kang nakakaloko a. Pangiti-ngiti na lang a. Nami-miss mo ba si Basilio?” sabi ko pagkaabot ko ng shot glass.

“Di ka na nasanay diyan. ‘Lam mo nang hindi naka-unli bibig niyan e,” ani Wendy. Inagaw ulit ‘yung Piattos kay Mia.

“Ba’t di kasi mag-register ng unli-talk? Just text unli-daldal space fifty to two-three-six-six. May libre ka pang text sa ibang networks!” biro ko. Napangiti lang ang kausap. Parang tanga lang talaga. Ang sustansiya kausap kahit kailan.

“Ina n’yo ‘yung pulutan pinapak n’yo na!” sabi ni Mon.

Pinalo ko nang mahina sa hita si Sisa. “Wuy! Ano na? P**a malalasing na ko wala ka pa ring dialogue.”

Hinimas-himas niya ‘yung hitang napalo na para bang may germs ‘yung dumampi sa kanya. “Wala lang. ‘Kala ko kasi ako lang matatakutin dito.” Hindi nga pinansin joke ko. Sanay na nga.

“Natakot ka ba? Parang wala nga lang sa ’yo e,” tanong ni Mia.

Tumango si Sisa. Ngumiti ulit. “Sino ba namang hindi matatakot sa…”

“O, o, p**a* naman. Sinabi nang tumigil na e,” putol ni Mon.

“Eto kamo parang bakla. Ngawngaw nang ngawngaw. Bakit ayaw mong pag-usapan? E kanina pa nga tayo nagtatakutan,” singit ni Wendy.

“Hanep. Tapang a…”

“Kanina pa nga tayo nagkukuwentuhan ng nakakatakot, saka ka gaganyan.”

“Syumat ka na lang. Dami mo ring side comment e.”

“Wow. Sa ’yo pa talaga galing yan a?”

“Kanino na ba?” tanong ni Mon.

Nginuso ko si Sisa. “Kakabigay lang.”

“Bagal.”

“May lakad?” tanong ni Wendy.

“Anong oras na o? T**g i*a uumagahin na naman tayo e.”

“Okey na yun kesa tanghaliin,” singit ni Mia

“Korni mo.”

Hindi na siya nag-react. Nagsindi ng yosi, ibinuga ang unang usok sa bandang likod. ‘Yung iba kinausap yung pulutan. Ako naman, kanina pa pinipigilang huwag mag-isip ng nakakatakot. Pero hindi ko kaya. Automatic gumagawa ng horror scene ang utak ko. Pati tuloy si Sadako dumalaw na rin sa utak ko. Nagsa-summarize sila kusa sa utak ko, lahat ng nakakatakot mula pagpunta namin dito. Masyado silang marami. Parang ang sarap tuloy straight-in ‘yung empi.

Nagpatugtog na si Mia, mas malakas nang konti ‘yung volume kumpara kanina. Cellphone na ni Wendy ang ginamit. Hindi ako familiar sa kanta. Parang luma na. Pero okey na rin. Ayoko ng masyadong tahimik at baka may marinig na naman kaming hindi dapat marinig.

Tinagay na ni Sisa ‘yung shot, kasunod ang pagpulot sa pulutan. Naging mabilis ang ikot ng tagay. Maya-maya lang ako na naman sa-shot. Di ko alam kung side effect ng nangyari kanina. Pampakalma. O pampatapang. Either way.

Ikuwento ko na kaya ‘yung kanina?

Kaso eepal naman tong si Mon.

Wala nang topic e.

Bahala na nga.

Nagsalin na ko. Shot ko na, pero mamaya ko na iinumin. Inilapag ko sa tapat ng kanang tuhod ko ang baso, nasa kaliwa ang pitsel. “Lam n’yo kanina, nung binubuksan natin ‘yung pinto?”

