A Letter for my “Ex” – Two Months After the Break-Up

“Sana tayo pa rin…

Sana tayo pa rin sa huli…..”

Dear Mr. X,

More than two months na pala ang nakalilipas simula noong iniwan mo ako.

Across the Miles  (Photo Credit:   Stargazer-lalitha.blogspot)
Across the Miles (Photo Credit: Stargazer-lalitha.blogspot)

Two months na ang nagdaan, at two letters na rin ang naisusulat ko para sa iyo, kahit alam kong wala ka pang nababasa kahit isa sa mga ‘toh.

Kamusta ka na nga pala? Alam kong okay ka lang naman. Araw-araw pa rin naman kasi kitang kinakamusta sa mga kapatid mo eh. Araw-araw pa rin kitang ipinagbibilin sa kanila, kahit alam kong paulit-ulit na lang. Kahit alam kong sobrang naiirita at nakukulitan na sila… kinakapalan ko na lang yung mukha ko, nilulunok ko na lang lahat ng kahihiyan at pride sa katawan ko kasi yun lang ang paraan para malaman ko kung ano na yung nangyayari sa ‘yo.

Sa dalawang buwan na nagdaan, aaminin ko na napakaraming nangyari. Napakaraming nagbago… maliban na lang sa pagmamahal ko sa ‘yo. Natuto na akong ngumiti nang hindi ikaw ang dahilan, natuto na akong harapin yung mga problema ko nang walang sinasandalan.

Natuto na kong mabuhay ng wala ka.

Maaaring masasabi nilang “naka-move on” na ako. Hindi na kasi ako nag-popost ng tungkol sa ‘yo sa FB ko. Hindi na ako nagtetext at tumatawag sa cellphone mo. Hindi na ako nangungulit. Hindi na ako naghahabol. Hindi ko na kayo inaantabayanan ng babae mo. Hindi na rin kita kinukwento sa mga kaibigan ko.

Pero yung totoo… kahit hindi ko ginagawa yung mga ‘yon, gabi-gabi, bago ako matulog… ikaw parin yung laman ng isipan ko.  Picture mo pa rin yung huling tinitingnan ko bago ko ipikit yung mga mata ko.  Nakakatawa mang malaman, pero patago ko paring hinahalikan yung picture mo sa cellphone ko, kahit mapuno yan ng laway ko, wala akong pakialam basta may goodnight kiss ako sa ‘yo. 🙂

Nakakatawa mang isipin, pero kinakausap ko pa rin yung picture mo, magmukha man akong baliw dito, wala akong -pakialam, yun lang kasi yung way para makausap kita eh. 🙂 Ikaw parin yung unang laman ng prayers ko bago ako matulog, pinagbibilin pa rin kita kay God… at lagi ko paring sinasabi kay God na mahal na mahal kita… na sana, ibulong Niya sa ‘yo yun, at baka sakaling maalala mo ang lahat…

Aaminin ko, madalas ko pa ring sinisisi ang sarili ko. Ba’t kasi ang layo-layo ko sa ‘yo. Ba’t kasi hindi ko magawang umuwi diyan kahit saglit lang. Ba’t kasi hindi na lang ako nagpa-iwan noong pasakay na kami ng eroplano papunta rito… Hindi ko tuloy mapunan yung mga pangangailangan mo… Hindi kita mayakap at mahagkan kapag kailangan mo ako…

Kaya ka siguro naghanap ng iba, kasi mas maibibigay niya yung mga pangangailangan mong pisikal. Pero hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal sa ‘yo, diba? Hindi naman ako nagkulang… Halos sayo na nga umikot ang mundo ko, diba? Halos lahat ng oras ko ay nailaan k0 para lang hindi mo maramdaman na malayo ako. Halos ibigay ko na nga sa ‘yo lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay. Pero ganoon siguro talaga. Siguro nga nahirapan ka lang talaga.  Siguro nga masyado mo lang akong na-miss kaya ka nagkaganyan.

Pero… akala mo ba ikaw lang yung nahirapan? Akala mo ba ikaw lang yung nangulila? Mas mahirap kaya yung ilang libong milya yung layo mo sa taong mahal mo… yung hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pera para may maipambayad sa ticket pauwi ng Pilipinas. Yung wala ka nang ibang maisip kundi yung lakarin na lang mula London hanggang Pinas.

