A 5 days infatuation

downloadaaa

1st Day Monday (August 10)

Nakaupo lang ako sa isang sementadong upuan, katapat noon ay ang ball ground ng university. Malapit na ang intramurals kaya naman nakikita ko na rin ang ilang mga players na abalang-abala sa pagpapraktis. Napayuko ako. Nakita ko kasi ‘yung sintas ng sapatos ko na hindi maayos ang pagkakatali.

Inaayos ko ang sintas ng sapatos ko nang may mahagip ako, isang  bola. Tumama siya sa kanang paa ng sementadong upuan kung saan ilang inch lang ang pagitan sa akin. Muntikan na akong matamaan. Muntikan na talaga.

Umangat ang ulo ko at napatingin sa gitna ng ball ground. Nakita ko pa ang pagpeace sign ng isang football player ng College of Engineering and Technology (CET).

Kung hindi ako nagkakamali, siya ang batter ng CET, hawak niya kasi ‘yung bat kaya nasabi ko ‘yun. Mukhang nagtatalo sila dahil sa nangyari. Pero wala namang nangyaring masama. Nakita ko ang isang malaking lalaki na papalapit sa akin at kinuha yung bola. Hindi ko na lang pinansin. Hindi naman ako natamaan.  Ilang minuto akong nananatili doon.

“Huy Badz ” napalingon ako sa tumawag sa ‘kin. Classmate ko pala. Tinitigan ko siya.

“Di ka pa uuwi?” tanong niya sakin. Umiling lang ako. Ayoko pang umuwi.

Tumingin muli ako sa ball ground. Wala na yung mga CET players. College of Arts na ang mga nandoon. Malamang magpapractice din ang mga yun.

Nakaupo pa rin kami at walang nagsasalita. Ewan ko ba sa sarili ko at wala akong masabi sa katabi ko. Ewan ko rin sa katabi ko at bakit pa nandito. Maya-maya nakarinig ako ng ingay sa likod. Nilingon ko ito at ayun, nakita ko siya.

“Sorry sorry” sabi niya habang naglalakad palayo sa lugar ko. Nakita ko pang ngumiti siya. Siya yung batter ng CET. Natulala ako ng ilang sigundo. Ang ganda ng mga mata niya. Habang papalayo sila, napansin kong nagtatawanan sila. Bakit kaya? Parang inaasar siya nung mga kasamahan niya?

“Badz, ikaw ba sinasabihan nung mga yun?” tanong sakin ng classmate ko. Natauhan ako.

“Oo ata? ” matipid kong sagot. Nakakatamad kasing magsalita.

“Bakit?” naiintriga niyang tanong sa akin. Sasabihin ko ba? Sus. Sige na nga para matigilan na to.

“Muntikan na kasi akong matamaan ng bola. As in muntik na”

“At least nagsorry si kuya haha” nakatawa niyang sagot sa akin. Nakakatawa ba? Napatitig nalang tuloy ako sa kanya at napailing.

Nakauwi na ako pero naaalala ko parin yung batter ng CET na yun. Ang ganda ng mga mata niya. 8:22 PM na. Naisipan kong magsulat sa aking Idea File.

“Mapungay mong mga mata, masisilayan pa ba?  Ngiti mong kay ganda, ibinigay ng kusa. Nasaan kana kaya? Ako’y nakikilala pa ba? Sana’y muling makita ka, yun lang pangako, sapat na.”

Matapos kong maisulat kung anong nasa isip ko, binasa ko ulit. Bakit ganito ang naisulat ko?

2nd day Tuesday (August 11)

            Hindi ko alam kung bakit tila ba nakalimutan ko bigla ang detalye ng kanyang mukha. Tanging mapungay niyang mata lamang ang naaalala ko. Alam kong CET siya. Matangkad, payat, moreno. Yun lang ang natatandaan ko sa kanya pero pagdating sa mukha niya, sa kumpletong detalye, hindi ko talaga matandaan. Late ko na ng marealized na crush ko siya. Ang babaw. Ngayon, gusto ko lang isulat ang nasa isip ko, kagaya ng lagi kong ginagawa. Umaasa parin akong makikita ko siya.

