5 Things Teachers Should Teach Their Students

DSC3897Hey there! Good to have you here. On this post I will talk about some of the things I notice about teachers in the Philippines.

When I was in high school, naaalala ko yung teacher ko  sa Social Science nagpagawa ng project. Mag-research daw ng information about some stuff I forgot already. I-research daw sa Wikipedia dahil valid info source ito at i-copy paste na lang daw. Saya no?

Tapos nung nag-exam kami (same teacher, same subject), pinalista nya lahat ng dignitaries and authorities sa United Nations at US Cabinet. Takang-taka lang ako kasi saulado namin kung sino Secretary of the Treasury nila pero di namin kilala kung sinong Secretary of Finance dito sa Pinas.

This was 6 years ago. Sana nagbago na ng style si Sir. At sana di na rin sya nag-gi-green jokes sa klase. Kasi seriously yung mga lalaki lang ang nag-eenjoy at kaming mga babae di na makapag-antay mag-kwentuhan later about how bastos he is. Meron akong classmate noon na medyo biniyayaan ng above average na laki ng boobs, so minsan target sya ng green jokes ni sir. Di pa uso noon ang mag-file ng sexual harassment complaint.

Dami ko rin naririnig na imba ways of teachers na talaga namang nakaka-gulo ng utak. Yung iba naiinis pag yung student ahead sa majority of the class. Yung iba kung anong nasa textbook ipapasulat sa blackboard tapos kokopyahin ng students. Nagdudugo na mga daliri ng mga bata habang sya ay nakikipag-kwentuhan sa mga amiga/amigo nya. Kulang na lang umiyak mga bata, Please ma’am nasa book naman ‘to bakit kelangan kopyahin?! Yung kapatid ko laging inuutusan magsulat sa blackboard ng nakasulat sa book. After nya isulat sa blackboard, isusulat din nya sa notebook nya. Tsk, kawawang bata.

Don’t get me wrong. I respect and honor teachers. They work so hard for this nation’s future. But ultimately I love my nation more kaya nilalahad ko ang mga bagay na sa tingin ko dapat magbago sa sistema. Meron akong limang argument na gusto kong i-present sa iyo. Di mo kelangan mag-agree pero sana pag-isipan mo. Usap tayo sa comments section:


Argument #1: Respect not Fear.

Common ito sa mga public schools. Nung Grade 4 ako si Ma’am ‘pag nagagalit samin kasi maingay kami pinapalo ang mga palad namin tapos pinapahila sa amin ang mga patilya namin. Haha! Nakakatawa na lang maalala pero masakit yun ah. Sinasabihan din nya kami ng bobo! tamad! walang kwenta! walang mararating sa buhay! Ang sakit naman nun Ma’am! Ako naman ‘to, naniwala. Syempre, teacher ko nagsabi nun, so it must be true. Bobo nga siguro ako sa Math at hindi yayaman.

Pero hindi biro yun ha. Dami nang studies na nagsasabi na ‘pag sinisigawan ang bata at laging pinapagalitan using harsh words, lumalaki itong takot sa mundo at walang tiwala sa sarili. O kaya nagiging bayolente. Tipong manununtok ‘pag ‘di nakuha ang gusto. Mas lumalala din ang behavior problems nito, kaya hindi talaga magandang sinisigawan ang mga bata.

Pag sinisigawan at sinasaktan ang bata, you’re cultivating fear in them.  What kind of fear? Fear of rejection, punishment, humiliation, harsh words, failure — and these hinder the unleashing of their full potential. Habang lumalaki sila tumatatak sa isip nila na palpak sila so matatakot sila na sumubok ng mga bagong bagay. And that’s just sad.

Isa pa, they may fear you but they will not respect you. Nung sinaktan ako ng grade school teacher ko, ang naisip ko lang, Aba sino ba ‘to para saktan ako. Di naman nya ako pinapakain. Di ko naman sya magulang. Naging mas rebellious pa ko mag-isip. Then I started to really get mad at her. I thought she was a mean old lady who doesn’t know how to love. In effect, I didn’t have a high regard for her. She was one of the teachers that made little positive impact in my life.