Para lang mayakap yung taong mahal mo, para lang mahagkan siya… Para maayos at masagip yung pagmamahalan ninyong dalawa.

….

At the end of everyday, lagi ko nalang iniisip na siguro may better plan para sa atin si God kaya nangyayari ang lahat ng ito.  Lagi ko nalang iniisip na may mga dapat lang siguro talaga tayong matutunang leksyon sa buhay. Lagi ko na lang iniisip na hindi tayo ilalagay ni God sa sitwasyong ito kung alam Niyang hindi natin kaya ‘toh.

Bata pa naman tayo. Siguro nga, sa studies muna dapat ang atensyon ko… at ikaw, sa career at future mo. Hindi naman ako nagmamadali, di ba nga, nangako akong maghihintay lang ako sayo. Kahit gaano pa katagal.

For the meantime, lumayo muna ako s a ‘yo. Hindi nangangahulugan na sumusuko na ako. Hindi ibig sabihin noon na ayaw ko na sa ‘yo. Ayoko lang kasing mas masaktan pa.  Alam mo namang mahal na mahal kita, diba?

At dahil mahal na mahal kita… ayokong matabunan ng sakit at mapalitan ng galit yung pagmamahal ko sa ‘yo kapag hindi ako lumayo…

Ipinauubaya ko na kay God ang lahat. Nagawa ko naman kasi lahat ng makakaya ko. Panahon na siguro para hayaan kong ang destiny at si God na ang umayos ng lahat. Wala namang imposible kay God, diba? 🙂 Kaya umaasa pa rin ako at naniniwalang magiging maayos rin ang lahat sa huli. Na babalik din sa ayos ang lahat.

Basta parati mo pa ring tatandaan, na mahal na mahal ka ni Ms. Y ha? Na kahit anung mangyari, kay Mr. X lang si Ms. Y. Hindi naman kasi ako tumigil at hindi ako titigil magmahal sa ‘yo. Hindi ako mapapagod at hinding hindi ako magsasawa. Basta’t alam kong okay ka, okay na rin ako. Basta’t alam kong masaya ka, masaya narin ako. Mas kakayanin ko kasing tiisin na wala ka sa kin, mas kakayanin ko yung ako yung nasasaktan, kaysa nandito ka nga, pero ikaw naman ang nahihirapan.

Tutupad pa rin ako sa mga pangako ko sa ‘yo. Hahanapin pa rin kita sa oras na makatapak ako sa lupain ng Pilipinas. 🙂 Aayusin natin ang lahat pag-uwi ko diyan. Basta hintayin mo ang pag-uwi ko ha? Okay lang siguro sa ‘kin yung lumalandi ka dyan, basta pag-uwi ko… ako na lang ang lalandiin mo :’)

O sige na, masyado na yatang mahaba ito. Aalagaan mo parati ang sarili mo ha?

Hanggang sa muli.

Patuloy paring nagmamahal,

Ms. Y

http://definitelyfilipino.com/blog/2012/02/14/a-letter-for-my-ex/

Hello! I know magagalit na kayo sa katangahan ko. 🙂 Kaso paano po ba ang gagawin natin? Ayaw naman kasing tumigil magmahal ng puso ko. Nga pala, pwede po ba humingi ng advice? Dapat na po bang mabasa ni Mr. X yung mga sulat ko? Hindi pa rin po kasi niya nababasa kahit isa sa mga toh. If No po, kelan po kaya dapat?

Maraming salamat nga po pala sa readers and sa mga nagbigay ng advice sa unang sulat ko.

God Bless po ! 🙂

author:  binibining clara

p.e./mj

About binibiningclara

19 year-old Filipina living at the suburbs of London. I admit I'm not good at writing but it has always been my passion since I was a child. I write about my thoughts, emotions and ideas simply because I don't have anyone here to talk to, since I am in a foreign land. I'm hopeless romantic, I must say. I love the Philippines. I love being a Filipino, and I'll definitely go back there after I finish my studies. 🙂