Walang umimik. Nakatingin lang sila sa ’kin. Seryoso. “Kanina yung anino natin, sobra ng isa.”

“T**g i*a sabi ng tigilan na e…” si Mon ang unang nag-react. ‘Yung iba naman parang natulala lang. Hindi alam kung ano ire-react. Inaantay nila ‘yung punchline ng joke ko. Kung nagdyo-joke man ako.

“Seryoso nga. Kaya nga kanina tameme lang ako. Iniisip ko kung namamalik-mata lang ako o…”

“Guni-guni mo lang yun. Tinatakot mo lang sarili mo.” Si Mia. Nase-sense ko sa boses niya na gusto niya lang isipin ko na mali nga ako, pero at the same time e natatakot din siya.

“Buti sana kung guni-guni nga lang. Kaso hindi.”

“Ilan nakita mo? Pa’no mo nasabing sobra?” tanong ni Wendy. Sinosolo na naman ‘yung Piattos.

“Malamang anim. Lima lang tayo.”

“Sure ka?”

“Ayoko nga maging sure. T***** kinikilabutan nga ako e.”

“Syatin mo na ‘yan. Kulang ka lang sa alak,” sabi ni Mon.

“Bahala kayo. Basta sinasabi ko lang nakita ko.” Tumagay na ko. Mabilis. Nawala na ‘yung tapang nung alak. O namanhid na lang dila ko sa takot. Kahit yata hindi na ko mag-chaser okey lang. Sinalinan ko agad ‘yung shot glass saka nilapag sa harap ni Sisa.

“E ba’t kami ‘di namin nakita?” si Mia.

“Ba’t ‘di mo tiningnan?”

“Di nga nakita e, bubu naman neto.”

“Yaan mo na nga. Sana nga guni-guni lang.”

“Guni-guni mo lang talaga ‘yun. Gusto mo lang kami takutin e, kunwari ka pa…,” sabi ni Mon. Hindi na ko nag-react. Inalog-alog ang pitsel ng chaser saka sinalinan ‘yung baso. Inabot sa ’kin, inabot ko kay Sisa.

“Baka gusto n’yo ibahin ang topic no? P**a nagtatakutan lang tayo dito e,” awat ni Wendy.

“E ‘di ibahin mo.” Si Mia ang sumagot. “Takot ka rin pala e.”

“Ba’t ako?”

“Kelan ka pa naging paniki?”

Saglit na napaisip si Wendy. Sinabunutan nito nang mahina ‘yung katabi nung na-gets na yung joke sabay tawa. “Gaga ka ang korni mo!”

“Mas gaga ka, ang slow mo!” sabay tawa. Nagsabunutan silang pareho. Parang mga tanga. Senyales na may mga amats na.

“Guys, guys…” nagsalita na rin si Sisa. Natigil ‘yung dalawa sa harutan. Pag ganun na kasi yung opening remarks ni Sisa lahat kami napapahinto. Bibihira kasi siya gumanun. “Di ba kayo naku-curious kung sino yung Ka Andong na sinasabi ni Mang Hulyo?”

Saglit kaming natahimik lahat. Hindi ko rin alam isasagot. Pero kutob ko, kamag-anak nila prof yun. Baka tatay. O lolo. Wala naman siyang nakukuwento sa ’min na patay na mga magulang niya.

“Parang Don dito yun no? Ginagalang e. O kaya dating kapitan.” Si Wendy.

“E ‘di sana Don Andong tawag sa kanya,” sabi ni Mia.

“Duh? Nasa province of Bulacan tayo? And haller? Ang sabi ko ‘parang don’…”

“Dami mong alam…”

“Baka nga mayaman sila prof. Tapos sila may-ari ng mga lupa dito,” sabat ko.

“Hmm…pwede. Kita mo, etong bahay lang yata dito ang medyo maayos e. Yung iba puro kubo na,” sabi ni Wendy. Tumagay na si Sisa. Kay Wendy na ang tagay.