Wala rin namang masyadong natututunan ang mga bata pag binubulyawan o pinapalo sa palad. Umamin ka, nung grade school pag sinigawan o pinalo na kayo tatahimik kayo saglit pero maya-maya iingay ulit. Eh kasi normal lang sa bata ang mag-ingay. Bata yan eh. Matakot ka kung yung bata walang gana at tahimik sa isang sulok. Yung iba naman, natakot nga,  so akala ng teacher effective. Pero sa totoo lang hindi. Maaaring ‘di na sila uulit sa panununukso sa kaklase kasi natakot sya sayo, pero hindi mo naituro ang kahalagahan ng kagandahang asal sa ibang tao. Maaaring ‘di na sya uulit sa pangongopya kasi pinahiya mo sa klase, pero hindi mo naituro ang kahalagahan ng pag-aaral nang mabuti. Akala mo dinidisplina mo sila pero sa totoo lang counterproductive yan. Mali yung natuturo mo.

So anong magandang gawin ng teachers? In my humble opinion, kung may nagawang mali ang bata dapat itong kausapin nang masinsinan. One-on-one, hindi ipapahiya sa buong klase. Alamin kung bakit nya ito nagawa. Malay mo may problema pala sa pamilya. Wag din sasaktan physically kasi abuso po yun.

Sana i-respeto ng mga teachers ang mga bata dahil tao din ang mga yan. Maliliit nga lang. Respetuhin na may feelings din sila, nasasaktan at nalulungkot din. At kung pano mo sila tratuhin ay ganun din nila tatratuhin ang sarili nila. Kapag sinabi mong bobo sya, maniniwala yan hanggang paglaki nya. Kapag lagi kang disappointed sa kanya, lalaki syang iniisip na failure sya. Diba ang sakit nun. Pero kapag ni-respeto mo sya, rerespetuhin ka din nya at ang sarili nya. Ito dapat ang goal ng teachers: build them up, not destroy them. Teach them how to respect authorities, friends, and themselves. How to do this? Simple: respect them.


Argument #2: Self-confidence not Intimidation.

Connected ito sa Argument #1: Respect not Fear. Ang bata nararamdaman nyan kung pinapahalagahan sya o hindi. Nararamdaman nya kung mahal sya ng mga tao sa paligid nya o hindi. Kung ikaw ba nararamdaman mong wala kang halaga, matutuwa ka ba sa sarili mo? Iisipin mo bang  maganda ang buhay at maganda ang future mo? Kung lumaki kang binubulyawan ng parents at teachers umaga gabi, lalaki ka bang may tiwala sa sarili? Kung bawat mali mo may katapat na palo at sigaw, lalaki ka bang matapang?

I strongly believe na nadedevelop ang confidence at self-esteem ng tao habang bata pa ito. Sana samantalahin ng teachers ito. Teachers are very powerful in shaping children’s future. Malay mo, yung isang batang in-encourage mo na mag-try ulit kahit magkamali ito, at sinabi mong mag-tiwala lang sya sa sarili nya, ay lalaki bilang presidente ng bansa.


Argument #3: Creativity not Memorization.

This one is very close to my heart. One thing: Don’t make your students robotic creatures that will just absorb what you teach them. Alam kong matatalino ang teachers at useful ang textbooks, pero hindi dapat ikahon sa mga ito ang learning ng mga bata. Don’t encourage them to memorize stuff just for the sake of getting good grades. What good are high grades kung hindi sila marunong mag-isip ng sarili? The most successful people are the most creative ones.

For example, anung sense ng pagsasaulo ng mga bata ng mga eksaktong dates ng kung kelan pinirmahan itong treaty na ito o kelan namatay si Datu ganyan? Don’t get me wrong, importante ang history. It’s one of my favorite subjects. Pero I think teachers should teach the students the bigger context of historical events rather than focusing on such trivial details like ilan ang anak ni ganito. Who cares? What we should care about is that students understand a certain historical period, the implications of these, the forces that interact together during these periods, and why on earth they need to know about these things. Okay na siguro yung alam namin ang year ng mga pangyayari para may idea kami ng timeline nito, pero memorizing every tiny details is overrated.