“Sorry sorry” yun lang ang nasabi niya. Ngayon ko lang naintindihan na mahalaga pala ang mga salitang iyon. Nasaan kana kaya? Natatandaan mo pa ba ako? Ako yun. Ako yung umaasang makikita ka ulit. Hindi ko maalala ang mukha mo pero mata mo lang ang palatandaan ko. Araw-araw, umaasa akong makikita ulit kita.Sana makita ulit kita. Alam kong hindi mo ako kilala. Hindi mo rin ako matatandaan. Isang tingin lang ulit sa iyong mga mata, alam ko na. Alam ko na ang gagawin ko. Sana isang beses pa. Isa nalang pakiusap magpakita kana.

 

3rd day Wednesday (August 12)

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung araw na iyon. Sa bawat lalaking nakakasalubong ko, umaasa akong makakasalubong rin kita. Bumalik ako sa lugar na iyon. Naisip ko lang na marahil ay nandoon ka at nagpapraktis ulit kayo. Umupo akong muli sa sementadong upuan. Bakit ba ako naghahangad na makita ka?

Nakaupo lang ako doon. Wala namang nagpapraktis maliban lang sa soccer team ng CAS. Napabuntong hininga ako. Nawawalan na ba ako ng pag-asa? Eh ano naman kung makita ko ulit siya? May mangyayari ba? Natauhan ako sa naisip ko. Oo nga naman. Wala namang mangyayari. Pero kahit anong mangyari, hihintayin ko parin siya.

“Inaantay mo na naman si CET boy no?” nilingon ko kung sino iyon. Napangiti lang ako ng pilit.

“Hindi naman masamang maghintay diba?” yun lamang ang nasabi ko sabay tuon ng tingin sa mga players sa ball ground.

“Mahirap maghintay sa taong hindi mo alam kung babalik pa” napalingon ako sa kanya. Seryoso lamang ang mukha niya.

“Alam ko.” Matipid kong sagot. Parang may hinihintay rin siya sa tono ng pananalita niya.

“Kung susuko agad ako dahil lang sa napagod akong maghintay, baka pagsisihan ko naman kung malaman ko isang araw na bumalik pala siya para sakin.” Pahabol kong sagot at ngumiti ako. Hindi ko alam kung anong reaksiyon ng mukha niya sa sinabi ko. Nakatingin parin ako sa mga naglalaro.

“Hindi ka ba nakakapagod?”

“Hindi” lumingon ako sa kanya at ngumiti ng malapad. Tumayo ako at nag-umpisa ng maglakad ng marinig ko siyang magsalita.

“He’ll never come”

4th day Thursday August 13)

Ilang araw na ang nakalipas at unti-unti ko naring nakakalimutan ang ilang mga detalye tungkol sa kanya. Araw-araw parin akong nagdadasal na sana makita ko parin siya. Buong buhay ko ata, lagi nalang akong naghihintay. Dati kay Mewo, ngayon sa lalaking ang alam ko lang ay galing sa CET department. Sa araw-araw na ginawa ni Lord, meron akong pag-asa na makikita ko siya. Pano ko malalaman kung siya na yun? Ni hindi ko na nga maalala kung anong itsura niya diba? Magulo. Pero ang alam ko lang, ang palatandaan ko lang ay ang mata niya. Basta. Alam kong siya yun kapag natitigan ko na ang kanyang mga mata. Basta gusto ko lang ulit siyang makita. Nakakatawa no? Para akong timang na naghihintay sa wala haha. Tsk.

Papasok na ako sa campus namin. Bumuntong hininga ako. Naisip na naman kasi kita. Hayaan mo crush lang naman to. Mawawala din. Naglalakad ako papuntang speech laboratory. Ako palang mag-isa. Naupo ako sa gilid, katabi nun ay ang dating library. Napansin ko ang isang notebook sa tabi ko. Mukhang naiwan. Ng buklatin ko ito muli sa likod. Nagulat ako sa nabasa ko.