“Ako na?” tanong niya.

“Malamang. Kakatapos lang ni Sisa o…”

“Bilis ang p**a.”

“Lima lang tayo dito nagtataka ka pa.”

“Lima ka diyan. Sabi mo anim e.”

“Anino yun.”

“Yun na rin yun.”

“Bahala ka…”

Nagbukas ng panibagong pulutan si Mon. Chicharon ni Man Juan. Ayos. Nakabili pala sila nun. Peyborit.

“Meron palang ganyan e…” sabay agaw ko kay Mon. Hindi naman nag-react. Himala. Baka may amats na rin.

“Bilisan mo nga tumagay,” sabi ni Mon kay Wendy na busy kakatingin sa playlist.

“Inang ‘to ang takaw sa alak. Gusto mo ikaw muna…” inaabot nito yung baso kay Mon pero hindi naman kinuha.

“Baka tatay ni prof? O kaya lolo?” si Sisa. Pareho din kami ng inisip.

“Malay naman natin. Pero sabagay, pwede rin.” Si Wendy. Sinenyasan akong ipasa yung hawak kong pulutan. Kumuha muna ako ng marami bago ko pinasa. “Gagu ang p**a! Takaw!”

“Ulul! Ikaw nga ‘tong kanina pa namumulutan e.”

“Parang nakita ko kami kanina yung Ka Andong…,”seryosong pagkakasabi ni Mon. Natahimik kami bigla. Parang medyo nag-slowmo yung environment. Nakakatakot din kasi minsan magseryoso ‘tong si Mon. Pag seryoso, seryoso talaga. Wala kang mapapalang joke sa ending.

“Panong parang nakita mo?” tanong ko.

Isinandal niya ‘yung likod niya sa pader saka hinawakan ng dalawang kamay ang kanang tuhod. “Kanina nung lumabas ako para tingnan ‘yung kotse…may matandang lalake akong nakita dun sa likuran…”

Sabay-sabay napatingin sa bintana ‘yung tatlong chicks. Napatingin din kaming dalawa ni Mon.

“Bakit?” tanong ko. Pero mali yata yung tanong ko. Hindi ko yata magugustuhan ‘yung isasagot nila. Kinikilabutan na naman ako!

“Parang may dumaan…,” sabi ni Sisa.

“Anong parang may dumaan?”

“Basta parang may dumaan nga, mabilis lang e.”

Hindi ko na ma-absorb mga naririnig ko. Nahihirapan na ko gumawa ng conclusion. Una, bakuran ang labas. Kung may dadaan mang tao sa kalsada, malabo na. Malayo ang pagitan ng kalsada sa bintana namin. Pangalawa, kami-kami lang ang tao dito. Unless…

“Anong itsura?” ewan ko kung nagtatapang-tapangan lang ako o gago din. Kulit ng mga tanong ko e.

“Malay! Mabilis nga e. Tsaka hindi nga ako sure kung may dumaan nga…,” si Mia ang sagot. Halatang takot na ‘yung boses.

“Shot shot shot! Change topic na p**a!” umalis sa pagkakasandal si Mon. Tumayo. Sinara ang jalousie. “Tama na a? Inom lang.”

Mabilis na tumagay si Wendy. Tapos pinalitan niya ng medyo pam-party ‘yung tugtog. Napasindi naman ng yosi si Mia. Sunod-sunod ang hipat. Tiningnan ko si Sisa; wala naman ganung violent reaction. Casual. Parang wala lang. Sabagay, weirdo din ‘to e.

Ngayon lang nag-sink in sa ’kin ang pag-stay namin dito. Nasa ‘challenge zone’ nga pala kami. Challenge ni prof. Eto nga pala ‘yung sagot sa thesis namin.

At mukhang may sagot na nga.

