Achluophobia (Kapitulo Dos)

“…THE QUESTION IS, BAKIT HINDI LAHAT NG TAO NAKAKAKITA NITO? Bakit iilan lang ang merong third eye? Is it hereditary? What are the scientific basis of third eye? ”

 

Lunes ‘yun. Malamig ang panahon dahil sa malakas at tuloy-tuloy na ulan pero mainit ang klase. Akala nga namin magsususpindi na ng klase, ending tuloy ang lesson. Okey lang, ganda ng topic. All eyes kay prof. Actually hindi naman related sa lesson namin ngayon ‘yung tanong niya. Hindi rin assignment. May isang kaklase lang kami na curious sa multo-multo at third-eye kaya imbes na magklase e na-divert kami sa ibang topic (na-bored din ata sa lesson). Last week kasi may estudyanteng hindi na pumasok ever since nakakita daw ng janitor na lumulutang ‘yung paa sa CR. Until now ‘yun pa rin ang trending sa buong campus. Halos wala na nga nagsi-CR dun. Kung meron man kelangan grupo. Ewan kung totoong nagpatawag na ng pari para dun. Wala pa kasi akong nabalitaang pina-bless na ‘yun. Tapos nasubukan ko mag-CR dun last week, wala naman akong nakita. Solo pa ko nun. Lumulutang na tae lang. Kakatakot.

“Kayo prof may third eye?” tanong nung babae bandang kanan ko.

Ngumiti siya. Tiningnan kaming lahat saka tumango. “Yes. Kung ‘di ako nagkakamali since elementary student pa lang ako, grade three…”

“So nakakakita po kayo ng multo?” tanong ng katabi nung babae kanina. Isang mabilis na tango naman ang sagot ni prof.

“Dito po sa classroom meron?”

Nagtakutan ang buong klase habang nagbibiruan na meron na silang katabing multo. ‘Yung iba nagtuturo pa sa bandang likod ng classroom. Napangiti lang si prof saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kanto ng teacher’s desk. Agad din naman tumahimik ang klase.

“You know, class, it doesn’t matter kung meron man dito sa classroom o wala. The question is, naniniwala ka ba? Kung oo, dahil ba sa nakita mo o naramdaman mo lang? Or should I say BAKA dahil marami lang ang nagsasabi na meron nga dito? Which is which?”

Walang nakaimik. Masyadong masakit sa bangs ‘yung tanong ni prof. Kapag mga ganyang klase ng tanong e pinipili ko na lang sarilinin ang tanong ko. Minsan kasi pinapahamak ako ng sarili kong curiosity. Gusto ko sanang magpatawa kaso lang feeling ko mapapalabas ako ng klase ng wala sa oras.

Bagong professor lang dito sa PUP si prof. Pinalitan niya si Prof. Mendrano (matandang babae) na na-deds dahil sa breast cancer. Terror na prof si Prof. Mendrano at pasalamat na lang ako at hindi ko siya naabutan. Kwento-kwento na marami daw ang nagsyi-shift ng course sa takot sa kanya. Kaya pasalamat ako at bago na ang prof namin sa psychology.

Malayo daw sa dating prof ang prof namin ngayon. Kung terror ‘yung nakaraan, iba ngayon. Si Prof? Ismarte at sophisticated. Mukhang terror na hindi naman talaga. Hindi naman sya ganun kaseryoso kausap, hindi rin naman basta-basta pwede biruin. Sa pagkakaalam namin, nasa mid-twenties pa lang siya. Laging malinis ang gupit, barbers cut. Maayos at disente pumorma. Balita din naman, nagma-masteral daw sa UP. Love life? Wala kaming balita. Wala ring nasasagap kahit ano. Bukod dun, wala na siyang kinukwento tungkol sa kanya. Ang maganda sa kanya, hindi siya boring sa klase. Magaling at matalino siya magturo. Hindi uso sa kanya ‘yung mahabang sulatan sa white board. Nasa sa’yo kung magte-take notes ka o hindi. Every other day magpa-quiz. Pinakamalupit ‘pag Friday. Para ka na ring nag-exam sa long quiz niya.

third eye photo
Photo by Nicolas Alejandro Street Photography

“Mind’s eye. Inner eye. Sixth sense. Chakra. Ilan lang ‘yan sa iba pang tawag sa third eye,“ Pagpapatuloy ni prof. “Also, seat of the soul. ‘Yan ang tawag sa third eye ng French philosopher na si Rene Descarte. Naniniwala siyang sa third eye nagmi-meet ang isip at katawan ng tao. Significant point ng bodyscience at neuroscience. Maybe that’s the reason kung bakit meron tayong process ng consciousness, wellness at overall reality. Pwedeng sabihing gateway ang third eye ng religion at science. Sa theosophy, ang third eye ay related sa pineal gland, which is makikita daw sa likod ng ulo. Well, that was during ancient times. Sa ngayon, marami ang nagsasabing makikita ito malapit sa gitna ng utak. Hindi lang ako sure saan eksakto nakalagay dun.”

