831, DF Bloggers Int’l

I miss you ( Photo credit: qikipossible.blogspot.com)
I miss you ( Photo credit: qikipossible.blogspot.co
I miss you ( Photo credit: qikipossible.blogspot.com)
I miss you ( Photo credit: qikipossible.blogspot.co

Sa ating magkakakapatid, nakikita ko ang sarili ko na kakaiba sa lahat. Hindi naman ako ang bunso, hindi rin ang panganay. Ako yung madalas mang-trip, maingay, makulit at pasaway. Wagas kung makabanat, ma-keso at mas matamis pa sa tinapay. Laging tumatawa, laging masaya; at kung hindi mo ako kilala, talagang maasar ka. “Loko-loko” sabi nga ni nanay.

Pero sasabihin ko sa ’yo; masuwerte ka kung isa ka sa mga inaasar at pinagtitripan ko. O sabihin ko nang masuwerte rin ako, alam mo kung bakit? Kasi ibig sabihin lang nun na “close na tayo.” Kilala na kita at kilala mo na rin ako. Kaya naman kahit tama ka, sinasabi kong mali, tapos pinagtatawanan pa kita. Ako yung tao na tuwang-tuwa kapag may mga naasar sa aking sinasabi at ginagawa. H’wag mo lang ipahalata sa’kin dahil talagang hindi kita titigilan hanggang sa mangiyak-ngiyak ka na.

At kung ramdam kong nag-iiba na ang itsura ng maganda mong mukha; tanda na iyon para simulan kong suyuin ka. Walang tigil naman na pansusuyo ang gagawin ko hanggang sa maibalik ang ngiti sa iyong mga mata. Yung tipong maluha-luha ka na sa kakatawa. Ganun lang ‘yun, lahat ng galaw at sinasabi ko; siguradong may binabalak ako. Pero asahan mo, hindi ito masama. Paiiyakin lang naman kita, pagkatapos nun, pupunasan ko naman ang iyong mga luha.

May mga araw na lagi mo akong nakikita; na laging nakangiti, at laging maamo ang mukha. May mga araw din na tahimik ako, hindi nagsasalita at hindi mo mahagilap kung nasaan ako. Kakaiba talaga, hindi ba? “Parang may tupak lang,” sabi mo siguro. Pero hindi; sabi ko nga sa inyo, bawat galaw at sinasabi ko, may binabalak ako.

Kapag hindi mo ako nakikita, huwag mo akong hahanapin. Mas lalong hindi mo ako makikita. Ako ang lumayo, ako ang nagtago; gaano man kalayo ang marating ko, alam ko pa rin ang tamang daan pabalik sa ’yo. Kapag hindi mo ako naririnig na nagsasalita, huwag mo akong tatawagin. Mas lalo lang magiging tahimik ang mundo ko. Huwag kang mag-alala; wala akong problema, wala akong dinaramdam.

Kanina lang may tumawag ng pangalan ko, nag-aalala at ipinahahanap ako. Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Ganun pala ang pakiramdam kapag nararamdaman mong may nagmamahal sa ’yo. Marami naman ang nagmamahal, pero may mga taong iba talaga ang dating sa ’yo.

Kaya ako nawala, kaya hindi n’yo ako nakikita kasi may gusto lang akong patunayan sa sarili ko. May gusto lang akong maramdaman. May gusto lang akong sabihin sa inyo; na hindi ko nasasabi kapag kasama ko kayo, naririnig at nakikita kayo. Walong letra, tatlong salita, pero iisang diwa.

“I MISS YOU”

Minsan tahimik lang ako; hindi masyadong nagsasalita, pero alam kong alam n’yo na namimiss  ko na kayo nang sobra.

“I LOVE YOU”

Oo, mahal ko kayo.

8/31/12 – 8:31PM

1 Comment

  1. alam namin ice di ka nawawala sa amin, andyan ka lang nakatingin sa bawat pinag uusapan ng grupo.. naramdaman ko rin yan.. ng mawala ako sa sirkulasyon ng bahay natin, at nakikita ko na may nagtatanung sa pangalan ko, sa isip ko mahalaga din pala ako sa kanila at kahit di n’yo nakikita lumundag ang puso ko at pumatak ang luha ko (minsan po pag ma emote hehehe)Sa DFBI ko natagpuan ang mga tunay na kaibigan na walang hinihinging kapalit, tunay na concern ng isang kapamilya at kapuso at kapatid na rin..

    Minsan sa buhay natin, di ibig sa sabihin na kapag nawala ang presence mo, nawala na rin ang ala-ala mo o nakalimot na ang taong yun. Hindi! tama ka ice may mga bagay lang na may gusto kang patunayan sa ating pananahimik… at sa pagkawala natin doon natin natatagpuan ang kasagutan…

    lahat ng MAGIC WORDS gusto kong sabihin sa’yo ice kung gaano ka kahalaga sa amin.. pero alam mo naman LOL, kaya alam mo na yon.. Ingatz ka kapatid ko! God bless you

Leave a Reply

Your email address will not be published.