A Beautiful Gift That Was Badly Wrapped….

Maganda, matalino, successful, halos wala ng hahanapin pa sa buhay ang isang babaeng kilala ko, her name is Kris. Bunso sa magkakapatid, sunod sa layaw, baby ng pamilya kung ituring si Kris. Lahat ng kanyang gustuhin nakukuha nya at madaling makamtan.. “

15 years old pa lang si Kris nang una ko syang makilala, tuwang tuwa ako sa kadaldalan nya dahil na rin sa pagiging taklesa, walang pakialam at the same yung pagka inosente nya. Dumating ang panahon na naging 18years old si Kris, close pa rin ako sa kanyang pamilya at halos “ate” na rin ang turing nya sa akin. Alam ko rin ang mga sikreto nya, boys, crushes…Di naman mahigpit ang kanyang mga magulang, sa katunayan very liberal sila sa pagpapalaki kay Kris.

Hanggang sa dumating sa buhay ni Kris si Steve, isang American. Halos magka-edad sila, palibhasa parehong bata pa, mapupusok…Dumating ang puntong nabuntis si Kris. Bilang ATE, ako ang unang sinabihan nya sa dahilang takot ang una nyang inisip para sa magulang. Mahina kasi ang puso ng Daddy at natatakot syang maging dahilan ito ng lubos na sama ng loob ng ama. Hindi rin handa si Steve at tinalikuran sya sa gitna ng kanyang sitwasyon. Litong-lito si Kris, di alam ang gagawin, walang araw na hindi sya umiiyak…

Tinanong ko sya kung ano ang kanyang iniisip? Sinabi nyang “She will keep her baby” na lubos na nag-alis ng pangamba sa akin…Natatakot din kasi ako noon na maisip nyang ipalaglag ang bata lalo na nga at nasa edad na sya. She also said that her baby may not have a father but she considers her baby, a “gift which was badly wrapped from heaven”..Napangiti ako sa sinabi nya, ipinaliwanag nya na with all the bad situation that she was into, ang magiging anak nya ang nagsisilbing liwanag sa lahat ng kadilimang nangyayari sa kanyang buhay sa ngayon.. Wala akong nasabi kundi sobrang proud  sa sinabi ni Kris..Nakita ko ang katatagan sa kanya na kahit sa murang edad, nagdesisyon syang maging isang ganap na INA..

Sinamahan ko si Kris sa kanyang mga magulang ng magsabi tungkol sa kanyang kalagayan. Umiyak ang kanyang Mommy at Daddy. Nasaktan sila ng labis subalit natuwa din sila dahil malapit na silang maging grandparents. Tinanggap ng  buong pamilya  ang kalagayan ni Kris at sama-sama nilang sinalubong ang kahit na anupamang pagsubok.

Sa ngayon, si Kris ay isang ganap na nanay kasama ang kanyang bagong katuwang sa buhay na si Lee.. Itinuring ni Lee na isang tunay at kadugo ang anak ni Kris na si Trisha.

Ang buhay ng tao ay parang libro subalit ang librong ito ay blangko, tayo pa rin ang magsusulat at gagawa ng ating sariling mga stories. Masaya o malungkot man, tayo pa rin ang pangunahing karakter sa bawat buhay na ating ginagampanan. Ang pamilya at kaibigan ay nandyan upang tayo ay gabayan at suportahan subalit sa oras ng bawat importanteng desisyon..mga sarili lamang natin ang dapat na asahan.

Being a MOTHER is not easy job, what more kung ikaw ay nag-iisa o isang SINGLE MOM?

Hanggang sa muli, Ms. J

Enhanced by Zemanta