A Mother’s Sacrifice

mothersBakit kaya may mga anak na kayang tiisin ang kanilang ina? Mga anak na nagmamaldita sa nanay nila? Mga anak na hindi man lang kayang sabihan ng “Nay, I love you,” ang nanay nila?

Kahit man lang “Thank you ” ay hindi kayang bigkasin.

Inuuna pa ang pagbo-boypren kaysa mag-aral at nagdadabog sa tuwing uutusan ng nanay.

Nayayamot kapag pinagagalitan, hindi ba nila naisip ang hirap at pasakit ng nanay nila?

Kung naguguluhan ka, narito ako  lumapit ka at ipaiintindi ko sa ‘yo.

Buksan mo ang puso’t isipan mo, sigurado akong maghihilom ang anumang sugat sa puso mo.

Hindi ako nagmamarunong. Nais ko lang namang ituwid ang mali mong gawain at itama ang baluktot mong paniniwala, upang malaman mo ang salitang tama,

Kailangan pa bang lahat tayo ay maging ina upang maintindihan ang kanilang dinanas?

Kailangan pa bang isa-isahin ang lahat ng kanilang ginawa?

Huwag mo nang hintayin pa nahuli na ang lahat bago mo ipadama sa kanya na mahal mo siya.

Sabihin mo ang salitang “I love you at Thank you ” hanggat may oras pa.

Ngayong naririnig ka pa niya huwag mo nang hintaying hindi ka na niya marinig kahit sumigaw ka pa.

Yakapin mo siya nang mahigpit at iparamdam ang nararapat, dahil sa mundong ito walang ikaw kung walang inay na nagdala sa iyo sa loob ng siyam na buwan.

Mahalin mo siya dahil minahal ka niya nang walang pag-alinlangan.

Respetohin mo siya higit kanino man ….

Dahil ang siyam na buwang pasakit ng bawat ina noong tayo ay nasa sinapupunan pa nila sapat na dahilan upang gantihan natin sila ng pagmamahal.

Kung may mga ina mang nang-iiwan o nagpapaampon sa kanilang anak, natitiyak kong may matinding dahilan kung bakit nila nagawa yon.

Dahil naniniwala ako na ang ina bago bumitaw sa pagsubok ng buhay, natitiyak kong dumaan na sa maraming paghihirap at pagdurusa yan.

Ang ina hindi basta basta nagdedesisyon nang ganun ganun lang.

Maliban na lang doon sa mga inang nasa impluwensiya ng droga o kung ano mang bawal na gamot na nakuhang magpalaglag o magtapon ng fetus sa kung saan man.

Para sa kagaya ko na nakikita ko ang lahat ng sakripisyo ng nanay ko mabuhay lang kami, ang bawat minuto , bawat sandali ay mahalaga.

Huwag nating palampasin ang isang araw ng hindi tayo nagpapasalamat at nagsasabi ng, ” NAY, SALAMAT o NAY, I LOVE YOU. “

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9