A Letter From a Mistress

Writing letters (Photo credit: turtola.edublogs)
Writing letters (Photo credit: turtola.edublogs)
Writing letters (Photo credit: turtola.edublogs)
Writing letters (Photo credit: turtola.edublogs)

For you who loves him the most,

Alam ko na mahal mo siya, pero mahal ko din siya.

Alam ko na mas may karapatan ka sa kanya, pero paano naman ang nararamdaman ko?

Wala sa plano ko ang sirain ang pamilya niyo.

Hindi ko hiniling na iwanan niya kayo at sumama sa amin (tanggap ko).

Pumayag ako na maging pangalawa niya ako.

Nagsasama kami ng panandalian lang, at ayos lang ‘yun sa akin…

Kahit alam kong pagkatapos ng aming masayang oras ay uuwi na siya sayo.

Masaya ako kapag kasama ko siya, at masaya rin siya (sa nakikita ko).

Sinasabi niya na mahal niya ako at ganoon din ako.

Hindi ko alam kung hanggang kailan  itong nararamdaman ko.

Pero sana pagbigyan mo muna ako habang hindi ko pa kaya na mawala siya sa akin.

Gustong-gusto ko na siyang tanungin, kung sino ang mas mahal niya sa atin.

Pero ‘di ko ito matanong, dahil alam ko…

Alam ko naman kung sino talaga, alam ko,

Alam ko na mas mahal ka niya kaysa sa akin.

To the one I LOVE,

Mahal mo ako pero mahal mo din siya.

Ayos  lang ‘yun sa akin, alam ko naman sa simula pa lang.

Akala ko kaya kong takpan ng mga biro ang sakit na nararamdaman ko.

Akala ko kakayanin ko ng walang drama ang pagmamahalan natin.

Puro na lang tayo biruan.

Try naman natin pag-usapan kung ano na ba tayo.

Kung ano ba ako sayo at kung ano ka para sa akin.

Sobrang mahal kita, alam mo ‘yan.

Araw-araw kong sinsabi ‘yan.

At hindi ako magsasawa.

Mahal na mahal kita… sobra.

At hindi ko kayang isipin na magmamahal pa ako ng iba…

Tulad ng pamamahal ko sayo.

 

author: HatersGonnaHate

p.e./kf

2 Comments

  1. a friend once said, magmahal ka na lang wag ka nang magreklamo. another one said, wag gawing kumplikado ang buhay…

Leave a Reply to kengkeng Cancel reply

Your email address will not be published.