A Friend’s Betrayal (KATAKSILAN)

(Photo Credit: picturequotes.com)
(Photo Credit: picturequotes.com)

Paano ba dapat ito harapin? Paano ba dapat pakitunguhan? Sobrang sakit, ‘di ba? Ang daming tanong pero kung ako lang ang masusunod wala nang tanong tanong pa, sapakan na lang agad. (Nyahahaha )

Bakit? ‘Di ba p’wedeng ganun? E sinaktan ka. ‘di ba? Tapos ‘yung taong ‘yun e mahalaga pa sa iyo, special, mahal mo…. kasi nga KAIBIGAN mo.

Totoo  yung pakiramdam e noh? na para bang may maliliit na karayon na tumutusok sa likod ng dibdib mo. Sa puso mo, pero ‘yun ‘yung sakit na ‘di mo p’wedeng pahiram ng ointment (kasi no effect) o inuman ng gamot na pang pamanhid at lalo namang ‘di pwedeng ipahilot kasi iba ‘to! ‘Di naman to pilay e, pero parang may pagkakatulad ng pinagmulan “NAHULOG KA KASI E!” (p’wedeng sinadya o hindi sinasadya).

Sa ibang termino NAGMAHAL KA, Oo, ‘yun na nga ‘yun! (Sana kasi sa puno ka na lang ng langka nahulog at hilot lang talaga ang katapat n’yan pag minalas-malas ORTHOPEDIC HOSPITAL ang bagsak mo, friend!! Hahaha… Ang lalim naman  uy!

Napakasakit noh! Na kahit pigilan mong maramdaman yung ganong bagay hindi mo kaya. Hindi talaga!!! (sa umpisa lang naman ‘yun friend, huwag O.A)

Minsan gusto mong magbigay ng pagkakataon at kalimutan ang lahat, pero ang hirap. ‘Yung isipin na para ka nang mababaliw. ‘Yung pakiramdam na wala ka nang mapupuntahan. ‘Yung pakiramdam na parang gumuho na ang lahat. Na nawalan na ng liwanag ang buong mundo mo.. (O.A talaga ha!)

Nakakatakot isipin na mawawala sa atin ang taong mahal natin nang sobra, ‘yung taong kasabay mong nagpaplano ng kinabukasan. Lahat ng bagay sabay n’yong binalak, ‘yung bahay, buhay ‘nung mga bata. (bata agad! seryoso ‘yun?haha) tapos bigla mawawalan ng kwenta. Kasi naloko ka, niloko ka. Hayyyy kawawa ka naman!

At ang mas masakit sabay pa silang mawawala… ang mahal mo at ang kaibigan mo. Dahil pinagtaksilan ka na nga nila. Pareho silang nagtanggal ng konsensya kasi nga wala silang konsensya!. Asan ang katarungan? Wala, ‘di ba?..

E bakit nga ba kasi may mga taong kahit alam nang hindi pwede eh pinipilit pa rin ang sarili?

Napakahirap nilang unawain, ang hirap ding bigyan ng awa. E bakit sila kaaawaan, wala bang nagmamahal sa kanila o sadyang sabik lang sila at uhaw sa pagmamahal ng iba?

Sana kung tunay ka niyang kaibigan o itinuring man lang na kaibigan e ang pinili na lang niyang mahalin ‘yung hindi magiging komplikado ang mga bagay bagay, ‘yung hindi masalimuot, ‘yung walang maaapakan o masasagasaang iba. In short, walang mahihirapan ‘yung ‘di IKAW ang masasaktan.

Ang selfish din nila ano?! Gusto nilang sumaya at lumigaya kahit makasisira na sila ng buhay. Paano naman ‘yung inagawan nila?Kasalanan ng nagpaagaw? hindi! kasalan nilang dalawa!!o baka kasalanan mo rin! (baka nga).

Andun na ako, kailangan natin ng taong magmamahal sa atin. Pero sana at sana naman, huwag gawing komplikado.

Sabi ng mga matatanda lahat ng tao may katapat. Pero bakit may “love triangle, minsan apat pa at minsan higit pa?” ‘Di ba ang dapat dalawa lang, ‘yung kayo lang..  Ewan! Bahala na si Batman.. haha

Basta ang alam ko, masakit! Ibang klaseng sakit kasi nga Special. Galing sa Special na mga tao sa buhay mo. (Tagos ‘gang buto).

Pero isipin mo na lang na…

MAKAKA MOVE ON KA DIN… SA NGAYON WALA KANG CHOICE KUNDI ANG RAMDAMIN ANG SAKIT. PERO TANDAAN MO, KAIBIGAN, ANG TUNAY NA KALIGAYAHAN AY MAHAHANAP MO SA TAMANG TAO, SA TAONG TUNAY NA NAKALAAN PARA SA IYO. DARATING SIYA MAGHINTAY KA LANG! (WALA KA NAMANG CHOICE E!) HAHAHA… Salamat sa BETRAYAL!!! Salamat sa mga taksil…

Dahil may pagkakataon ka pang mahanap ang tunay na PAGMAMAHAL at KALIGAYAHAN…

About melai

Weird! Still searching for my Worth...