A Letter for my “Ex”

“If you love someone, let it go. If it comes back to you, it’s yours forever. If it doesn’t, then it was never meant to be.”

Dear Mr. X,

It’s more than a month since noong iniwan mo ako. I have not heard your voice since then, and even though I want to, hindi ko sure kung gusto mo pa ring marinig ang boses ko. Kamusta ka na nga pala? Balita ko tatlo ang girlfriends mo ngayon, kasama na dun yung babaeng naging dahilan ng pag-iwan mo sa akin. Di naman kita masisisi. I know, mahirap ang sitwasyon natin, LDR kasi tayo di ba? Tulad ng sabi mo noong huling pag-uusap natin, “Kailangan ko rin ng makakasama ng personal, ng mahahawakan, mayayakap at mahahagkan.” I know I weren’t able to argue with you at that moment na sinabi mo yan, nadala siguro ako ng pagka-shocked ko. Biglaan kasi. Parang noong pasko lang ang saya-saya natin, puro pa nga ang “I love you” mo sakin nun, tapos pagdating ng bagong taon, bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin…

Kahit ako rin naman, kailangan ko rin ng makakasama ng personal, ng mayayakap ng mahigpit, ng mahahagkan at mahahawakan. Pero alam mo? Kapag nangungulila ako sayo, kapag natutukso akong magloko… Lagi kong sinasabi sa sarili ko na mas kakayanin kong magtiis ng ilang taon ng walang kayakap, ng walang mahahagkan, ng walang makaka-date pag weekends – lalu na ‘pag Valentine’s… Mas kakayanin kong magtiis ng ilang taon na wala ‘yong mga ‘yon, kesa habambuhay kang mawala sakin.

Di ko ‘yan nasabi sayo noon. Kasi sabi mo aayusin mo ang lahat. Sabi mo babalik ka. Sabi mo hindi ka hahanap ng kapalit ko habang inaayos mo ang lahat. Araw-araw akong naghintay sayo. Maya’t maya ang check ko sa mobile ko kung nagtext ka na ba o tumawag ka na. Tuwing mag-oonline ang mga ate at kuya mo, dali-dali ko silang chinachat para kamustahin ka… para itanong kung nakapagdesisyon ka na. Siguro nga minsan, nakukulitan na sila, puro ako nalang kasi ang lumalabas sa inbox nila, puro ikaw nalang kasi ang bukambibig ko sakanila.

Ilang linggo ang lumipas, wala ka paring paramdam sakin noon. Unti-unti na akong natakot. Unti-unti na akong kinabahan kung babalik ka pa ba sa akin. Hanggang sa lumipas ang birthday mo, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Pinatayan mo pa nga ako ng cellphone noon, siguro dahil sa sobrang kakulitan ko. Ang dami ko pa namang plano noon para sa kaarawan mo, kaso, wala na eh…  wala na.

Dumating ang 19th monthsary sana natin, akala ko noon ka babalik sakin, para “romantic”. Naghintay ako the whole day, bawat minuto kong chinecheck ang mobile ko, kahit nasa klase ako noon, ilang libong milya ang layo ng isip ko… Hanggang sa natapos ang araw na ‘yon, ng wala akong natatanggap na kahit anong paramdam mula sayo. Noon na kita pinalaya, noon ko na na-feel na siguro nga, hindi ka na masaya. Siguro nga, wala na talagang pag-asa.

Mag-iisang buwan narin simula noong araw na pinalaya kita. Kinaya ko naman. Nakaya kong mabuhay ng wala ka. Nakaya kong mabuhay na wala yung araw-araw na lambingan natin, na wala yung lambing mo sakin. Kaya ko naman pala noh? Akala ko kasi hindi. Akala ko noon, mamamatay ako pag nawala ka , pero tingnan mo? Buhay na buhay naman ako. Humihinga. Ngumingiti. Patuloy na lumalaban sa bawat araw na akala ko’y haharapin ko ng kasama ka.

Balita ko, masaya ka naman sa buhay mo. Sabi nila lagi ka naman daw nakangiti at tumatawa. Masaya ako para sayo.  Masaya na akong malaman na masaya ka, kasi kasiyahan mo lang naman ang hangad ko. Kahit sinaktan mo ko at niloko, hindi ko parin maintindihan kung bakit hindi ko parin magawang magalit sayo. Hindi ko parin maintindihan kung bakit hanggang ngayon… Bakit hanggang ngayon e mahal na mahal parin kita? Sa kabila ng lahat ng sakit na binigay mo sakin, sa kabila ng lahat ng hirap, sa kabila ng lahat ng luha… Eto parin ako, umaasang dumating yung araw na bumalik ka at mahalin ulit ako.