“August 10, 2015, my girl is sitting on a bench. She’s looking at me? Shit! Did I hit her? Dae ako makaturog. (Hindi ako makatulog) ”

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ano daw? Siya ba to? Di nga?  My girl? Napangiti ako sa nabasa ko. Haha. Isa itong evidence. Haha. Tss. Ayoko mag-assume.

“Badz” nagising ako sa ulirat. Siya na naman. Lagi nalang siyang sumusulpot. Sumulpot din siya doon sa ball ground. Napatingin ulit ako sa notebook na hawak ko. Asan na yung nakasulat? Binuklat ko iyon ng ilang ulit. Bakit nawala?

“Anong hinahanap mo?”

Hindi ko siya pinansin. Ano yun? nagdiday dream lang ako?

“Badz. Mukha kang timang sa ginagawa mo”

Napahinto ako sa ginagawa ko. Oo nga. Mukha na akong timang. Imagination ko lang pala yun? Wow ang saklap naman. Napabutong hininga ako at inilapag yung notebook na yun. Kinuha naman yun ng lalaking si Kabute, pasulpot-sulpot. Classmate ko siya, ewan ko nga ba sa sarili ko kung bakit ko yan kinakausap.

“Pang engineering to ah?”

Tumango lang ako.

“Napulot mo?”

Tumango lang ulit ako.

“May problema ba?”

Umiling lang ako. Akala ko pa naman totoo na. Walanjo! Nagdidaydream lang pala ako. Akala ko pa naman… haisst.

“Iniisip mo parin siya?”

Tiningnan ko lang siya at umalis na ako.

8:36 PM

Lumabas ako para makita ang buwan. Whooh favorite ko ang moon. Ang ganda-ganda kasi! Tapos naisip ko na naman siya. Nasa bubong ako ng bahay ng tita ko. Mas maganda kasi dito. Dala ko yung idea file ko. Napangiti ako at nag-umpisang magsulat.

“I’m still hoping that someday we’ll meet again. Makikita pa ba kita? Lagi nalang kitang naiisip. Nakakapagod na. JOKE. Sana nakatingin ka rin sa buwan ngayon. Kasi kung oo, masaya na ako. Tayong dalawa, sa iisang buwan lang nakatingin. Thank you CET boy.”

5th day Friday (August 14)

Nagpray ako bago pumasok sa gate ng campus namin. Syempre ipinagpray kita. Sana ngayong araw makita na kita. Nakakalungkot. Ewan. Bigla akong nalungkot ngayon. Parang isang kandilang may apoy, habang tumatagal nauubos rin ang buhay. Nauubos na rin ang pag-sa kong makita ka. Para naman kasi akong timang eh. Dapat ko na bang itigil ang kahibangang ‘to?

Natapos na ang araw. It’s already 9:02 in the evening. Napagisip-isip ko na. Tama na siguro to. Kinuha ko ang idea file ko at binasa ang lahat ng tungkol sa iyo.

10:48 PM

“Ito na siguro ang panahon upang kalimutan ka. Tapos na ang intramurals, tapos na rin ang lahat. Panandaliang kasiyahan lang. Masaya narin ako. Salamat dahil nangyari iyon. Hindi man kita nakita ulit, namalagi ka sa isip ko. God bless you CET boy!”

Isinara ko ang aking idea file ko kasabay nito, tinatapos ko na rin ang lahat. Hindi na ako maghihintay pero alam kong makikita parin kita. Salamat.

UNXPECTED DAY

Hindi ko inaasahang makikita kita. Ahaha. Natatatawa na lang ako. Kung kailan ako sumuko, tsaka ka nagpakita? Joke. Hindi ako sumuko kasi alam kong makikita pa rin kita.

Nakasakay ako sa motor. Habang nagmamaneho si Kuya, nakita kita. Naglalakad. Alam kong ikaw yun! Oo ikaw yun! Sinundan pa kita ng tingin. Kaso baka mabali ang leeg ko kung ipagpapatuloy ko. Napangiti na lang ako ng malapad. Nakita din kita. Thank you… Thank you.  Thank you talaga. Masaya na rin ako. Salamat.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.