Nangiti siya tapos nagsimula na siyang maglakad-lakad sa bawat row. “So ano ba ito? Ito ay isang maliit na endocrine gland na nagpo-produce ng melatonin. Ang melatanonin naman ay isang hormone na nakakaapekto sa pag-modulate ng patterns ng tulog at paggising natin. Considering na ang pineal gland o ang third eye ang pinakamalakas at mataas ang source ng ethereal energy na available sa tao, importante ito para mag-initiate ng supernatural powers. Ganyan din ang side effects ng mga illegal drugs. Para kang may instant third eye. Hallucination. Pansinin ninyo ‘yung mga batang nagra-rugby sa kalsada ‘di ba? Kung ano-ano nakikita. Mga bagay na hinid nakikita ng normal na tao. Meaning, may mga bagay na mga high sa droga lang ang nakakakita. May mga illegal drugs kasing nagbibigay ng temporary melatonin sa tao. Anyway, kung familiar kayo sa anime na Ghost Fighter at Naruto, maiintindihan niyo ang theory ng third eye at kung totoo bang may supernatural power ba talaga ang tao…”

Umulan ng ray gun, kage bunshin technique at kung ano-ano pang superpower sa klase pagkabanggit na pagkabanggit ni prof sa anime. Natigil din naman sila ng sumeryoso na si prof habang sumesenyas na tumigil na kami.

“May mga bagay na hindi ma-explain ng science, at may mga bagay na hindi kayang i-explain ng religion. Like for example, may isang pasyente na may stage four brain cancer. Let’s just say, may halos seven weeks na lang siyang mabubuhay. After four weeks, nawala ‘yung cancer nung pasyente. Walang dahilan. Milagro. Basta paggising na lang ng pasyente, cancer free na siya. Nakuha sa gamot? Pwede. Dasal? Siguro. Ganyan din ang theory ng ilan sa third eye. Its just a matter of perspective, belief and philosophy. Maraming nagsasabing meron sila nito, pero marami din naman ang wala nito. But why? Pinipili lang ba ng Diyos ang mga taong dapat pagbigyan nito? Ano-ano ang mga katangian ng isang tao para magkaron nito? At para saan ang third eye?”

“Sir, totoo bang may mga technique para mabuksan ‘yun?” tanong ng nasa harap.

“Good question,” bumalik na ito sa teacher’s desk. “Well, according to some studies and theories, meron. Some exercises mentally and spiritually to open your third eye, like for yoga, meditation and some exercises na nangangailangan ng matinding concentration. For all you know, hindi lang naman para makakita ng mga supernaturals or paranormals ang gamit ng third eye. Actually para din ito sa health, to promote and absorb positive energy, which is holy spirit ang tawag ng religion. Naging stereotype na lang talaga ng tao na kapag bukas ang third eye, automatic nang nakakakita ng multo which I disagree. During ancient times, sacred ang usapin ng third eye. As time goes by, nahahaluan na ng iba’t ibang beliefs, philosophies, theories, etcetera. Which is why malawak ang studies at theories nito. Puwede nitong baluktutin ang paniniwala mo. Pwedeng gawing tama ang mali, at mali ang tama,”

“Sabi na nga ba e. Kailangan ko talaga ng third eye para minsan maging tama ‘yung pagkakamali ko sa ex ko…” hugot nung nasa harap ko. Tawanan ang klase.

*              *              *

“E KUNG HINDI PA DAHIL DIYAN SA THIRD-EYE-THIRD-EYE NA ‘YAN late na natin malalaman na bagsak pala ‘yung thesis. Tapos eto tayo ngayon, kumakain ng tanghalian sa Bulacan kasama ng pakbet at galunggong…” nakisawsaw na ko sa kwentuhan nila about sa thesis at etong ‘project’ kuno namin. Kakain na, ako ang huling umupo sa bilog na mesang gawa sa kahoy. Nasa kanan ko sa Mon, katabi si Mia. Sa kaliwa ko naman si Weng, na katabi si Sisa. Kanina nung nagluluto sila e pumitik-pitik ako ng video sa buong bahay. Pati sa labas kumuha na din ako para sure. Nasilip ko na nga ‘yung likod. Puro mga sako ng buhangin, mga kahon ng bote, at mga nalaglag na dahon at sanga. Tapos may parang altar dun, may lumang Sto. Nino e. Halos mabura na rin ‘yung mukha. Sira-sira ‘yung damit tapos kupas-kupas na din ‘yung pintura. May naiwan pang plastic na platito dun, nangingitim na din. Hinanap ko kung sa’n ‘yung lungga ng pusa, wala. Baka nasa kabilang bakod nakatambay.  Meron din akong nakitang lutuan dun gamit uling tsaka parilya. Pwede nang mag-ihaw. Sakto pulutan mamaya.