Basta mag-iingat ka nalang parati ha? Sabi mo nga, kung tayo, tayo parin talaga hanggang sa huli. Hindi naman ako tumigil magmahal sayo. Maaaring tumigil ako sa pagpaparamdam, pero hindi mo alam, palihim ko paring sinusubaybayan kung anu nang nangyayari sa buhay mo. Patuloy parin kitang kinakamusta sa mga kamag-anak mo. Patuloy  parin kitang pinagbibilin sakanila na wag kang pababayaan… na ‘wag sana nilang pababayaan na maligaw ka ng landas. Matigas naman kasi talaga ulo mo, para kang bata, kahit na alam naman natin na sating dalawa e ikaw ang MAS matanda. Pero kahit ganyan ka, minahal parin kita, minahal parin kita ng higit pa sa alam ng iba.

Palihim nalang akong nagmamahal sayo. Palihim na nag-aalaga at pumoprotekta kahit na wala na akong karapatan para gawin ang lahat ng ito. Tinatanong nga nila, ba’t daw ba ako nagpapakatanga sayo ng ganito… Di ka naman macho o gwapo. Di ka naman mayaman o super matalino… Sabi nga nila, hindi mo deserve ang pagmamahal ko. Pero wala akong pakialam sa sinasabi nila. Ang importante sakin, yung sinasabi ng puso ko, yung nararamdaman ko para sayo. ‘Di ko rin naman kasi alam kung bakit kita minahal, o bakit kita ganito kamahal, basta’t ang alam ko lang, mahal na mahal parin kita… Mahal na mahal na mahal pa.

Hihintayin ko nalang sigurong mapagod ang puso ko. Hihintayin ko nalang sigurong magsawa ‘to sa paghihintay sayo. Bahala na si God. Bahala na ang Destiny. Basta, bahala na. Basta mamahalin lang kita. Kahit ang sakit-sakit na.

Bago ko tapusin ang liham na ito, gusto kong humingi ng favour sayo. Pwede ba, pagkatapos mong basahin toh, ipikit mo ang mga mata mo. Alalahanin mo lahat ng moments na kasama mo ako, mula sa first conversation natin, first date, first kiss, first hug… alalahanin mo lahat ng yakap at halik ko, yung pag-papacute ko sayo, yung mga sandaling tumigil ang mundo natin pareho. Alalahanin mo lahat ng pangako nating dalawa, yung bahay natin, yung mga baby natin, yung mga apo natin na pagkukwentuhan natin ng love story nating dalawa. At higit sa lahat, alalahanin mo yung sandali na nakayakap ako sayo, nangako ako at sinabi ko sayong… “Pag nakatapos na ako, uuwi ako. Hahanapin kita. Magpapakasal tayo. At gagawa tayo ng maraming maraming baby. Pangako.”

Hanggang dito nalang. Hanggang sa muli.

Patuloy na nagmamahal,

Ms. Y.

I know medyo confidential yung mga pinagsasabi ko dito, kaso di ko kasi alam kung paano sasabihin ang lahat ng ito sakanya, kaya ipinadaan ko nalang dito. Marami din sigurong makakarelate sa letter na ito… yung mga LDR couples diyan, yung mga babaeng patuloy na nagpapakamartir sa mga ex nilang niloko lang sila at iniwan… yung mga nagmamahal ng totoo. Kung sino man ang makarelate dito, wag kayong mag-alala, di kayo nag-iisa. Sama-sama tayong magpakatanga at magpakamartir, dahil malay natin, dumating yung araw na matauhan sila at bumalik ulit satin. 🙂

About binibiningclara

19 year-old Filipina living at the suburbs of London. I admit I'm not good at writing but it has always been my passion since I was a child. I write about my thoughts, emotions and ideas simply because I don't have anyone here to talk to, since I am in a foreign land. I'm hopeless romantic, I must say. I love the Philippines. I love being a Filipino, and I'll definitely go back there after I finish my studies. 🙂