Parang gusto ko nang pagsisihan na nasali pa ko sa grupong ‘to. Dapat talaga pumayag na kong sumama kila Rowell (kaso may utang pa ko dun). O kaya dapat umangal na ko sa napili naming topic. Yabang din kasi, gusto din maging bida-bida para magmukhang interesting at feeling matalino. Ngayon, para kaming mga eng-eng. Nagi-inuman sa gitna ng horror.

Naalala ko nun sabi ni Prof, ang takot o fear ay dumedepende lang daw sa iniisip ng tao kung paano nito ii-interpret ang isang panganib na parating, lalo na kung makakasakit o may pagbabanta. Gaya ng arachnophobia o takot sa mga gagamba, madalas hindi naman daw ‘yung pisikal na itsura nito ‘yung talagang kinatatakutan kun’di ‘yung puwedeng gawin nito sa tao. Kung nagbibigay nga lang daw ng suwerte ang mga gagamba, baka isa na ring ‘pet’ ng tao. Nung sinabi ko ngang acrophobic ako, hindi naman daw talaga ‘yung heights ang nagpapaparamdan ng takot sa ’kin. Yung takot na mahulog daw talaga ‘yun.

Image via Pixabay

“Class, ano ang unang pumapasok sa isip ninyo pag sinabi ang salitang takot?” halos kalalapag lang ni Prof ng mga gamit nun sa teacher’s table. Wala nang intro-intro. Isang bagsak na question mark agad sa klase.

“Sir, phobia!” mabilis na sagot nung nasa likod. Tumango si prof, saka niya tinuro ‘yung babae na nasa bandang harapan niya.

“Sadako!” tapos nilugay niya ‘yung buhok niya na parang kay Sadako. Tawanan lahat. Ngumiti lang si Prof.

“Anyone else?” nagsimula nang maglakad-lakad si Prof. Senyales na magsisimula na ang matinding discussion. Dahil mukhang nasa mood naman si Prof e mukhang uubra ang ibabanat ko.

“Sir, thesis!” malakas kong sinabi. Um-agree naman ‘yung ibang mga kaklase ko sabay palakpakan. Bida-bida na naman ang p**a. Tiningnan ko agad reaction ni Prof, inulit niya ‘yung ngiti niya kanina sabay inayos ang salamin.

“Ano ang dapat katakutan sa thesis, Mister Paguio?”

“Baka hindi daw pumasa, Prof!” sagot ng katabi ko. May kunwaring pagtawa pa saka ako tinuro-turo. Inambahan ko naman ng kotong.

“You all have long and enough time para ayusin at linisin ang thesis ninyo. Actually mas maaga nga ang preparation n’yo compare sa ibang class ko, so I guess wala akong nakikitang problema dun. Makes sense, right?” umalingawngaw ang medyo malungkot na ‘yes sir’ sa klase. Nagpatuloy si Prof. “Anyway, bakit tayo natatakot? Ano ang dapat nating katakutan?” pumwesto na siya sa bandang likod ng classroom malapit sa exit.

Walang nagtataas ng kamay. Feeling ko may mga sagot sila kaso lang natatakot na baka mali. Ganun din ako e, hehe.

Tinawag ni Prof si Mon. “Mister Capio, ano ang nakakatakot para sa ’yo?”

Napakagat pa ng labi si tanga sabay mabagal na tango-tango. “E…ang ma-fall sa maling tao.”

Palakpakan at tawanan. Umulan ng salitang ‘hugot’ sa klase. ‘Yung mga nasa likod ni Mon tinulak-tulak pa siya sa balikat. Yung iba naman umapir. As usual, ngiti lang reaction ni Prof.

“May pinagdaraanan ba tayo ngayon, Mister Capio?”

“Wala naman, Prof…” ngiting napahiya sabay kamot sa batok. Lumakad na ulit si prof papunta sa teacher’s table. Hinila ang upuan. Binuksan ang isang notebook.

“Anything else? ‘Yung walang kinalaman sa love life?”

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.