“Baka naman timing lang ‘yung announcement niya?” tumayo si Mia para sumandok ng kanin. Ubos agad ‘yung hinain, konti na nga lang nadampot ko. Sampung piraso ‘yung galunggong, sakto tigda-dalawa kami. Kinuha ko ‘yung medyo toasted, mas masarap kasi pag malutong ‘yung isda. Sumandok din ako sa pakbet. Kalabasa lang kinuha ko. ‘Di ko trip ‘yung sitaw at talong.

“Ganda naman ng timing.”

“Di ka kumakain ng sitaw?” Tanong ni Mon pagkalapag ko ng serving spoon ng pakbet. Siya naman ang kumuha. Umiling lang ako. Ngumunguya na ko ng medyo hilaw na kanin. “Ano ka kids?”

“Kumain ka na lang kaya? Pati pagkain ko pinapakelaman.”

“Choosy. Dapat pala puro kalabasa na lang binili natin.”

Edi hindi na pakbet ‘yun, gunggong. ‘Yun sana sasabihin ko kaso hindi na lang ako nag-react. Gutom na ko. Wala ako sa mood makipagdebate tungkol sa gulay.

“Two percent na lang boy, two percent na lang! Hindi pa pinasa ni prof, ang lupit talaga…” si Mia. Nagsisimula na rin kumain.

“Ang nakakapagtaka dun, bakit bagsak? Ang ganda-ganda ng topic natin a? Paranormal versus superstitions, what we don’t know about…” si Weng, may pasulat-sulat pa sa hangin. Nagulat pa ko sa lakas ng boses. Kahit kelan talaga. Sungalngalin ko ng sitaw bunganga neto e.

“Oo nga. Sa sobrang ganda e may extension ‘yung thesis. Look at this house. Look at us. Malay ko bang dito pala natin tatapusin ‘yung thesis natin…”

“Yung kila Sheila at Benjo muntik na din daw bumagsak. Seventy-five. Baka isang typo lang dun bagsak na rin ‘yun,” sabi ko. Binitawan ko na ‘yung kutsara at tinidor. Hindi ko ma-enjoy kinakain ko. Mas madali kumain ng naka-kamay.

“Ano nga ulit topic nila?” tanong ni Sisa.

“Personality disorders,” si Mon ang sumagot. “Bagay sa kanila, puro may mga personality problem ‘yung grupo nun e.”

“Tomo!” si Weng. “Lalo na ‘yung Benjo na ‘yun. GGSS ang puta.”

“Inaano ka ba ng k-pop niyang porma?” tanong ni Mia.

“Yun nga. Feeling koreano e mukha namang kwago!” tawanan. “Musta naman bangs niya? Para tuloy siyang naka-helmet.”

“Si Lee Pang Hi ‘yun e. Hilig mag-CR. Abnormal nga foot powder nilalagay sa mukha!” tawanan ulit. Si Sisa halos hindi malulon ‘yung nginunguya kakapigil sa tawa. Inalalayan naman siya ni Mia at inabutan ng tubig. Nung makainom saka nagsalita.

“T***na epic ‘yung foot powder, gagu ka!” tawanan ulit. Maluha-luha na si Sisa kakatawa.

“Malupit ‘yung kila Anjo. Suicidal ata ‘yun. Basta tungkol sa suicide,” si Weng matapos ang tawanan.

“Baka nagpaparamdam na kaya ganun ‘yung topic?” matawa-tawa pa din si Sisa. Napapasinghot na din.

“Malay. Pero sabagay, parang nagpaparamdam na nga. Hilig magdrama nun sa FB e.”

“Konting-konti na nga lang a-unfollow ko na ‘yun,” si Mon. Mas komedi talaga boses niya habang may laman ‘yung bibig. “Parang tanga nga. Puro mga kantang pang-suicide pino-post. Tapos ‘pag quotes pang-emo naman,”

“Oy ‘wag ka. ‘Yung thesis na ‘yun ang pinakamataas daw ang grades. Balita ko lang naman,” sabi ni Weng habang tinuturo nito sa’ken ‘yung supot ng plastic na baso. Kumuha ako saka inabot sa sa kanya. Inabot ko na rin ‘yung pitsel na may softdrinks. Nainggit ako kaya kumuha na rin ako.

“Sino nagsabi?”

“Narinig ko lang dun sa faculty, inutusan kasi ako ni prof dun,”

“E ano naman?”

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.