Isa pa. Naaalala ko nung biology ko nung 2nd year high school. Wala akong matandaang natutunan ko dito na natutunan ko sa teacher ko. Ang mga natatandaan kong natutunan ko eh natutunan ko mag-isa through conducting my own research, observations and experiments. Pano ba naman, si teacher gustong ipasaulo samin lahat ng parts ng halaman pero di naman nagpakita ng kahit anong visualization man lang. Pano ko maa-appreciate kung pano nagfa-function ang inner parts of a plant kung di ko ito nakita at least sa animation man lang. Instead of pushing us to memorize things, sana pinaintindi samin nang mabuti. That way, we could have understood it better, formed hypotheses on our own, and designed and performed experiments on our own. Mas comprehensive yung learning.

Pero disclaimer na din, alam kong may mga topics na okay na sinasaulo ng bata. Katulad syempre ng scientific names, chemical properties, formulas, etc. Memorization also enhances the brain’s capacity to store and recall information. Dapat lang na gamitin ito in a way that makes sense.

I think unti-unti nang nagbabago ang style of teaching ng most teachers. They’re finding ways to make the class more interactive and make the subject matter more interesting to the students. This is good. Moreover, I hope teachers will encourage students to create stuff rather than merely duplicate. Wag copy and paste. Dapat may originality. Ika nga, we should teach them how to think not what to think. Don’t teach them to think just like the rest; teach them to think different.


Argument #4: Compassion not Competition.

Common scenario na sa high school at even sa elementary na nagkakasiraan ng friendships dahil naungusan ni ganito sa Top 10 si ganito. Kesyo hindi naman daw deserving. Dinaya daw. Sipsip.

Paano kasi, laging sinasanay ang mga bata (hindi lang ng mga teachers kundi pati parents) na dapat magkaroon ng pinaka-mataas na grades. Dapat mas magaling. Dapat mas astig. Crab mentality. Nagsisimula yan sa ganyan, Top 10, pero pag tanda ng mga yan, gusto na nyan mas mayaman sya sa iba, mas maganda, mas mahusay, mas matalino, mas sikat, lahat na.

Imbis na maging masaya para sa achievement ng classmate nya, nagalit pa. Imbis na matutunan kung pano magmahal sa kapwa at maging matulungin at mapagbigay, natututunan nilang magpa-galingan. There’s nothing wrong with a competition as long as it’s healthy. Eh ang nangyayari sa mga ibang bata ngayon, wala nang ibang inisip kundi makakuha ng mataas na marka. Dala na rin ng pressure sa magulang at teachers. Tsk, sayang yung friendships na sana nabubuo.


Argument #5: Open-mindedness not Self-righteousness.

Madami na ring teachers ngayon ang racists and bigots. Nagsasalita pa sa harap ng klase na mali ang maging Muslim, mali ang kumampi kay Noynoy, mali ang feminists, mali ang mga aktibista, mali ang Catholics, mali ang Iglesia ni Kristo, mali na lahat. Ang tama lang para sa kanila ay kung anong pinaniniwalaan nila.

Sa loob ng classroom dapat lumalawak ang pag-iisip ng mga bata, hindi kabaligtaran. Dapat natututo silang maging tolerant at respectful sa beliefs ng iba. Again, they should learn respect from their teachers. Paano tayo mag-re-raise up ng righteous at excellent leaders kung hindi natin sila tuturuan na maging mapagkumbaba sa paniniwala ng iba.

At iyon na, tapos na ang nobela! Haha! Madami pa akong gustong sabihin pero baka mabwisit ka sakin at layasan ako nang tuluyan. Maraming salamat sa pagbabasa. Paalala lang, uunahan ko na ang iba sa inyo, hindi ako nagdudunung-dunungan. Di ako “expert”. Magkaiba ang nagmamagaling sa nagsasabi ng opinyon. So kung disagree ka sa iba, I respect that. Respect my opinion too.

Tell me what you think! Do you agree or disagree on some points? Any thoughts? Let’s get it on!

About oriental.saga

Female. 21. Frustrated writer. You can see more of me here: http://theorientalsaga.wordpress.com. See ya!